Chapter13

460 6 2
                                    

"Sigurado ka ba sa mga nakalagay dito?" -Mr. Brazero

"100%. Hindi ako pwedeng magkamali.  Lahat ng background niya ay nandyan na din. Kung san siya nag-aaral, san siya nakatira, sino kumupkop sa kanya. Lahat!" -Paninigurado niya.

Ilang taon na akong paulit-ulit nagha-hire ng mga mahuhusay na imbestigador sa ibat-ibang parte ng bansa  pero sa ilang taon na yon ay ngayon lang ako nagkaron ng resulta. Mula sa isa kong tauhan sa ibang bansa ko nalaman ang tungkol sa tinatawag nilang

'SECTOR29' (See CLYDE.)

Isa itong tagong Lihim na ahensya na tumatrabaho sa hindi kayang i-handle ng mga Ordinaryong Pulis or Investigator. Ahensya na hindi tumatanggap ng pangalan at background ng kliyente maliban sa nais nitong ipatrabaho. Kaya naman secured ang bawat impormasyon kapwa kliyente, ahensya at maging ang agent.

Kinuha ko at kinakabahan kong binuksan ang envelope na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa anak ko.

Matagal na panahon akong nanabik sa kanya. Matagal na panahon akong naghintay sa pagkakataong ito Para makabawi bilang ama sa lahat ng pagkukulang ko.

Pagkabukas ng Envelope ay agad kong Kinuha ang mga laman non at binasa ang mga impormasyon. Matapos nun ay kinuha ko naman ang isa pang papel na naglalaman din ng resulta ng DNA test. Pero, Bago ko pa man iyon mabuksan ay may nag-slide na maliit na litrato sa sahig na nakapaloob sa nakatiklop ng papel. Agad kong Dinampot iyon at tinignan.

Ganun na lang nag-unahan pumatak ang mga luha ko sa mata ng makita ko ang nasa litrato.

Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Sa tagal ng panahon na hinintay ko, ay abot kamay ko na pala ang anak ko.

Ang nag-iisa na lang ngayon na pupuno sa buhay ko. Kamukhang-kamukha siya ng kanyang ina. Parehas sila ng yumao nyang kapatid. Kapwa may angking ganda.

"Salamat! Salamat!"  maluha-luha kong pagpapasalamat.

"Trabaho ko po ito. Kasama po sa binayaran nyo ang mabilis at saktong resulta." Kaswal niyang sagot.

"Hindi ko alam kung paano kita mapapasalamatan CLYDE."  Yon ang pangalan ng babaeng imbestigador.

Hindi na siya sumagot bagkus ay tumango lang siya.

Ilang sandali pa ay nagpaalam na siya. Naiwan naman akong nakatingin pa din sa litrato.

Kung buhay lang sana si Camille, paniguradong sya ang unang-unang matutuwa sa magandang balitang ito. Alam ko kung gaano siya kasabik sa kapatid niya at Paniguradong sya na mismo ang susundo sa kapatid dito. Tulad sana ng plinano niya noon bago pa man lumubog ang barkong sinasakyan niya. Ang paghahanap sa kapatid niya ang naging ugat ng dahilan kung bakit napasakay ng barko si Camille ng wala sa oras. Nabalitaan niya kasing may bagong balita sa kapatid nya at may nakapag-sabing nasa Cebu daw ito. Nauna kami ng mama niya doon ,pero hindi paman namin nalalaman ang totoo tungkol sa balita ay lingid naman sa aming kaalaman ay sumunod din pala si Camille. Ang sumunod na lang naming naging  balita tungkol kay Camille at ang paglubog ng sinasakyan nitong barko. Ilang beses kaming nagdasal na sana mali ang narinig namin, na buhay pa si Camille, na ibang barko ang sinakyan niya. Pero ng kompirmahin mismo yun ng isa naming kakilala ay Pakiramdam namin ay biglang nagdilim ang buong kalangitan para sa aming mag-asawa sa masaklap na balitang iyon.

"Honey, please tell me.. Tell me that our baby is still alive..  please...." iyak ng asawa ko.

"We'll find her soon, dont worry.." Pinilit kong maging matatag ang boses ko. Kailangan yun.

She's the Gang LeaderWhere stories live. Discover now