Chapter19

409 11 3
                                    

Halos Dumagundong and buong sistema ko ng unti-unti ang ginawa niyang paglapit sa kinaroroonan namin.

Gagong yon! anung kahangalan ang ginagawa niya?

"Ma'am wag po kayong bababa, takpan niyo lang po yung tenga nyo kung may mangyari man." Paalala sakin ni kuya Popeye na sinimulang hugutin mula sa ilalim ng kinauupuan nya ang isang high-caliber na machine gun. Nakita ko din ang unti-unting paglabas ng mga tauhan ng MD sa kani-kanilang mga sasakyan at pinalibutan kami nito bilang harang.

"Teka Kuya-" sabay bukas ko ng pinto pero pinigilan ako ni kuya Bert.

"Ma'am, hindi po kayo pwedeng lumabas." sabi ni kuya bert na muling sinara yung pinto.

"Pero kuya-"

"Ma'am, makinig naman po kayo sakin. Mapapatay po kaming lahat ni Boss Gayle pag may nangyari sa inyong masama."

"Kuya Kasi yung-"

"Ma'am please ho.. para din po ito sa inyo.."

Hindi na ako muling nakapagsalita ng makita ko ang unti-unting paglapit ng mga bodyguards sa lalaking bahagyang nakataas ng kamay sa ere habang nakatutok naman ang mga naglalakihang baril sa direksyon nya..

"Kuya, please.. kailangan ko po talagang lumabas, yung lalaki kasi na yon ay-"

"Ma'am, alam kong hindi nyo pa alam ang dapat gawin sa mga sitwasyong ganito pero nakikiusap po ako ng makinig naman po kayo samin." Halos pagmamakaaawa ni kuya Bert. kita ko naman ang sinseridad sa mukha nya na gusto lang nya akong protektahan pero, hindi na importante ang kaligtasan ko nagyon dahil hindi naman threat sa buhay ko ang taong nasa labas at kasalukuyang tinututukan ng baril.

Sh*t! ano bang gagawin ko????

[ Cody ]

Hindi mahirap ang paghahanap sa sasakyan ng babaeng yon dahil di lang kalayuan ay may mga itim din na sasakyan ang nauuna dito.

 Pinaharurot ko na ang sasakyan at wala akong planong umatras sa gagawin ko. Medyo delikado ang naisip ko dahil isang maling hakbang ko lang ay alam kong hindi sila magdadalawang isip na paputukan ako. Pero, tulad ng sinabi ko, Wala akong pakialam!

Ilang sandali pa ay lumiko sila sa isang street at sakto din na alam ko ang pasikot-sikot dun kaya naman ay umikot ako para naman maabangan ko sila unahan. Actually, hindi ko nga alam kung Nasa ensaktong pag-iisip pa ako dahil dito sa ginagawa ko. Ang tangi ko lang alam ay, hindi ko dapat hinayaang umalis nalang ng ganun si Summer.

Hindi naman ako nabigo dahil nauna akong nakarating sa sinasakyan nila, nung tila malapit na sila ay dun ko naman saktong hinarang ang sasakyan ko at ipinarada iyon sa mismong daraanan nila. Sa totoo lang, medyo nanginginig na ako sa takot pero hindi ako pwedeng maging OA ngayon. MD ang hinarang ko at mismo sa sarili ko ay alam ko kung ano ang kaya nilang gawin sakin. Walang patawad at walang sini-sino ang MD lalo na kung kaligtasan at kapakanan ng namumuno sa kanila ang pinag-uusapan.

Unti-unti ang ginawa kong paglabas ng kotse dahil ayokong maisip nila na may masama akong balak para sa amo nila. Unti-unti din ang ginawa kong paglapit pero nahinto ang mga paa ko sa paglalakad ng magsimulang magsilabasan ang mga bodyguard na may malalaking katawan, PATAY. Parang gusto ko atang pagsisihan ang kagaguhan ko ngayon!  Kita ko mula sa mga tagiliran nila ang mga naglalakihang mga baril. PATAY na talaga!

 Gustuhin ko mang umatras pero hindi na pwede. Then, ito naman talaga ang plano ko diba?

 Parang gusto kong tumakbo pabalik ng kotse ng itututok na nila sa direksyon ko ang mga baril nila na anytime ay pwedeng tumadtad sa sasakyan kong mamahalin at sa katawan kong habulin! (Hala, Sige React!)

She's the Gang LeaderWhere stories live. Discover now