Chapter 12: The Biggest Problem

2.8K 63 1
                                    

Chapter 12: The Biggest Problem

Sharm's POV

*cries*

"Jett!"

Hindi sya lumingon at tuluyan na syang sumakay ng kotse nya.

"Mahal din kita Jett! Ano ba!"

"Anak"

Niyakap ako ni mama at napahagulgol naman ako ng iyak.

Kasalanan ko to. Bakit kasi ipinilit ko pa ang sarili ko kay Seff kahit alam kong gusto ko na si Jett.

"Sshh. Tama na anak"

Inalalayan ako ni mama papasok ng bahay habang patuloy parin akong umiiyak.

"Kung talagang para kayo sa isa't isa. Kahit anong mangyari babalik sya"

Ngumiti lang ako kay mama at muli ay niyakap ko sya.

"Hihintayin ko sya mama. Hihintayin ko sya"

Seff's POV

*yawn*

*eekkk*

Bumukas ang pinto at pumasok si Sharm, nang umiiyak.

"Oh anong nangyari sayo?" tanong ko.

"Tapos ka na bang matulog? Umuwi ka na, gusto ko munang mapag-isa"

Kumunot noo ko at umupo sya sa kama.

"Akala ko ba gusto mo kong makausap?"

Yumuko sya sabay sabing "Tapusin na natin to"

"Tapusin ang ano?"

"Tayo. Ayoko na ng tayo, ayoko na ng gulo"

Buffering...

Buffering...

A-anong sinabi nya?!

"B-bakit Sharm? May iba ba?" tanong ko ng may halong pagkainis. Hindi ko maintindihan pero parang may kumukurot sa loob ko. Para bang nagagalit ako.

"Oo. Masaya ka na ba? Yan naman talaga ang gusto mo diba? Ang iwanan kita para magpakasaya ka kasama ng iba"

Napayuko ako ng dahil sa sinabi nya.

*dugdug*

*dugdug*

*dugdug*

Ang sakit pala. Ganito ba talaga ang pakiramdam ng iiwan ka?

"Tapos ka na bang magsalita? Bakit? Sino ba yang lalaking ipinagmamalaki mo sakin ngayon ha?!"

"Wala ka ng pakielam kahit si batman pa sya. Umalis ka na, gusto ko ng mapag-isa"

*bogsh*

Isinara nya ang pinto matapos nya kong ipagtulakan palabas nito.

*sigh*

Ang weird. Ano ba tong nararamdaman ko? Bakit parang ang sakit? Hindi ko man lang naimagine na kaya nya kong iwan ng ganong kabilis?

*eekkkk*

Bumukas ang pinto at "Bag mo (sabay abot)"

Isasara nya na sana ang pinto ngunit pinigilan ko sya "S-sharm hwag mo naman akong biglain ng ganito. Nasanay na kong makasama ka, ganyan ka ba kabilis gumanti sakin?"

*togsh*

Padabog nyang binuksan ang pinto at "Ano pa bang gusto mo Seff?! Noong kailangan ko ang pagmamahal mo, napakadamot mo! Ngayong ibinibigay ko ang kalayaan mo, ayaw mo! Ano pa bang gusto mo? Hwag mo naman akong pahirapan ng  ganito! Umalis ka na, hayaan mo na kong mag-isa"

Loving A Casanova, Too. (Completed)Where stories live. Discover now