Chapter 2

13 0 0
                                    

Chapter 2: Information

Amber's P.O.V

Umuwi na kami sa condo namin pagkatapos ng date. Nakatulog na ako sa sasakyan at nang di ko namalayan nasa kwarto na pala ako.

"Bae wake up it's already 6:30 a.m" ani Nathan. Nanlaki ang mata ko dahil late na ako, napuyatan yata ako kagabi 12:00 a.m na kasi kami nakauwi "Hinintay na kita para sabay tayo papasok" sabi niya.

Nang dahil doon naging dali-dali akong pumasok sa banyo at naligo. Pagkalabas ko agad akong nagbihis at lumabas ng kwarto. Hindi na ako nag almusal dahil nagmamadali ako. Sabay na kaming lumabas ng condo at sumakay sa kanyang kotse.

~~~
Dumating na kami sa school. Binitbit na rin ni Nathan ang aking bag upang hindi na ako mahirapan. Pagkapasok namin sa gate sinalubong kami ng guard. Kumunot ang noo ko dahil ayaw niya kaming papasukin. "Ma'am, Sir bawal na po kayong pumasok dahil alas-otso na!" sabi ng guard.

"Bakit? Pwede pa naman kami humabol sa klase!" tugon ni Nathan sa guard. Sinubukan kong pumasok pero hinarangan ako ng guard. "Bawal po talaga pumasok maam" ani guard.

Naiinis na talaga ako sa bwisit na guard na ito. Abalang-abala na si Nathan kakatawag kay Tita Carrie dahil school head siya dito. Pawis na pawis na ako dito kakahintay.

Dumating na si Tita Carrie at kinausap ang guard para papasukin kami. Whoa! Salamat nalang sa mom ni Nathan.

Pagkapasok namin ay agad akong nagpaalam kay Nathan at tumakbo papunta sa classroom ko. Pagdating ko sa classroom naglelecture na si Miss Andrea na prof namin sa chemistry. "Sorry maam I'm late" nahihiya kong tugon. Sabi nga nila 'It's better late than never'. Natauhan nalang ako nang napa 'ehem' si maam.

"Hindi ka pa ba uupo miss Amber?" seryosong tugon niya.

"I'm sorry maam" tugon ko. Umupo na ako kung saan nakaupo sila Mina at Giean sa may bandang likod. Parati naman ako nakasagot sa mga tanong ni maam sa akin.

"Class dismiss!" tugon ni maam. Lumabas na si maam sa classroom at sinarado ang pintuan.

"Friend, bakit ka late?" nagtatakang tanong ni Mina sa akin. "Nalate kasi ako nagising buti nalang ginising ako ni Bae" paliwanag ko.

"By the way friend sabi nga ni Maam Cris na may gaganapin daw na Farewell Party tutal graduating naman tayo eh." sabi ni Giean."Magkakaroon tayo ng ball." singit ni Mina.

"Oo nga magandang balita yun pero kailan ba ito magaganap? tanong ko sa kanila.

"Bukas!" nasasabik na tugon ni Giean. Nagulat naman ako dahil bakit agad-agad.

"Ano? Bakit bukas agad? Hindi pa nga tayo nakapagprepare." sunod na mga tanong ko.

"Biro lang! Haha" natatawang tugon nila.
"Sa Biyernes pa! Kung kailan ang graduation natin as a highschool. Graduation sa morning, sa gabi naman ay ang Farewell Ball." paliwanag ni Mina.

"Bakit kasi late ka? Narinig mo sana ang anunsyo ni maam kanina." reklamo ni Giean.

Maya-maya dumating na si Sir Sungit sa aming classroom. Hays ang boring makinig..... Habang naglelecture siya isa-isa niya kaming pinatayo para sa oral recitation. Nang ako na ang sunod, tamad na tumayo ako at pinilit na humarap kay sir. "Okay!" napabuntong-hininga si sir bago ako tinanong. "What do you call for this situation?" at may sinulat siya sa board.

m-3=24

"It is called an Algebraic Equation sir" agad akong sumagot dahil napag-aralan ko na yan nung isang araw. "Very good miss Amber!" nakangiting tugon niya. Bakit parang may nagbago kay sir? Di kaya isinumpa siya kaya siya nagkaganon? Grabe ang lalim naman ng imahinasyon mo Amber.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 27, 2019 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Dear NathanWhere stories live. Discover now