MYSTERIOUS HOLE IN SIBERIA

189 60 0
                                    

Ang misteryosing malaking lumitaw na butas sa Siberia ay napasok na din sa wakas ng mga siyentipiko.

Salamat sa tulong ng taglamig dahil tumigas ang gilid ng guho kaya sa unang pagkakataon ay nagawa nilang bumaba unti-unti para tuklasin kung ano ba ang nasa ilalim nito.

Sa pangunguna ni Vladimir Pushkarev, director ng Russian Center of Arctic Exploration, sumuong ang grupo nila sa lalim na 54 ft.

Kumuha sila ng mga samples ng yelo at lupa sa ilalim upang madetermina kung bakit nagkakaroon ng ganitong butas.

Ang unang teorya nila, ang mga guho ay likha ng naipong methane gas at sumabog sa ilalim kaya nagkaroon ng butas sa ibabaw.

Layunin nila na maging ligtas ang paligid at mawala ang sindak sa mga taga-roon kaya lubos na pag-aaralan nga raw kung bakit nagkaroon ng misteryosong yungib sa lugar.

Creepy FilesOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz