ALIEN MONSTER IN SINGAPORE

195 84 1
                                    

Isang kakaibang uri ng nilalang na naman ang lumitaw mula sa ilalim ng dagat at ito ay nakunan ng video footage ng isang Singaporean na mangingisda.

Lumitaw ang isang nilalang na may isandaang galamay na parang nga ahas na katulad ng ulo ni Medusa.

Nakikita ito sa isla sa Sentosa.

Ang nakakita nito ay ang sisenta anyos na si Ong Han Boon.

Ang sabi niya, alien ang tingin niya sa nilalang na nakakadiri.

Marami na raw siyang nadakip na iba't-ibang klase ng isda sa matagal na pangingisda pero ibang-iba ang pakiramdam niya sa nilalang na ito.

Ngayon lamang niya nakita at talagang nasisindak siya sa itsura.

Pero kahit na mas malaki ang kaniyang paniniwala na ito ay mula sa ibang planeta, iniisip din ni Boon na baka nagkaroon ng mutation sa ilalim ng dagat ang ilang nilalang dahil sa dami ng basurang ikinakalat ng tao sa karagatan.

Wala pa namang maipaliwanag ang siyensiya sa bagong tuklas na ito kaya patuloy na kinikilabutan ang mga taga Sentosa Island.

Baka nga isang araw, may lumitaw pang higit na nilalang at baka anak lang ng nilalang ang nakita niya.

Creepy FilesWhere stories live. Discover now