You're Still The One

826 22 5
                                    

This story is a work of fiction. Names, characters, places, and incidents are the product of author's imagination or are used fictitiously. Any resemblance to actual events, locales, or persons, are coincidental.

"Love, here" Donny waved as he saw Sharlene outside, pinuntahan niya ang dalaga sa kanilang bahay kahit madaling araw na

Sharlene hugs Donny briefly but when she was about to pull out from the hug, Donny grabs her shoulder tightly not wanting to let go, he plants a soft kiss on her head.

"Ba't andito ka donny? May problema ba?"

"Wala, I just missed you"

"Eh we just saw each other lang kaya kanina sa party"

"Yes, but we didn't even get enough time to talk or be together, kahit nasa iisang table tayo parang ang layo natin sa isa't-isa"

Sharlene felt sad after hearing those words coming from donny, she also somewhat felt that too na kahit nasa iisang lugar sila di nila pwedeng pansinin ang isa't isa at restricted yung actions since baka may makahalata and also because of the people around them, even tho alam ng myx fam naninigurado sila na baka may makalat na video since mostly sa mga staff ay nag vivideo sa mga ganap sa christmas party.

Flashback

Medyo late ng nakarating si Sharlene sa party dahil ito'y kagagaling lang sa mall, naabutan niyang nasa isang malaking table ang kanyang mga co vjs. Napansin niyang nandoon na si donny na nakikipag-usap kay turs at inigo, at si Sunny na busy nakikipagkwentuhan sa kanyang boyfriend, Samm talking with the staff and Kaye talking with Vj Ai and for sure late nanaman si Kuya Robi, she thought while smiling. She felt happy that sa wakas na kumpleto ang myx squad. Her reverie passed quickly when Turs called her.

"Hey Shar, you're here na pala, why you're still standing there?"

Suddenly all eyes on her and it somewhat made her feel uncomfortable specially when there's someone na kung makatitig parang hindi siya nakita ng isang taon, umiwas agad siya ng tingin at pinipilit niyang maging isang normal na Sharlene which is being jolly.

"Kakapasok ko lang Turs, sorry late ako hehe" nag peace sign sya at umupo sa tabi ni Sunny

She wanted to talk with Sunny pero mukhang busy pa sya with her boyfriend so she grab her phone and nag check ng kanyang twitter when someone tapped her shoulder.

"Sharlene, diba sabi ko sa gc walang cellphone. Dapat enjoy each other's company. Matagal na tayong hindi nagkasama-sama"

Nagulat si sharlene at agad na nag sorry sa kanyang boss

"Sorry sir, meron lang akong chineck" agad niyang binulsa ang kanyang phone

"Shar, are you okay? You look pale" Turs asked and napansin niyang nakatitig na ang katabi nito

"Sabi ni ate anj nahimatay ka daw kahapon shar" biglang singit ni Inigo

Nanlaki ang mata ni Sharlene dahil hindi niya ito nasabi kay Donny kahapon dahil alam niyang mag-aalala lang ito at alam niyang busy ito sa kanyang schedule.

"Ano? you fainted? and you didn't even tell me?" Donny said and napatingin ang ibang vjs sa kanya dahil medyo napalakas ang pagkakasabi nito.

"Nahilo lang naman, hindi big deal" sabi ni Sharlene na parang wala lang

"Shar, can we talk?" Donny said with his pleading eyes

"Mamaya na donny" shar said and kinuha ulit ang kanyang phone dahil na aakwardan na sya sa mga tingin ng ibang vjs, busy sya sa pag scroll sa kanyang instagram ng biglang may tumabi sa kanya. Kinabahan siya dahil alam niyang si donny yun at mas dumoble pa ang kanyang kaba ng maramdaman niyang ang lapit nito sa kanya, pinatong ni donny ang kanyang isang kamay sa table at ang isa naman ay sa kanyang upuan. He caged her, napatingin siya agad sa binata kahit ito'y sobrang lapit.

"Donny masyado kang malapit, umusog ka" sharlene whispered but donny didn't budge or move

"Are you okay? Bakit di mo sinabi sa akin na hinimatay ka?" donny eventually free his hand from her chair and grabs sharlene's hand, napansin agad ni donny ang lamig ng kamay ng dalaga.

"Ba't ang lamig ng kamay mo? nilalamig ka ba?" kitang-kita sa mga mata ni donny ang pag-alala

"Okay lang ako donny, bumalik ka na sa upuan mo masyado na tayong PDA" sharlene said with reassuring smile

"Myx fam already knew about us so we're safe"

"But still we should be careful pa rin, maraming mag vivideo for sure na mga staff baka mahagip tayo sa camera"

Donny sighed because of frustration, he can't talk properly with his girl because of their situation and because of his busy schedule hindi na sila masyado nagkikita and also their schedule in myx doesnt coincide that's why he missed her so much. Before complying to sharlene's request, he plants a soft kiss on her head na biglang ikinagulat niya dahil marami ang nakatingin sa kanila. Samu't saring pang-aasar ang gumawad sa kanila.

"Uy guys, nandito pa kami ha"

"Shardon is real"

"Dinaig niyo pa kami ha" sunny playfully said but proud that her two close friends ended up together despite of the circumstances.

Tinakpan na lamang ni sharlene ang kanyang mukha dahil sa hiya, while donny just smiled and finds his girl cute because of her reaction.

Afterwhile, Vj Robi arrived and the party started. All vjs are required to sing in front, pinangunahan ito ni vj kaye and vj inigo and right after them tinukso agad si sharlene na kumanta kaya wala siyang nagawa kundi pumunta sa stage. Pinili niyang kantahin ang 'You're still the one' kasi she knows na it somewhat fits the situation they have right now with donny.

Looks like we made it

Look how far we've come my baby

Habang kinakanta ito ni Sharlene, naaalala niya nung una pa sila nagkita ni donny. Kung gaano niya ito sinusungitan nung una pa sila nagkatrabaho hanggang sa naging magka-ibigan sila at naging mas close friends. Hindi niya talaga inaasahan na magkakagusto ito sa kanya.

We mighta took the long way

We knew we'd get there someday

Napatingin siya saglit kay Donny ng maalala niya ang mga ginawa ni donny dati para lang makapanligaw, mga pagseselos at mga maliliit na hindi pagkakaunawaan na sa huli ay naaayos parin.

They said "I bet they'll never make it"

But just look at us holding on

We're still together still going strong

Medyo napiyok ang dalaga sa huling linya dahil hindi niya alam kung kaya pa ba niya ang kanilang sitwasyon ngayon kung sa bandang huli pa ba ay sila pa rin kahit ang daming labag o hadlang sa kanila.

Pinilit niyang ngumiti habang kumakanta, minsan ay nasisilayan niya si donny na titig na titig sa kanya. Hindi niya na lamang ito pinansin at pinagpatuloy ang pagkanta. 

Habang kumakanta si Sharlene, hindi mapigilan ni Donny na tumingin sa dalaga. He still can't believe that they're together despite of everything that happened. They still find their selves coming back to each other. He knows that their situation is difficult but he'll do everything for Sharlene even if it will cost his career. He love her that much.

End of Flashback

To Continue? Or Another Shot? Comment down below for suggestions.

Thank you and sorry if may mga wrong grammar haha :)

Behind Closed DoorsWhere stories live. Discover now