CHAPTER 49 P2

25.3K 205 18
                                    

dedicated kay EmBi_Witchy kasi baliw siya! dakilang baliw!hahaha..pero kahit baliw yan labs ko yan!yiieeehhh cheezy!pweh! naging ka-close ko dito sa wattpad at masasabi kong solid supporter ng SCDP kahit habol niya lang ay yung HANNIEL tandem..hahaha...thanks gurl sa lahat!^_^ basahin niyo story niya mas maganda pa yun kaysa dito hehe


bago ang lahat! nais ko munang magpasalamat sa mga readers ng story na to!^_^ thanks a lot guys lalo na dun sa mga nag-effort bumoto at mag-leave ng comment...nakakatuwa kasi talaga magbasa ng comment... swear!hahaha

nag-UPDATE na ako kasi baka matagalan na naman ako kaya TADAa!~ hehehe 

PLAY NIYO YUNG NASA SIDE PARA MAY MUSIC hihihi...

enjoy! and kindly vote and leave some comments if you like to ^_^

----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------


[CHAPTER 49]


-LEANNE

Kagagaling ko lang sa office ni Lala. Wala naman kaming masyadong napag-usapan pero napansin kong wala dun si lolo siguro may meeting pa siya

Sinabihan niya lang ako na baka di namin sila makakasama ngayong Christmas at New Year kasi kailangan nilang pumunta sa US para sa negosyo namin dun.

Hays! Eto ang unang beses na di ko sila makakasama sa pagcecelebrate kaya nakakalungkot kasi sila lang ang laging kasama ko sa mga ganitong okasyon.

Nakaupo lang ako dito sa may swing ng matanaw ko si Brent na ang lapad ng ngiti.

Anong meron sa ngiti niya?

“Hi BEB!” bati niya sa akin nung nakalapit na siya

At ako na-ketchup na naman! Bakit ba di ako sanay pag tinatawag niya akong BEB eh samantalang ako naman ang nag-umpisa! Hays! Ganito pala ang pakiramdam ng may boyfriend…hindi ko  alam kung ano ang dapat na maging attitude ko -.-

“lapad ata ng ngiti mo?”

“syempre nakita kita eh!hehe”

“hindi ko alam na may ganitong side ka pala Mr. Denver”

“ano? Side ng pagiging sweet?” sabi niya na may pa-cute pang kasama sarap kurutin >.<

“nope! Akala ko isa kang COOL guy yun pala may side ka na napakakorni!hahaha” sabi ko sabay tawa na rin

“sige ganyan ka lang! kahit korni okay lang basta ba mapatawa lang kita okay na ako dun. Kahit pa mukha akong tanga sa mga pinaggagawa ko ay teka wala pa naman pala ako masyadong ginagawa sabihin na lang natin na kahit magmukha akong tanga sa mga pinaggagawa ko at sa mga gagawin ko wala akong pakialam dahil para sa akin mas importante ang ngiti at ang kasiyahan mo”

so-called &quot;dead princess&quot; (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon