Chapter 2-He's a Badboy

2 0 0
                                    


As always madami na naman tao sa library. Malapit na kasi yung midterms namin kaya tudo bigay na yung ibang mga estudyanting katulad ko. Sa susunod talaga aagahan ko na yung pagpunta dito.

Umupo ako sa pinakadulo, since wala ng ibang bakanteng upuan. Kinuha ko yung notes ko at nagsimulang magsulat.

Madami pa akong susulating full research papers at nasa kalahati pa lamang ako ng 12 pages. Before the exams end ay dapat maipasa na namin kundi bagsak kami agad kay Prof Salazar.

Tinignan ko yung relo ko ng maramdaman kong sumasakit na yung batok ko. Mga 30 mins na rin pala ang nakakalipas at naramdaman ko na rin yung gutom. Hindi kasi ako nakapag breakfast ng umalis ako sa dorm.

Hinilot ko yung sintido ko at napatingin sa tabi ko ng marinig ko yung pagflip ng pages. Sa sobrang busy ko hindi ko na namalayan na may katabi na pala ako. Napataas naman agad ang kilay ko ng makilala ko kong sino ito. Napatingin din siya sa akin at kumunot ang mga noo, kaya mas lalong umarko yung kilay ko.

Nakalimutan ko na iisang school lang pala kami  at kaklase ko pa siya sa ibang subjects. Iniligpit ko na lamang yung mga gamit ko at lumabas na ng library.  Malapit na rin kasi magtime kaya papasok na lamang ako kaysa makasama si Carson dito.

I don't know why i dont like that guy. Maybe because the fact that he's Eleven's friend and that Eleven is a jerk.

I know him and i know what he's capable of, maybe that's the one thing that i also hate about him. He's Carson, the trouble maker of the school. Loves to play every girls heart, totally a bad boy. At kahit na nakikipag away yan ay nakukuha niya parin pataasin yung grades niya sa lahat ng subject. Kaya no wonder kong bakit siya nasa library.

Those guys are known for their looks and wealth.  Panong hindi ko sila makikilala kong sila yung bukang-bibig ng mga kababaihan sa school.

Malapit na ako sa room ng makita ko si Tracy. She was smiling but fake.

Agad naman akong lumapit sa kanya. I dont bother to call her last night. Maybe she needs time to be alone and think. And I was hoping na sana matauhan na rin siya kay Eleven.

"Hey, where were you yesterday, i was worried sick?" agad kong tanong ng makalapit ako sa kanya.

"Im okay, umuwi lang ako ng maaga dahil sumakit ang ulo ko." sabi niya na may ngiti parin sa kanyang mga labi but her eyes betrayed her.

"At sorry if pinagalala kita" dugtong niya.

I looked at her and hugged  tightly para maramdaman niya na andyan lang ako parati kahit hindi niya sabihin. Nagulat naman siya sa ginawa ko pero naramdaman ko rin na niyakap niya ako pabalik. I'm her bestfriend and i'd be a shitty friend for not doing something for her, kahit sa ganitong paraan lang.

Naghiwalay lamang kami ng marinig namin ang boses ni Allen. Sabay naman kaming na palingon sa kanya.

"What's with that cuddling?" panunukso niya at sumabay sa paglalakad namin.

"Bakit, bawal ba ihug yung bestfriend mo?" sagot ko sa kanya. Napataas naman ang kilay niya.

"Hindi naman, medj kadiri lang, alam mo yun mas bet ko pa kong guy to guy yung magyakapan sa harapan ko kay sa babae." sabay irap niya. Kita mo 'tong bakla na to, napaka green minded talaga.

Allen is gay. Maskulado at malalim lang yung boses niya kaya hindi halata. Hindi niya rin kasi ito pinapahalata lalo na hindi alam ng papa niya yung totoong pagkatao niya, baka magulat na lamang kami bugbug sarado na siya.

Hindi kami magkaklase sa ibang subject ni Tracy kaya naghiwalay na lamang kami sa hallway nung building.

Nang makapasok kami ni Allen sa room ay madami na ring tao. Parihas kami ng kursong kinuha ni Allen kaya parati kaming magkasama. Umupo ako sa pinakadulo ng room since may nakaupo na doon sa favorite chair ko.

Si Allen naman ay umupo sa same spot niya which is katabi ko lamang. Sininyasan niya pa ako na siya na daw bahala magpaalis sa babae but i just mouthed him no. Nahihiya naman akong paalisin yung babae sa upuan dahil wala naman kaming sitting arrangement sa room, you're free to choose your chair pero nasanay narin kami siguro na doon na kami nakaupo.  Mukhang baguhan naman kasi yung babae.

I don't really like sitting on the back dahil hindi ko masyadong marinig yung mga pinagsasabi ng Prof. Lalo na pagnaguusap na yung mga nasa unahan mo at makakarinig ka na lamang na may na kabuntis si ganyan, si ganito.

Aslong as possible i ignored gossiping, its not healthy.

Nagsimula na rin magdiscuss ang prof. Napatingin ako sa gilid ko ng umusog ang upuan. I frowned when he started to sits beside me.

Sinusundan ba ako nito?

Napatingin din siya sa akin at kumunot na naman ang noo. I looked away at nagconcentrate na lamang sa pakikinig sa prof, magprepretend na lamang ako na hindi ko siya katabi, baka masira pa araw ko.

"Our last project for the finals will be trip to Mt. Pinatubo"  sabi ni prof matapos niyang idiscuss yung mga gagawin namin for our next project.

"Since this is you're last thesis, your partner will be your seatmate until the end of the semester, that's all class dismiss" matapos niyang sabihin yun ay lumabas na agad siya ng room.

Ako naman ay napatulala sa harapan. Lahat naman ng mga kaklase ko ay nagsitayuan na rin para lumabas ng room. I snapped back ng hawakan ako sa balikat ni Allen.

"Sino ka partner mo, Ree?" tanong niya habang sumusunod sa akin palabas ng room. 

"Si Carson." walang  gana kong sabi.

"Oh my gosh, really? Ang swerte mo naman girl" agad ko naman siyang tinignan habang nakakunot ang mga noo. Anong swerte dun, sa dami ng mga kaklase ko siya pa yung napunta sa akin.

"Ang sabihin mo ang malas ko" sagot ko sa kanya. Habang naglalakad papuntang cafeteria para bumuli ng tubig. Feeling ko naubusan ako ng inerhiya sa katawan dahil sa mga kamalasan na nangyayari sa akin ngayon.

Baka isa itong karma dahil sa ginawa ko sa kanya kahapon.

"Ano kaba alam mo ba na maraming nagsasabi na maganda daw ka partner yan si Carson dahil  ang talino daw nito." e ano naman ngayon kong matalino siya, kaya ko naman gawin yung mga projects ko ng magisa a.

"Ah, basta girl pag si Carson yung kapartner mo paniguradong makakapasa kayo." sabi niya at bumili rin ng tubig. Close ba sila ni Carson at bakit kinakampihan niya pa kay sa sakin.

Matalino rin naman ako ah, pagnag-aral ng mabuti. Hindi pa naman ako bumasak sa lahat ngsubject ko dati, so maybe kaya ko rin.

"But remember girl, matalim yun but he doesn't talk a lot. Alam mo yun all girls fell in love with him just for his simple gestures" kinikilig niyang sabi. Sabi na nga ba crush niya si Carson, as if naman papatol ako doon.

"Bad boys are not my type, lahat na ayaw ko sa lalaki ay na sa kanya na. Kaya never akong mahuhulog sa kanya." sagot ko sabay inom ng tubig.

"Wag kang magsalita ng tapos, Reese" seryoso niyang sabi gamit yung malalim niyang boses at tyaka siya na unang maglakad palabas ng cafeteria.

Muntik ko na maibuga yung iniinom kong tubig dahil sa sinabi niya. Langya 'to, tinakot pa ako.

All At OnceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon