Chapter 1

5K 71 2
                                    

Chapter 1

~BEEEEEEEEEP!!!~
~BEEEEEEEEEP!!!~

Halos mapatalon ako sa gulat nang businahan ako ng isang sasakyan sa aking likuran.

Inis ko 'tong nilingon at bumungad sa akin ang nanggagaliiting tingin ng isang babae na nakadungaw sa bintana ng kotse.

"You're blocking my way. Idiot!"sigaw nito.

Napasinghal pa ako sa inis nang ako'y tumabi para padaanin s'ya. Ang luwang-luwang ng daanan, hindi ko naman kasalanang mas nauna akong makarating sa nilalakaran ko.

Sinundan ko pa ng tingin ang pagpasok niya sa gate ng paaralang papasukan ko.

Ano ba naman 'yan?First day ko pa man din tapos ganito na agad ang bungad sa'kin. Napasapo na lang ako sa noo.

Muli akong tumingala sa taas ng gintong gate kung saan nakasulat ang pangalan ng school na papasukan ko.

Fuentes Academy

Marahan kong binulong ang pangalan ng eskuwela.Napangiti nalang ako at pumasok na sa loob.


Habang naglalakad ako ay dama ko ang halo-halong pakiramdam.

Kinakabahan,dahil wala pa akong kakilala.

Pagka-excite dahil may bago na naman akong karanasan na iipunin, at isa pa sinong magaakala na makakapasok ako dito?

Natatakot,dahil pakiramdam ko'y hindi ko makakasundo ang mga tao dito.

I just hope na sana maging maganda ang first day ko.

Napahinto ako at pinasadahan ang buong paligid.

This school is so perfect,napakaganda.Totoo lahat ng naririnig ko tungkol dito.Talagang malaki at malawak.

Halos lahat kasi ng ka-eskuwela ko noong Junior High ay ito ang bukambibig, na nais daw nilang makapasa sa entrance exam para lang mapasok ito. Hindi kasi lahat ay pinapalad na makapasok sa Academy, sinasala talaga ang mga scholar na kukunin at isa pa'y tuwing nag-umpisa na ang klase ay walang estudyante dito ang pwede pang makalabas, at wala din sa ibang estudyante sa labas ang maaring makapasok.

Naglakad akong muli at sa bawat hakbang ko ay pawang maghanga ang lumalabas sa aking bibig.

Sa kalagitnaan ng aking paglalakad ay naalala ko na pupunta pa pala ako sa dean's office para kunin ang aking schedule.

Pagod na pagod na ang paa ko dahil kanina pa ako naglalakad,lalo na napakalayo ng  office mula sa gate ng campus.

Ilang minuto lang ang nakakalipas at nakarating na rin ako.

Kumatok muna ako.

"Yes? Come in"sabi ng isang babae na nasa edad na 40 pataas ang itsura.

Nakasalamin ito at naka-uniform na kulay black.

"Take a seat miss"ani niya sabay muwestra ng upuan kaya umupo naman ako.

Gangster AcademyWhere stories live. Discover now