CHAPTER ONE

32 2 2
                                    

POV

Nag i-scroll lang ako sa newsfeed ko sa facebook ng biglang mag chat ang kaibigan kong si Cheska sa group chat namin dahil gusto daw niya makipag video call. Sinagot ko naman 'to. Nakita ko ang bilugan niyang mata at magandang ngiti kaibigan ko siya sa isang fandom ng idol namin.

"Julie! Nasa labas ako ngayon. Nasaan ka?" Kita ko naman na nasa labas siya madaming lalaki e.

"Ah e, nasa manila ako ngayon sinama ako ng tita ko sa convention eh. Bakit nasa labas ka? Buti abot yung wifi niyo diyan hahahah" sabi ko naman sakanya habang inaayos niya ang kaniyang camera para ma steady sa kanya.

"Mag babasketball kami. Panuorin mo ko ha" sabi niya sabay takbo at pag agaw ng bola sa kasama.

Pinapanood ko lang siya at binaba ko yung call dahil wala naman akong napapala. Tumayo ako sa aking pagkakahiga upang kumuha ng makakain.

"Cheska Santiago wants to video call with you" tumatawag nanaman si cheska wala naman akong magawa kung hindi sagutin ito.

"Oh bakit?" tanong ko agad sakanya pag ka sagot ko ng tawag.

"Bakit mo naman kasi binaba yung call kanina? Sabi ko panuorin mo ako e" Inis na sabi ni cheska habang pinapanood akong kumain ng saging.

Kumakain lang ako habang siya ay nagsasalita mag isa. Bored na bored ako dito dahil wala naman akong kasama at lalong di ko naman alam ang pasikot sikot dito sa maynila. Nagiisip ako ng mga pwedeng gawin.

Nag chat naman itong si cheska sa gc, Pero may kausap siya. Isang di pamilyar na lalaki sa akin. Sa isip ko ay baka ka Fandom ko lang na luma or bago. Isinawalang bahala ko nalang kung sinong lalaki 'yun baka kaibigan niya.

"Julie mag Hi ka naman diyan oh pa seen seen ka nalang eh hahaha!" biglang chat ni cheska sa group chat

"Hii hehe" ang tanging reply ko, kahit kailan talaga tong si cheska di ako tatantanan sa pangungulit.

"Hey julie hehe" reply ng isang lalaki na di pamilyado sa akin.

Nag dadalawang isip ako kung sasagutin ko ba ang chat niya o hindi?

Hindi ko naman siya kilala, bigla akong nakaramdam ng antok. Huminga ako ng malalim at pumikit. Pero bakit parang napapaisip ako kung sino ba ang lalaking iyon? Hay, antok lang siguro ako.

Can't Help Falling InloveWhere stories live. Discover now