CHAPTER TWO

27 2 0
                                    


Naalimpungatan ako bigla. Hapon na pala ng magising ako. Hinanap ko agad ang cellphone ko para tignan ang social media accounts ko kung anong bago. Pero still naguusap pa din si Cheska at yung lalaki. Nagseen ako sa GC at agad namang napansin ni cheska yon.

"Oh ayan na si Julie! Heya julie chat chat naman jan oh!" Chat ni Cheska ng nakita mapansin niyang nag seen ako sa GC.

"Oh hello cheska hahaha" reply ko sakanya

"Jules, si Elmo nga pala yung nag Hi sayo kanina pero di mo sinagot. Isa siya sa first batch ng fandom natin, active siya sa meet ups" pagpapakilala ni cheska.

Aha, elmo pala ang pangalan niya. Nice name ha, muka naman siyang mabait.

Agad kong pinindot ang profile niya para makita ang itsura niya..... Hindi na masama gwapo siya. Nakasalamin, mukang masayahin.

Bumalik ako sa Group Chat para Magpakilala kay Elmo.

"Hi there, im Julie :) " reply ko sakanila ng biglang tumawag si Cheska

"Ring... Ring..."

Sinagot ko ang video call. At saktong nandon din si Elmo.

"Hi" sabay ngiti ng nakaka laglag panty ang agad na bungad ni elmo sa akin.

"ah hm hello" sagot ko naman sakanya pabalik

Pero itong si cheska ay iniwan kame na mag kausap. Nakatingin lang ako sakanya. Ganon din siya pero diko alam kung bakit tumatawa siya at ngumingiti.

"Ah elmo wait lang ah, kain lang ako saging" sabi ko sakanya sabay baba ng tawag. Bakit ganon. Bakit ang gaan ng pakiramdam ko sakanya. Hay nako baka nag iilusyon lang ako.

"Elmo Magalona wants to connect with you"

Uy chinat niya at inadd. Dali dali ko siyang inaccept at binasa ang chat niya.

"Hello julie" Pambati ni elmo sa una niyang chat.

"Kayo ba ni Gabo?" sumunod niyang chat

"Ha? Ni gabo? No of course not! Saan mo naman yan napulot aber" Tanong at sagot ko naman sakanya.

"Wala chismis lang hahaha" sagot naman nito.

Bakit kilala niya si gabo? Bakit niya naman natanong yon at saan niya nalaman? Nakakapag duda itong lalaking ito ha.

"Ah ganon ba fake news yang nalaman mo" sagot ko naman sakanya.

"Ahm kasi diba naputol yung video call natin sa group chat so i decided na dito ka nalang icall if okay lang ba?" tanong at pag papaalam niya

Shocks hindi ko alam ang isasagot ko sakanya. Nahihiya ako lalo na't hindi ko naman siya kilala.

"ah yeah sure pwede naman hehe" sagot ko sakanya.

Tumawag na siya at akin namang sinagot. Naka jersey siya na sando at naka salamin, medyo gulo ang buhok at nag hehello sa akin kasabay ng mga ngiting nakaka loko. Nakangiti lang niya akong tinitignan at ganon din naman ako. Nakaka good vibes ang mga ngiti niya. Ansarap sa paningin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 13, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Can't Help Falling InloveWhere stories live. Discover now