Chapter 5

11.6K 325 17
                                    

Kumulat na nga sa buong University ang tsismis. Anong tsismis? Syempre iyung issue na si Ms. Ordinary not so popular-slush-brainy lang-saka-maganda ay nabihag ang mailap na puso nitong si Mr. President-slush-sobrang gwapo lang-super sikat-at super siya na nga! May milagro daw na naganap!

At ngayon kinaiinggitan na ako ng buong students. Me, Sweet Hera Fernandez, a graduating MASSCOM student and a constant Dean's lister (chus) ay sobra daw ma-swerte. Takte! Sa sobrang Adeek ng presidente nila sa totoong buhay tignan ko lang kong matatawag pa nyong swerte ang napasukan ko. Sobrang touchy pa!

Gwapo lang talaga iyang si Raffy kaya maraming nabubulag na babae, lalaki, tomboy at bakla ang lalaking iyun. But I belive this country deserves to have world peace he-he. Aminin ko man o hindi siya lang po, tama po, si Dakilang Raffy Boy lang po ang pinaka-super ka-galing sa pamumuno ng buong school.

OH HA! Laban kayo! Kamag-anak yata niya si Andres Bonifacio eh.

At sa hinaba ng sinabi ko narating ko na rin ang SSC office nito. I push the glass door at pumasok na ako sa loob. Kampanteng nakaupo pa itong si Raffy sa upuan nito. Wala naman yatang ginagawang maka-presidente ang isang ito.

Itinaas ko lang ng bahagya ang isa kung kamay. "Hi," saka dumiretso sa pag-upo sa isa sa mga upuan doon.

"Bakit ngayon ka lang?"

"Katatapos lang po ng aking huling klase aking dakilang kasintahan." May ismid kong sagot. Ewan ko kung bakit ako naiinis sa kanya. Maybe because tinulugan niya lang ako the other day. Wala tuloy akong nagawang makakapagpayaman saken.

"Hindi ko gusto ang sagot mo."

"May choice ka ba?"

"May dalaw ka ba?"

"Anong tingin mo saken puntod? Dadalawin?"

"Anong gusto mong bulaklak?"

Bibigyan niya ako ng bulaklak? Wow! Nag light up naman yung nararamdaman ko. Oh, is that a rainbow I'm seeing? Hampaslupa nawawala ako sa katinuan. "Ano na naman ba yan, ha?"

"I was thinking kung ano nga bang ibibigay kong bulaklak sayo."

"May naiisip ka na?"

"Which do you prefer calachuchi or sampaguita?" Ngumiti pa ito ng nakakaloko.  “Ano sa tingin mo?" Anong tingin niya saken Altar?

"Bulaklak sa patay!" Out of inis kong sagot sa kanya.

"Sus, yun lang naman pala."

"Alam mo,"

"Hindi ko alam."

"Napakachuwarewap mo."

Kumunot yung noo niya. "Ano yun?"

"Kung baga sa relationship status sa facebook isa ka malaking COMPLICATED!"

"Bakit?”

"Basta nakakainis ka!"

"Hindi ka maiinis kung walang dahilan. C'mon speak up, tell me."

"At hindi ka rin magiging bitter kong walang dahilan." Bigla lang ito naging seryoso. He leaned on his seat.

"You're really is something, ha?"

Raffy's Sweet Hera - COMPLETED 2014Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon