Chapter 8

9.2K 232 13
                                    

“Basta huwag mong kalimutang aalis tayo bukas.” Si Raffy na mismo ang nagtanggal ng seatbelt ko. “Susunduin kita dito ng seven.”

I smiled, “Oo na, paulit-ulit ka naman eh.”

He smiled back. “Mabuti ng nagkakaunawaan tayo.”

“Paulit-ulit?” Ginulo ko ang buhok niya. “Ang kulit mo talaga Raphael Myco.”

“Gwapo naman,”

“Diyan! Diyan ka magaling.”

He pinched my nose, “Alam mo naman pala eh. Sige na bumaba ka na.”

“Nagmamadali ka?”

Tumaas iyung isang kilay nito. “O sige baba ka o ‘di na kita e uuwi sa inyo.” A mischievous smile curved on his face. “Choose one.”

“Tssst… ikaw talaga,” akmang bubuksan ko na ang pinto ng sasakyan ng pinigil ng isang kamay nito ay kamay ko. “Bakit?”

“Pa kiss mo na,” tinawanan ko lang siya.

“Oh bakit ka natawa?”

“Ang cute mo kasi eh,” I kissed him on his cheek. “Oh hayan, happy?”

“No,” Ininguso pa nito ang labi. Para talagang bata ang isang ito.

“Gusto ko sa lips mo ko e-kiss.”

“Raffy ha, baka makita tayo ni tatay.”

“Okay lang yan, tinted naman ang salamin ng kotse ko”.

“Puro ka talaga kalokohan Raffy.”

“Hindi kalokohan ang pagnanais na halikan siya ng kanyang nobya. Kaya sige na halik ka na…ang tagal naman eh.”

“Demanding ka rin noh?”

“Hahalik ka o ako hahalik sayo”

“Oo na,” natatawa na lang talaga ako sa isang ito. Parang bata. Inilapit ko na iyung mukha ko ng biglang may kumatok sa salamin ng bintana.

"Damn! Bad Timing naman Tatay mo Hera.” Natawa ako at pinalo si Raffy sa balikat.

“Ang kulit mo kasi eh,” Si Raffy ang nagbaba ng salamin.

“Magandang hapon po.” Ni Raffy. “Inihatid ko po si Hera ng safe at walang galos gaya ng ipinangako ko."

“Nakita ko nga,” ang taray ni tatay ha. “Akala ko kung ano ng milagro ang ginagawa nyo diyan ng anak ko. Aba’y ilang oras na kayo diyan.” Binuksan ni tatay ang pinto. “Hera pumasok ka na.” Bumaba narin ako ng sasakyan.

“Papasok na ako Raffy kita nalang tayo bukas."

“Oh sige, I’ll text you later kapag nakauwi na ako.”

Raffy's Sweet Hera - COMPLETED 2014Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon