Prologue

4 1 0
                                    


**inside the game**

Sa gitna ng madilim na gubat, isang pangahas na magnanakaw ang kasalukuyang nagtatago dala ang ninakaw na...'Jewelry Box'. Pasulyap-sulyap ito sa paligid at nag-aabang ng tyempo upang makatakas...nang biglang humarang ang isang lalaking may mahabang balabal. "Die." sambit nito atsaka umaktong sasaksakin ang magnanakaw...

 ** 



*teet!*teet!*(tunog ng nag shutdown na unit.)

" Oh Shit! What the-- Brown Out!!" nanggigigil na sigaw ni Jillan sabay padabog na kinuha ang cellphone at mala-Flash na lumabas ng kwarto. Pagkalabas ng mismong dormitory ay kaagad itong sumakay sa nakaparadang bike atsaka tinahak ang pinakmalapit na Computer Shop.




**inside the game**

Hindi natuloy ang tangkang pagsaksak ni Sage sa magnanakaw na si Shawyong. Nang Mapansin ito ng magnanakaw ay ginamit niya itong pagkakataon upang tumakas.Nagtatatakbo ito sa madilim na gubat,ngunit sa kasamaang palad ay narating na nito... ang dead end.

**




Mabilis pa sa alas-kwatrong pumasok si Jillan sa loob ng Comp. shop at na-upo sa malapit na bakanteng unit.

"Bakit ko ba kasi nakalimutang may schedule na brown out sa dormitory eh.. kainis!" wala sa sariling sambit ng dalaga.

"Normal lang ang brown out Era, ano ka ba." natatawang sabi ng katabing tutok na tutok sa sariling computer unit. Katulad niya, isa rin itong bigating player ng Smart World.




**inside the game**

Naglabas ng water portal ang magnanakaw na si Shawyong at nagtangkang tumakas. Subalit, isang grupo ng mga mandirigmang may suot na kapa ang pumigil sa kaniya at lumusob.Nagpakawala ito ng isang malakas na pagsabog at hindi iyon inaasahan ng mga nagsidating at sila ay napuruhan.

**




"Ba't ang tagal naman magload nito!!!!" atat na bugnot ni Siera.

"'Pag ako hindi nakaabot...naku..naku..makukulam ko ang Meralco."

Ilang saglit pa ay....




**inside the game** 

Nang nagbalak ulit itong magpakawala ng panibagong atake ay agad itong napigilan ng kakabalik lang na si Sage at inunahan nito sa pagsaksak ang kalaban gamit ang kanyang Ancient sword.

Notification:

Shawyong of Grimland was killed by Sage of Crimson Valley. Jewelry box of Min Clan was retrieved.

**



"YES!!!!!!!" sa wakas ay nakahingang malalim si Siera sa kanyang mala-the flash na pagpunta sa Computer shop may kalayuan sa kanilang dormitory.

Agad nitong ini-click ang lumitaw na reward sa screen galing sa mismong Min Clan.

" Operation Completed!!!!" saka ito nag-unat unat at humarap sa mga kasamang naglalaro.

" O SAN NA ANG BAYAD?! AKO NAKA UNA!!!" 


A/n: The pressure is mine in making another story. I want this na matapos, di kagaya nung nauna kong naipublish. Sa mga babasa nito sana hindi kayo magmura sa mga typos -_- . Tao lang po..baguhan pa sa field na ito. Feel free to read, not to plagiarize. Fan ako ng Love O2O kaya...inspired akong gumawa nito. But that doesn't mean na the whole story will be placed here... I also have my own ways.





Game FaceWhere stories live. Discover now