Chapter 6 - "Si Kuri Yamada"

1.4K 19 10
                                    

Iniligpit namin ang Kokkuri at ibinalik ni Wax sa kinalalagyan nito dahil ayaw namin na abutan kami ni Miss Cherry na nilaro namin ang mapanganib na larong yun.

"Kamatayan? Kalokohan! Ang Korny ha! Alam kong isa sa atin ginalaw yung baso papunta dun sa japanese letter na death." sabi ni Wax na tila di naniniwala na gumalaw talaga ang baso, nakatingin lang kami sa kanya.

"O, bakit kayo nakatingin sa akin ng ganyan? ...Aminin nyo na kasi!"

"Sus Pare! Ngayon natatakot ka? Eh pano nga kung totoo yun?" sagot ni Neil kay Wax.

"Yung natumbang bamboo tripod na merong palayok, paano mo eexplain yun?" tanong ni Kat.

"Edi paniwalaan ninyo ako di ako naniniwala. Yung bamboo tripod natumba lang yun ng hangin." nakakunot noong sagot ni Wax.

"Hangin? Tsong naman wala ngang kahangin-hangin kanina eh, ang init nga kasi siksikan tayo, tapos nung natumba yung bamboo tripod tska nung gumalaw na yung baso kinilabutan talaga ako." sabi naman ni Erwin.

"Oo nga.. kitang kita naman natin na natumbang magisa yung bamboo tripod eh, kahit na medyo malabo ang mga mata ko nakita ko yun.. tinumba nung multo na nagparamdam.. ano nga kasi yung pangalan? Kuri tama? Kuri Yamada!" dagdag pa ni Billy.

"Okay guys, get over it okay? Tama na! wa-walang multo dito.. tska change topic na please? natatakot na talaga ako.. hahanap talaga ko ng malapit na dorm kesa matulog dito." natatakot na sabi naman ni Shelby.

"Sige babe hanap tayo yung para sa atin lang dalawa hehe!" naka-ngising sabi ni Wax.

"Babe your face! Kat halika nga samahan mo ko sa taas! sabay hila ni Shelby kay Kat.

"Andyan na yung multo! Awoooo hahaha" pananakot na sabi ni Wax. "Pakipot pa kasi gusto naman ako.." pabulong na sabi ni Wax.

"Wax, tama na mananakot ka pa eh! Ikaw naman kasi talaga pasimuno nito, yan kayong dalawa ni Neil, kung di kayo nag-aya maglaro ng Kokkuri na yan wala sanang takutan na nangyayari." pagbabawal ni Alexa.

"Okay sorry na guys.. na-curious lang naman kami ni Neil dun sa Kokkuri na yun eh, wag kayong mag-alala okay pa naman tayong lahat oh at buhay na buhay pa, wag na lang ninyong sabihin kay Miss Cherry." nakatungong sabi ni Wax.

"Talaga! gusto mong napagalitan tayo?" naiinis na sagot ni Alexa.

Pagkatapos ng ilang oras nakabalik na din si Miss Cherry, hindi na niya kami inabutan sa ibaba lahat kami nasa loob na ng aming kwarto, sinilip lang nya kami sa aming mga kwarto at kinamusta kung anong ginawa namin siyempre hindi naman namin inamin na naglaro kami ng Kokkuri.

Magsimula ng laruin namin ang Kokkuri isang linggo na ang nakakalipas napansin kong mas lalong dumalas ang mga naririnig kong pagpapa-swit hindi lang sa balcony, ngayon naririnig ko kahit nasaan akong parte ng bahay, wala naman akong nakikita, hindi pa nagpapakita sa akin si Kuri.

Tinanong ko si Ate Meling kung may naikwento na ba si Lola Hisako sa kanya pero wala pa raw itong naikwekwento tungkol sa nakaraan ng Yamada Mansion, bwebwelo pa daw siya pag nasa mood daw ang matanda, busy ang lahat dahil nagsimula na ang buhay exchange students namin, may kanya-kanya na rin kaming schedules, ang madalas ko lang nakakasama eh si Renson, isang hapon ng sabado gumagawa ako ng notes sa kwarto namin, ituturo namin ni Renson sa lunes kila Yuri at Ayumi. Mag-isa lang ako sa kwarto, yung iba nasa ibaba nag-hahanda ng merienda. Nag-pasya ako na bumaba na muna para tignan kung anong merienda ang ginagawa nila, iniwan ko ang notepad ko at ang ballpen ko sa kama. Pagkababa ko ang sarap pala ng ginagawa nilang merienda, gumawa sila ng japanese style pizza! tapos meron din obento at sushi rolls na gawa ni Billy.

Terror Tokyo: Exchange StudentsWhere stories live. Discover now