part 10.

392 27 0
                                    

"'OY, mukhang marami ka nang naiinom," puna ni Josh kay Lia. "Ako 'tong galing sa Middle East at supposedly galit sa alak, pero ikaw itong kung lumaklak, eh, daig pa ang nabagansya nang ilang taon."
Nakapag-lunch at merienda na sila sa buffet. May mga nagsiuwian na pero mas marami ang natira na nag-iinuman at sayawan.

"Hayaan mo na lang ako, beshie," nakangising sagot ni Lia, lasing na nga. "Tingnan mo nga 'yong iba, o."

Eksaktong pagbaling nila sa pinaka-wild na grupo ng batchmates nila, may babaeng nagsasayaw sa ibabaw ng isang lamesa at inilililis pa ang paldang suot. Habang tumutugtog ng maharot na music ang banda, may mga parehang naghaharutan sa dance floor na ewan nila kung magkakaano-ano. May isa pa na biglang sumigaw ng, "Minsan lang tayo magluko sa mga asa-asawa natin!"

"Jesus," sambit ni Josh. "'Di ba manhinhin 'yang si Antonia noong high school?" Ang babaeng nagsasayaw sa mesa ang tinukoy nito.

"Naku, napariwara iyan noong college! Usap-usapang naging pokpok para makapag-aral hanggang sa tuluyan daw ibinahay ng isang barangay captain sa Cabanatuan."

"Wow, ang juicy naman niyan, May," humagikgik na sabi ni Lia. "'Yong magluluko raw sa asawa, si Charmaine Celerio. Sino'ng napangasawa niya? Kawawa naman."

"Seaman ang asawa niyan," sabi ni Erwin.
"Iyan na nga ba ang sinasabi sa hula," palatak ni Josh. "Kaya ako, 'pag nag-asawa ako, either dalhin ko siya sa Dubai o mag-for good na lang ako sa 'Pinas. Mahirap na."

"Depende naman sa tao 'yan. Hindi lahat ng may asawang nag-a-abroad ay nangangaliwa. 'Di ba, May?"

"Korek. Nasa tao 'yan."

"Subukan ko kayang mag-abroad?" sabi ni Erwin.

"Eh, di ikaw naman ang nangaliwa!" nandidilat na sagot ni May. Tulad ni Lia, marami-rami na rin itong nainom at namumula na ang mukha.

"Hindi naman lahat ng nag-a-abroad, nangangaliwa," sabi ni Josh.

"Pero maigi na rin na isama mo si Lia sa Dubai 'pag nagpakasal na kayo. Aba, mahirap na. 'Di ba, mars?"

Humagikgik si Lia. "Kami, magpapakasal? In his dreams!"

Tinaasan siya ni Josh ng kilay. "Ayaw mo? So, hanggang fling-fling na lang tayo? FBs, gano'n?"

Hinampas niya ito ng pamaypay. "Ulol. Baka akala ng mga 'to na--"

Naputol ang sinasabi niya nang biglang may tumikhim sa tagiliran niya. Pagtingin niya, si Iñigo iyon.

Kanina pa na-turn-off si Lia sa lalaki. Tama ang sinabi ni Josh. Mukhang marami-rami nga ang pinagdaanang pakikibaka ng mukha nito laban sa mga taghiyawat. Tingin din niya ay pustiso ang ngipin nito.

Ayaw na niya kay Iñigo. Ano'ng ginagawa nito sa table nila, nakangiti at nakatitig na para bang gandang-ganda sa kanya? Nasaan na si Jessica?

Pasimpleng luminga si Lia sa direksiyon ng table ng mga ito. Wala na ang babae roon.

"Mamaya magsisiuwian na. Hindi pa kita naisasayaw," sabi ni Iñigo.

"Er..." Napatingin siya kay Josh, na bale-walang nagkibit-balikat at uminom ng beer sa boteng hawak. Napilitan siyang sumama kay Iñigo sa dance floor.

Slow music na ang tinutugtog ng banda sa kasalukuyan.

"Binakuran kang maigi ni Josh," simula ni Iñigo noong sumasayaw na sila.

"Er... ikaw rin naman. Nasaan na si Jessica?"

"Ah, nagpaalam sandali na magbabanyo."

"Okay lang na nagsasayaw tayo? I mean, pagbalik niya--"

Fall For You (PUBLISHED!!!)Where stories live. Discover now