ENTRY #2

108 3 0
                                    


Title: Death Predictions
Written by: GURUSAKI
Genre: Suspense/Gore

Kung kailan ang magiging katapusan ko, iyon ay hindi ko pa alam. Malalaman ko na lamang siguro iyon kapag may lumitaw na simbolismo sa aking balintataw. Maaaring ako nga ang susunod sa pamamagitan ng mga bagay na bubungad sa akin at mararamdaman ko na lamang sa tulong nito.

Kabadong-kabado kami. Hindi namin alam kung sino ang susunod na kukunin ng kalunos-lunos na kapalaran pagkatapos mamatay ni Nilo na best friend ko. Bumulusok kagabi ang kaniyang sinasakyang pulang kotse at kinain ng bangin.

Nahulaan ko agad iyon na siya ang susunod nang makita ko sa balintataw ang kulay pula, pagkatapos ay narinig ko ang tunog ng kotse. Kaya sa isipan namin ay pulang kotse nga iyon, palatandaan na si Nilo ang unang kukunin ni kamatayan kasi siya lang ang tanging malapit sa aking buhay na may pulang kotse.

Ngunit, huli na, hindi na namin nailigtas ang buhay niya kung saan sinisisi ko ang aking sarili.

Nagsimula ito nang matuklasan kong kaya kong ma-predict ang maaaring maganap sa iba’t ibang paraan ng pagkamata. Noong may nangyaring aksidente sa amin, nabagok ang ulo ko n’on at sabi ni Mama, nagka-amnesia raw ako pero sa tulong nila ay nanumbalik rin ang alaala ko.

Tapos noon, doon na kusang sumakit ang ulo ko at may mga nakikitang lugar kundi man ay bagay na maaaring magkakonekta sa kamatayan ng malapit sa buhay ko. Sunod-sunod. Nang biglang lumitaw noon sa prediction ko na mamamatay ang mga magulang ko. Hindi ko sila nagawang iligtas nang ma-holdap sila at nagawa pang kitilin ang kanilang buhay matapos na kuhanin lahat ng salapi sa pinagtatrabahuan nilang bangko ng mga holdaper.

Sising-sisi ako n’on, mas lalo ngayon na hindi ko rin nagawang pigilan ang best friend kong si Nilo na nadamay sa nakamamatay kong predictions. Patungo sana siya n’on sa bahay ko nang saktong tumawag ako upang sana’y balaan siya. Ngunit iyon pa pala ang dahilan para humantong siya sa kamatayan at mahulog ang minamanehong sasakyan sa bangin.

At ngayon, apat na lamang kaming natitirang nakaupo sa couch. Kung saan nakita ko na ito noon na may mangyayari sa aming apat kaya tinawag ko sila para balaan. Magsama-sama upang makasigurong hindi sila matulad sa nangyari kay Nilo. Pinili kong pagtipunin sila sa iisang lugar na alam ko ay safe kaming lahat.

“Kuya, natatakot po ako,” sabi ng aking kapatid na si Julieann na isang taon ang tanda sa 'kin, nanginginig at malamig ang kaniyang kamay na hinawakan ako sa braso ko nang mahigpit.

Hinagod ko siya sa kanyang likuran para pakalmahin.

“Amiel, hanggang kailan ba tayo magtatagal sa bahay mo na ito? Sumasakit na ang puwetan namin ng mahal ko,” mataray na pagkakasabi ni Fatima habang nakapulupot naman siya sa braso ng kanyang kasintahang si Harold. Halatang inip na inip na rin ang lalaki.

Tanging couch lang ang naroon, tinulungan din ako ni Fatima na alisin ang lahat na posibleng maging panganib sa aming buhay. Siniguro kong walang kahit ano ang mayroon na maaaring humantong sa trahedya naming apat. Ayokong unahan kami ni kamatayan sa aking predictions.

“Hangga’t wala pang senyales kung sinuman ang susunod sa atin,” ani kong tila natutuliro na rin at pinagpapawisan na ng malamig.
Humugot nang malalim na hininga si Fatima, kita kong umirap siya, saka humilig sa balikat ni Harold.

Si Harold ay kababata ko ngunit nang maging sila ng pinsan kong si Fatima na parang may pagka-kikay ang dating, naging malamlam ang samahan namin ni Harold sa halip ay naging best friend at close ko talaga ay si Nilo.

Mag-a-anim na oras na kasi kaming nakaupo sa couch. Hinihintay ang pananakit ng ulo ko. Baka sa pamamagitan ng kakayahan ko ay matukoy ko kung sino ang susunod.

ONE SHOT STORY CONTESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon