ENTRY #11

26 2 0
                                    



Title: Tahimik
Written by: khinnoshone.
Genre: Teen Fiction.

Rail Pov:

sa kwento natin, ikaw yung prinsesa at ako yung masugid mong alagad. ikaw yung amo ako naman ang iyong tauhan. kasi lahat ng gusto mo sinusunod ko, lahat ng ayaw mo di ko ginagawa kasi nga ayaw kitang makitang umiyak.

naalala mo yung unang gabi ng christmas party natin? halos umiyak ka nun dahil di ako makaka-attend kasi nga nag karoon ako ng bulutong. halos masira na yung make-up mo nun dahil nga di ako makakapunta. nag maakaawa ka pa nga nun sa mama mo at sa mama ko na di kana pupunta dahil nga di din ako makakasama. ayaw kang palapitin sa akin kasi nga baka mahawa ka, pero ikaw yan eh walang makakapigil sayo. nagulat ako dahil nung isang gabi biglang may bumato ng bintana ng kwarto ko. nahihirapan man pero bumangon ako para malaman kung sino at laking gulat ko ng makitang umaakyat ka tapos nung nakita mong nakasilip ako halos matanggal na yung ngiti sa mga labi mo. "shhh!! wag kang maingay, si nanay kasi ayaw nya talaga akong palapitin sayo! kaya eto gumawa na ako ng paraan para makalapit sayo hahaha!" natatawa ako na nailing dahil sa ginawa mo nung gabing yun. akala ko nga yun na yung una't huling gabi mo na pupunta ng patago sa kwarto ko, pero gabe gabe mo yun ginawa at naging dahilan ng pagka hawa mo. at nung gumaling ako, ako naman ang dumadalaw na sayo nun.

dumating yung nag highschool tayo, dito na tayo medyo hindi na nakakapag sama ng madalas dahil nalipat ako ng section at ikaw nanatili ka sa section natin. nagalit ka pa nga sa akin nun dahil bakit hindi ko binabaan yung grade ko nun sa isang subject para hindi ako malipat ng section. nakakatawa kasi buong isang linggo mo kong di pinansin nun. ni pag pupunta ako sa inyo talagang tinataboy mo ko. pero dahil kilalang lubos na talaga kita pag sapit ng gabe sa ibaba ng bintana mo kinantahan kita. halos mahiya hiya ako nun dahil alam mong di ako marunong kumanta pero dahil galit ka sa akin ginawa ko padin. kitang kita ko yung saya sa mukha mo habang hiyang hiya naman ako kumanta sa tapat ng bintana mo. pero kahit ganon ayos lang kasi nga nag kaayos naman tayong dalawa.

"eto oh!" nagulat ako ng bigla kang pumasok sa kwarto ko at may dala dala kang big notebook, at wala kang pakundangan na humiga sa kama ko kahit alam mong nakahiga ako doon. "tss ano ba yeng? bat ba pasok ka ng pasok bigla? di ka ba marunong kumatok?" hindi ko naitago yung inis ko sayo ng mga oras na yun. tiningnan mo lang ako tapos ngumiti "sus!!!! ang conservative na si rail intia! nagagalit kay yeng mendoza. parang di ka naman nasanay? eh nung mga bata pa naman tayo ganito na ako" sagot mo sa akin at itinuon mo yung atensyon mo sa dala dala mo. buntong hininga ako at sinagot kita. "dalaga at binata na tayo yeng. ilang buwan nalang ga-graduate na tayo ng highschool. ang pino-point out ko dito. pangit tingnan na bigla bigla ka nalang papasok sa kwarto ko. at take note lalake pa ako." sabi ko sayo. tapos natigil ka sa ginagawa mo at tiningnan mo ko ng seryoso at bumangon ka sa pag kakahiga sa kama ko. "ah ganon ba? sorry ah." alam ko sa oras na yun nainis ka sa sinabi ko kaya ako namang si mabutihing kaybigan mo ako nanaman ang nag sorry, ako nanaman ang nag pakumbaba. sabagay gusto mo kasi yung bini-babby ka.

dumating na nga ang graduation nating dalawa, halos hindi kana makahinga ng ayos dahil kakaiyak mo at sobrang higpit ng yakap mo sa akin. akala ko dahil masaya ka lang nun pero may meaning din pala yung iyak mong yun. dahil uuwi kayo sa probinsya at doon ka mag co-college. halos mapugto yung pag hinga ko ng malaman kong lalayo ka, yung tipong ilang taon kitang hindi makikita. pero nung araw na paalis kana pumunta ka ng bahay at pumunta ka ng kwarto ko, nakakatawa lang kasi kumatok ka na nun bago mo binuksan yung kwarto ko. "rail!" tawag mo sa akin. nakatingin lang ako sayo at bawat anggulo ng mukha mo sinasaulo ko ng hindi mo namamalayan. hindi kita sinagot bagkus tinanguan lang kita. pumasok ka sa loob ng kwarto ko. "5 years. f-five years akong mawawala" panimula mo pero ramdam ko yung sakit sa dibdib ko dahil ang tagal kitang di makikita. pero di ko yun pinahalata sayo nakatingin lang ako sayo nag hihintay pa sa mga sasabihin mo. "eto oh!" napatingin ako sa big notebook na hawak hawak mo. "ano yan?" kunwaring walang pakealam na tanong ko. nakita ko kung paano sumimangot ang maganda mong mukha at palihim akong napangiti. "tss. ingatan mo to. kasi dito nakalagay yung dream wedding ko kung mag kataong ikasal ako. naka plano na lahat dyan." tapos nakita kong may pumatak na luha sa maganda mong mata kaya nilapitan kita at agad kang yumakap sa akin ng sobrang higpit. "ma mimiss kita rail! sobrang ma mimiss kita" sabi mo sa akin, hindi ako sumagot sayo bagkus niyakap din kita ng mahigpit hihintayin kita yeng.

after 5 years.

"rail pwede na ba tong kulay?" napatingin ako sa kaybigan kong si jhay, napangiti ako ng makitang hawak hawak nya yung kulay peach na tela. "oo pwede yan. yan yung gusto nya" sagot ko. ngumiti sya sa akin at ibinigay nya na kay enerson na kapwa ko kaybigan din. "grabeng preperation to rail. taena ewan ko nalang kung di to magustuhan ni yeng" sabi ni christian habang naka akbay sa akin. napatingin muna ako sa paligid ng venue bago sumagot. "magugustuhan nya to. totoo yun" sagot ko sa kanya tapos tumingin ako sa big notebook na dala ko para matupad lang ang dream wedding mo. lahat ng plano mo lahat ng gusto mo sinuod ko. wala akong pinalagpas kahit isa. "ayan na sya!!!!" sigaw ni james.

at dito ko nalang naramdaman yung kaba, saya, tuwa ewan ko ba halo halo na yung emosyong nararamdaman ko ngayon habang nag hihintay sa pag bukas ng pinto at pag pasok mo. ng marinig ko na yung kantang gusto mo biglang uminit yung gilid ng mata ko ng makita kong pumasok ka suot ang puting damit na gustong gusto mo. "ang ganda nya" sabi ni arjay, tumango ako at sumagot "sobra!" sagot ko habang nakatingin sayo. kahit napakalayo mo kitang kita ko ang saya sa mukha mo at ang mga luhang pumapatak sa mata mo, dala ng sobrang saya.

na nginginig yung tuhod ko at kamay ko ng malapit kana, nag tama yung mga mata natin at kitang kita ko ang kislap ng mga mata mo. ngumiti ako at pinunasan ko yung luha na nasa gilid ng mata ko. hanggang sa makarating ka sa harapan ko. "ang ganda mo" unang nasabi ko ng makarating ka. "thank you rail. ang ganda. . ang ganda ganda" sabi mo sa akin at yumakap ka, na ginantihan ko naman ng yakap. naramdaman ko ang mahinang tapik sa braso ko dahilan para mag hiwalay kami ni yeng sa pagkayakap. "tsk tsk. . . ikaw talaga rail pinapaiyak mo naman ang bride ko" natatawang sabi sa akin ni arjay. natawa naman si yeng at lumapit na kay arjay. pero bago sila makapuntang altar muling tumingin sa akin si yeng at binigkas nya ng walang tunog ang katagang thank you bestfriend. huminga ako ng malalim bago ko sya tinanguan at ngumiti sa kanya.

hindi ko man nasabi sayo kung gaano kita kamahal, hindi ko man naiparamdam sayo kung gaano ka ka-special. andito lang ako sa tabi mo yeng hinding hindi mag sasawang mahalin ka ng patago at palihim basta makita lang kitang masaya kuntento at masaya na ako doon. sabi ko sa aking sarili habang nakatingin kay yeng na masayang nakatingin sa magiging asawa nya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
FIN 💚

ONE SHOT STORY CONTESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon