Chapter 1

477 17 2
                                    

"Hoy! Noreen!"

Muntik ko nang maitapon ang hawak kong egg sandwich sa lakas nang pag kakasigaw ni Thea na umagaw din sa atensyon nang ibang kumakain sa school canteen.

Ano na naman kaya ang problema ng babae na to. Well si Thea ang student president nang East High academy galit na galit siya sa akin since nung grade school kami hanggang ngayong college, walang pinag bago siya pa rin ang bruhilda slash spoiled brat na kakilala ko, ugali na niya ang mang bulyaw at mang api lalo na kapag ako ang aapihin niya. Hindi ko na lang pinapatulan dahil bukod sa pagiging student president niya anak din siya ng may ari ng school na pinapasukan ko ngayon.

"Yes ano ang maipag lilingkod ko sayo mahal na bruhilda este prinsesa?" i make face.

"sumabit yung shuttle cock namin sa puno hindi ko maabot kaya ikaw ang papakuhain ko"

"ako talaga dapat ang kukuha para sayo?"

"Nag rereklamo ka ba?" with her irritang voice

"Masama mag tanong?"

"Oo, lalo na kung ikaw ang mag tatanong! Hala! Tumayo ka riyan at kuhain mo na.. BILIS!"

"Can't you see I'm eating" sabay taas kilay.

"I don't care, i want it now.. Or else pwede naman na later pero bukas hindi ka na makakapasok dito sa school.. I'm the president's daughter REMEMBER?"

Habang sinasabi niya ang linya niya, sa paningin ko unti unting lumalabas ang sungay niya sa noo, mabuti na lamang at maganda ang babae na to kung hindi, naku! Lahat na lang magiging pangit sa kanya.

Walang ka abog abog ay tumayo ako.

"OKAY FINE! NASAAN BA KASEEEE???"

Sinamahan niya ako para ituro kung saan sumabit yung bola na sinasabi niya. Kung hindi ba naman gaga ang isang to alam nang ma-puno ang lugar na to dito pa naisipang mag laro. Masasampal ko to eh!

"Go! Akyat na!"

"Teka ang taas nito noh!"

"E di ba unggoy ka naman?" Sabay nag tawanan ang mga kampon ni Satanas sa joke niyang hindi naman nakakatawa kung hindi lang talaga anak ng presidente to masasampal ko siya pati ang dalawang alepores niya.

Tinanggal ko na ang sapatos ko at kahit naka palda ako inakyat ko pa rin yung puno bahala na kung masilipan ako, wala rin naman silang makikita eh..

"Wala naman dito ah?"

"Nandiyan.. Tignan mo kase!"

"Saan nga banda?"

Maya maya pa dumgsa na ang mga tao nakiki-tsismis sa ginagawa ko. Pati ang mga walanghiyang kalalakihan enjoy na enjoy sa view na nakikita nila.

"Hanep pala itong si Noreen ganda oh.."

"Kinis noh pre?"

Nakakainis talaga! Grabe ang mamaniac nang mga to!

"Hoy kayong dalawang ungas! Pag baba ko dito may tagisang sapak kayo sa akin!!!" galit na galit kong sigaw sakanila habang naka kapit ako sa puno.

"Pasalamat ka nga diyan pinag titiyagaan namin hitsura mo noh!"

"Kapal mo! Hindi ka naman kagwapuhan!!! Chaka mooooo!!!! Che!!!!!"

"Tara na nga pre..." *EXIT YUNG DALAWA*

Bahagyang nag alisan na rin ang mga tao pag baba ko ng puno. Sinuot ko yung sapatos ko sabay alis..

"Teka saan ka pupunta? Hindi mo pa na hahanap yung pinapakuha ko"

10 SECONDS KISS WITH THE BULLYWhere stories live. Discover now