•Mr. Cold 02•

916 26 2
                                    

Chapter 02

"K-kailangan ba talagang lagyan mo ako ng make-up?" Tanong ko kay shanna, ayon sa pagbanggit ng mommyniya dito kanina.

Tumawa ito. "Kilala ang pamilya nila Ate Lyca. Magagarbo at may arte sila sa mga tao. Ayaw nila sa mga dugyot!" Humalkhak ito.

Yumuko ako.

"M-mukha ba 'kong dugyot?"

"Hmmm.. kanina oo, para kasing bagong gising ka lang." Napamura ako sa isipan ko. Ganoon pala ang itsura ko kanina, ano kaya ang nasa isip ng mga magulang ni Dheil.

Pumikit ako at naramdaman ang lumapat na sponge sa mukha ko. Nilalagyan niya ako ng foundation. Sa totoo lang, kaya kong magmake-up nahihiya lang ako magsabi.

"Ayan! Ang ganda mo na!"

"Hindi ba ako pwedeng umuwi na?" Tanong ko dito na kinangisi niya. Tapos na niya akong ayusan.

"Well, it depends. Halika na ate." Inaya niya na akong bumaba. Hinawi ko ang hibla ng buhok na humarang sa mukha ko. Ni-braid niya ang buhok ko. Pinahiram niya ako ng dress niya at nilagyan niya pa ako ng light na make-up.

Maganda ang kwarto niya, pati na din ang pasilyong dinaanan namin kanina.

"Iyan ang kwarto ni kuya Dheil," turo niya sa katabing kwarto ng kwarto niya. "Hindi hilig ni kuya ang magpapasok sa kwarto niya. Aniya, hindi daw maganda ang pumasok nalang sa kwarto ng may kwarto." Natatawang kuwento nito.

Kumunot ang noo. "Anong nakakatawa doon?"

Nawala ang tawa nito at ngumisi. "Hindi ka pala natatawa, nevermind nalang!" Ngumiti ito sa'kin.

Sa totoo lang kasi, hindi ako komportable na nandito ako sa bahay niya. Iniisip ko pa lang na kung bakit ako nandidito ay nahihiya ako, akala nila ay kami nga talaga ni Dheil.

Wala pa kami sa hagdan ng may tumikhim sa'ming likod. Sabay kaming lumingon ni Shanna.

"Kuya! Ang pogi natin ahh!" Bungad ni Shanna dito at ngumiti ng nakakaloko.

Walang sagot ang narinig ko. Titig lang niya kay shanna papunta sa'kin ay para bang isang utos kay shannah na umalis dahil iniwan niya kaming dalawa.

Yumuko ako dahil pakiramdam ko ang lamig lamig kahit wala namang aircon dito.

Naramdaman ko nalang ang paglapit niya at hinitak ako. Umangat ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa pulsuhan ko. Bumilis ang tibok ng puso ko. Mariin akong napapikit.

Pagmulat ko ay nasa isang kwarto na kami. Hindi ako mage-expect na kwarto 'to ni Dheil dahil sa sinabi ni Shanna kanina.

Sinarado nito ang pinto at humarap sa'kin.

"N-nasaan ako... I mean tayo? Nasaan?" Nasaan nga ba kami? I mean, nasaan ako para sa kaniya? Ano 'tong nangyayari?

Tumikhim ito at malamig na tumitig sa'kin. Lumapit ito sa'kin kaya napasinghap ako. Tumatayo ang balahibo ko. Ang lamig ng aura niya.

"Just pretend..." Tinitigan niya lang ako hanggang sa tuluyan na siyang maglakad sa pinakaloob ng kwarto, pero hindi pa naman siya nakakalayo kaya narinig ko ang huli pa niyang sinabi. "Please..."

***

Pagkababa ko kasama si Dheil ay masama ang ipinukaw na tingin sa'kin ng isang magandang babae. Mukha itong isang modelo.

"D-dheil?!" Tumayo ito at lumapit kay Dheil upang yakapin perokumapit ito sa likod ko na ikinagulat ko. Nilingon ko ito pero malamig pa din ang titig niya.

Gusto niyang iharang ako sa babaeng ito. May tumikhim sa likod. "Stop that ate Lyca!" Huminto ang nangangalang Lyca at nangungusap na tumitig kay Dheil. Naramdaman ko ang pagbitaw nito sa dress na suot ko.

Meeting Mr. Cold Where stories live. Discover now