Chapter 3: The Accident

10 3 0
                                    


Text message:

Patay na papa mo. Wala na sya.

Pagkabasa ko ng message patakbo akong umakyat ng hagdan, kaso di ko namalayan na tumakbo pala ako sa gitnang hagdan pa na katapat ng stage. Kaya kitang-kita ng mga tao yung mabilis kong pagtakbo.

"Ano ba yan? Anong ginagawa nya?"
"Mukang baliw lang"
"Attention seeker"
"Talagang sa gitna pa talaga sya dumaan no?"

Hayan lang naman ang mga narinig ko nung dumaan ako sa gitna.

E basta wala akong pakialam sa kanila! Ang tanging nasa isip ko lang ay makalabas ako doon.

After 3 minutes nakalabas nako sa loob. Nananakbo ako sa hallway ng naramdaman ko ulit yung vibration ng phone ko.

Tito William calling.. calling..

Sinagot ko yung phone kasi nagbabaka sakali akong di totoo yung text ni mama sakin.

"Hello KG asan kana?"
"Tito totoo ba talaga yung text sakin ni mama?"

Huminga ako ng malalim at inihanda ko ang sarili ko sa sasabihin nya.

"Oo, wala na sya".

Halos nanlamig ang buo kong katawan sa pagkakasabi ni tito nung mga salitang yun.

Napatigil ako noon sa pagtakbo at napasandal ako sa wall.

"Bakit anong nangyari? Bakit wala na si papa?" Binabanggit ko ang mga salitang yon habang humahagulgol ng iyak.

Unti-unting bumaba yung katawan ko habang nakasandal ako sa wall ng hallway. Mga nakatingin na sakin ang mga tao nung mga panahon na yun pero diko sila pinapakealaman dahil napakasikip ng dibdib ko, di ako makahinga at halos nanglambot ang katawan ko. Maya-maya nandilim ang paningin ko at nawalan na ako ng malay.

Blackout.

Miss gising, miss gumising ka.

Nakarinig ako ng isang mahinahong boses ng isang lalaki. Naimulat ko ang mga mata ko at nakita ko ulit si Edward.

Miss okay kalang ba? Ikaw yung babaeng kasama ko sa stage diba? Anong nangyari sayo?

Sa pagkakataon namang ito naramdaman kong nakasandal yung ulo ko sa mga braso nya. Hindi pa rin ako makapagsalita sa oras na yun.

"Sir. Edward ito na po ang tubig, inabot nung isang guard nya yung tubig sa kanya ang pinainom nya ako".

Uminom ako at tumingin sa kanya.

Ramdam ko ang pag-ipon ng mga luha sa aking mata at umagos ito ng napakabilis.

NASA HARAP KO ANG LALAKING KINABABALIWAN KO AT PINAPANGARAP KO. PERO DI KO AKALAING SYA DIN PALA ANG MAGIGING DAHILAN PARA MAKALIMUTAN KO ANG RESPONSIBILIDAD KO SA AKING AMA. AT PARA DI NYA AKO MAKAPILING HANGGANG SA HULING HANTUNGAN NYA.

Tumayo ako nung time na yun at tinulak ko sya. Nakatingin ako sa kanya na mayroong galit sa mga mata ko. Sa totoo lang, di ako galit sa kanya.

Galit ako sa sarili dahil di ko matanggap na sa sobrang pagmamahal ko sa kanya, nakakalimutan ko yung ibang taong nagmamahal at nagpapahalaga sakin. Bakit ganto ba talaga kapag nababaliw tayo sa love? Nakatuon lang yung atensyon natin sa kanila, na nagiging sanhi para makalimutan mo yung mga tao sa paligid mo.

"Please leave me alone".

Hayan yung sinabi ko kay Edward nung time na yun at tumakbo na ako ng mabilis para makauwi.

Pagdating sa bahay.
Binuksan ko ang pinto at dali-dali akong umakyat ng hagdan dahil nasa 2nd floor pa ang kwarto ni Papa.

Pagdating ko dun nandon si mama at si Tito William.

The Idol and Agent Love Story Where stories live. Discover now