Chapter 9: Mall

10 2 0
                                    

Chapter 9:
Mall

Alas dyes na ng tanghali pero naka hilata parin ako dito sa kama ko.

*Kruuk kruuk* reklamo ng tyan ko. Gutom na ako kase nga obviously di pa ako nakapag-breakfast kase pustahan walang pagkain sa baba. All alone ako this weekend sa bahay, si Mama kase pumunta sa province sa isang Auntie ko dun sa Tuesday pa ata sya uuwi. Si ate Sheena nasa Singapore since may business conference dun yung boss nya at si ate Sandy naman ay dun magwi-weekend sa bahay ng kaklase nya kase gagawa sila ng group project nila. At ako? Ito, walang magawa, mag-isa at gutom kase naman di ako pinalad sa pagluluto eh.

Ng muling tumunog ang tyan ko, bumangon na ako at naligo saka nagbihis lang ng loose T-shirt at ripped shorts then tsinelas, pupunta nalang ako sa pinakamalapit na mall at dun kakain. Matawagan nga si Valeene.

"Hello, your talking to the prettiest creature in the universe, how may I help you?" Bungad nya sakin.

"Ang aga mong nagsinungaling teh." Tamad na pambasag ko sa kanya.

"Chee and excuse me tangghali na nuh!" Sagot nya naman.

"Eyyy whatever, samahan mo ko sa mall di pa ako nakapag-breakfast eh." Yaya ko sa kanya.

"Perks of di marunong magluto." Banat nya. "But sorry besh di ako available today, sasamahan ko si mama eh may sakit eh."

"Awwwsss, so how's tita?" Pangangamusta ko.

"She's fine girl, mild fever lang naman." Sagot nya.

"Okay, so just tell tita to get well soon." Sabi ko. "Cgeh na babye na alis na ko." Pagpa-alam ko sa kanya. Pinara ko na yung paparating na taxi at nag paghatid sa mall. Di ko na din inabala si Kevin 'coz may practice sya ng basketball until Saturday.

Since McDo yung unang bumungad sa akin pagkapasok ko ng mall jan na ako kumain, gutom na talaga ako eh. Aabot ko na sana yung card ko este card ni ate pala, iniwan ni ate Sheena ito para gamitin ko habang wala sila ng may nag tap sa likod ko.

"Ako na." Sabi ng tao sa likod ko at inabot yung card nya sa cashier.

"Oh Earl? No its okay ako nalang magbabayad nung sa akin." Gulat kung pagtanggi ko sa kanya.

"No, I insist. Ako na treat na kita. C'mmon minsan lang naman." Sabi nya. "Cgeh na, na sta-stampid tayo dito oh marami pang pumipila." Pagdidismiss nya. At di na ako makatanggi kaya tiningnan ko lang sya na nag-order na din  at nagbayad.

"You're still here?" Ngekk sa sobrang pagtingin ko sa kanya di ko namalayan na andito parin pala ako sa tabi ng counter.

"Naman Syleene! Nakalimutan mo atang gutom ka ah!? Sermon ko sa sarili ko.

"Ahehehe paalis na nga." Palusot ko pa. Baka isipin nito na hinintay ko sya, duh! Asa sya!

"Auuuhhhmmm sabay nalang tayo pwede?" Parang nahihiya pang tanong nya. "Wala ka namang kasama diba?"

"Ah ehmmm oo naman, hehehe walang problema." Sagot ko nalang saka ngumiti naman sya na parang na relief.

"Same nga pala tayo na malapit lang sa vicinity yung bahay natin nuh." Sabi nya ng maka-upo sa harapan ko, ako naman kumakain na hahaha pasensya na gutom na gutom lang.

"Orrrmm Orrmm." Sagot ko habang ngumunguya. At napa angat naman ako ng tingin sa kanya dahil  sa marahang pagtawa nya. "Why are you laughing?" Nilunok ko muna yung pagkain saka tinaasan ko ng kilay.

"Nothing." Natatawang sagot nya kaya napakunod noo ako.

"Anong 'nothing'? Ano ka baliw na natatawa na walang dahilan? Ang labo mo din eh." Sabi ko saka nagpatuloy na ulit sa pagkain.

THUNDER x STORM: Not a Love StoryOnde histórias criam vida. Descubra agora