Chapter 10: Door Bell

9 2 0
                                    

Chapter 10:
Door Bell

Sunday na, at ang aga kong nagising kase ginutom ako eh. Bumaba ako sa kitchen at nanghalungkat sa refrigerator pero fruits, fresh milk, coke, tubig, at raw meats and vegetables na lang yung laman.😑😑

"Naman! Ako na nga lang natira sa bahay naubos ko pa din yung mga pagkain!" Reklamo ko sa sarili ko. Kumuha nalang ako ng isang apple saka fesh milk then pumunta sa sala at naupo sa sofa.

"Maka-order nga ng pizza." Sabay dial. "Hello, isa ngang Hawaiian Pizza,~ yes po.~ Le Ville Subdivision, block 09, lot 22 po! Thank you!"

Habang naghihintay, nilantakan ko na yung apple at gatas. Binuksan ko na rin yung TV, wala naman akong bet na channel kaya pinalipat lipat ko yung channel. Hahaha buti lang wala si Mama hahaha kase kung andito yun hinampas na ako ng  tsinelas at throw pillow nun. Hay perks of walang kasama sa bahay.

*Ding-dong! Ding-dong!*

"Ohhhhhhh!!! Yesssssss!!!!  Anjan na!!!" I shout in excitement saka kumaripas ng takbo sa pintuan hahaha pasensya na gutom na talaga eh.

"Yeheeeee~!"

"Anong ginagawa mo dito?!" Sobrang gulat na sabi ko ng bumungad sa akin ang tao na never pumasok sa utak ko na mapag-bubuksan ko ng pinto.

"Wala lang. I just want to gave you this." Sabi ni Earl, oo si Earl gulat kayo? Gulat nga din ako eh kayo pa kaya.

"Huh?" Clueless na sabi ko. "Ano naman to?"

"Just eat it. Wag kang magpagutom." Cold na sabi nya saka tumalikod na at nag lakad pabalik sa kotse nya pero bago pa sya pumasok sa kotse nya tumingin pa sya sa akin at tumango.

"Luh? Baliw naba yun?" I murmured.

Nang maka-alis sya sinarado ko na din yung pinto saka dumiretso na sa kusina para tingnan na tong inabot ni Earl. Ewan ko na sa Kulog na yun, di ko alam kong ano pinaggagawa nun. Biglang sumipot at umalis din na parang ewan lang talaga.

Pagkakita ko ng laman ng paper bag na dala nya at nasinghot yung amoy nun, arrrggghhh biglang tumunog ang tyan ko. May rice at ulam ang laman nun na may coke at fries pa. Kakain na sana ako pero tumunog naman yung phone ko sa center table.

09502043922: Ubusin mo yan.
Don't skip meals like what
you did yesterday.

Earl kaw ba to?

09502043922: Yeah. Kain ka n2a jan.

Ah okay. Thank u sa abala.

Sinave ko muna yung number nya bago nilantakan yung dala nyang pagkain. Wait lang, saan naman kaya nakuha ng Kulog na yun yung number ko? Pero yaan na gutom ako eh. Nang ang fries na yung aatakehin ko may nag door bell na naman.

"Delivery Ma'am!" Sabi nung delivery boy ng pagbuksan ko sya ng pinto.

"Yeheyyyy yung Hawaiian pizza ko." Pa-clap clap pa na sabi ko. "Sandali lang kuya ah kukuha lang ako ng bayad." Sabi ko sabay kuha ng box ng pizza saka pumalik sa loob, hahaha kukupitin ko nalang yung mga sukli ni mama sa ibabaw ng ref😂 "Kuya, to na po. Thank you po!"

"Thank you din po Ma'am, enjoy eating po." Nakangiting sabi naman ng delivery boy saka umalis. At dahil busog na ako, thanks to Earl, mamaya ko nalang ulit to kakainin.

Pinatay ko nalang yung TV saka umakyat ng room ko para maligo. After makapagbihis, lumundag ako sa kama na may tuwalaya pa sa ulo.

*Handsome (si Kevin lang yan wag kayong ano😂) started a video call*

*you joined the video call*
*Your Highness (si Valeene lang yan wag kayong ano ulit😂😊) joined the video call*

"Girls!? Miss me?" Bungad ni Kevin.

"At sino ka para mamiss talaga namin?" Banat ko sa kanya.

"Sy? Did you forgot your ever handsome BFFiest?" Nakangising sabi nya.

"Ewwww Kev! Ewwwww talaga yang pinagsasabi mo!" Singit naman ni Valeene.

"Alam nyo kayong dalawa ang e-epal nyo! Bat di nyo nalang kaya ako supurtahan ano?" Asar na sabi ni Kev.

"Sorry Kev, we don't tolerate dishonesty." Ta-tawang tawa naman na sagot ni Val.

"Whatever Val! So anyways, anong mga ganaps nyo today?" Pag-che-change topic na ni Kev.

"Wala asa bahay lang, sabi ni papa di ko daw iiwan si mama eh." Sagot ni Val.

"Ay sya nga pala, okay na ba si tita?" I asked.

"Yassss she's fine, magaling na dya OA lang di papa." Naka-pout na sagot ni Val.

"Ikaw Sy? Saan escapades mo?" Tanong ni Kev.

"Hmmmm wala, sa bahay lang tinatamad akong gumala eh. Saka baka uuwi na din si ate Sandra mamayang tanghali eh." Sagot ko with explanation pa.

"So ako nalang free ngayon? Di nyo ba ako na miss? Almost di nyo na ako nakikita kase asa practice ako lagi eh." Emote ni Kev.

"Ewww Kev! Stop it! Di bagay sayo." Basag ko.

"Hahahaha keri mo na yan! Malaki ka na dapat ka ng matuto mag-isa." asar na naman ni Valeene.

"Cgeh na nga lang ako na nga lang mag-isa. See yah when I see yah!" Paalam nya at nag out na din kami pagkatapos kaming makapag-paalam sa isat isa.

So ayun, basa ng wattpad at tulog lang ginawa ko hanggang dumating si ate Sandra.

THUNDER x STORM: Not a Love StoryDonde viven las historias. Descúbrelo ahora