🍒 | OO5

442 9 7
                                    

유한| YOHAN

"Hoy Yohan anong nginingiti mo dyan??" tanong sakin ni Yuvin hyung.

"Wala lang hyung HAHAHAHA."

Tinitigan ko ang convo namin ni Cali. Naramdaman ko naman na sumilip si Seungwoo hyung kaya tinago ko iyon.

"Ka-chat si Caliana Kim." pa issue na sabi ni Seungwoo hyung.

"Nako! Kim den, hindi kaya pinsan mo yan?" si Steven iyon.

"Crush mo ba iyan Yohan?" tanong ni Sihun.

Umayos ako ng upo sa sofa nila Yuvin hyung. Nakatingin na silang lahat sa akin, naghihintay ng sagot ko.

"Hindi ako ah! Yung kaibigan ko ang may gusto sa kanya!" depensa ko sa sarili ko.

Binato ako ni Junho ng unan at tinulak naman ako ng katabi ko na si Hyunbin.

"Eh bakit ikaw ang nagchachat?? hindi yung kaibigan mo?"

"Bakit ba?"

Hinagis sa akin ni Wooseok hyung ang bola ng basketball at nagsalita siya.

"Doon din naman yon pupunta, magugustuhan mo din naman siya."

"Hindi ah."

Tumayo na kaming lahat at pumwesto sa kainan.

Hindi ko magugustuhan si Cali, never.

"Hoy Yohan itago mo nga yang cellphone mo, nakain tayo eh." si Jinhyuk hyung.

"Hinihintay ata ang reply ni Cali eh." pangaasar sa akin ni Jungmo.

"Hindi naman."

Bakit ba ako pinagtutulungan ng mga tao dito? Pagkakain ko aalis na ako dito HAHAHA.

"Sige nga, kapag hindi mo nagustuhan si Cali, gawin mo akong katulong, pero kapag nagustuhan mo siya... ikaw ang katulong naming lahat!!" sabi ni Seungwoo hyung.

"Grabe naman hyung."

"Baka nga gusto niya na si Cali eh." si Mingyu. Isa pa 'to. Akala ko pa naman tahimik.

"Hindi ako makikipag deal sa inyo." sabi ko na lang.

Alam ko naman sa sarili ko na hinding hinding hinding hinding hinding hinding hinding hinding hinding hinding hinding hinding hinding hinding hinding hinding hindi ko magugustuhan si Cali.




ㅡ🍒ㅡ

❛ ᵛᵃᵍᵘᵉ ً ᵏ‧ʸʰDonde viven las historias. Descúbrelo ahora