Chapter 22: The Serenade

194 41 23
                                    

Chapter 22: The Serenade

"Aeven." Rinig kong sambit ni Mommy.

"Gumising ka na. Malapit nang mag-alas sais. Marami na ring bisita sa baba, 'nak." Hindi ko namalayan na halos thirty minutes pala akong nakatulog simula nu'ng iwan ako ni Jazz dito. Bumangon na ako pagkasabi ni Mommy na gumising na ako. Hinarap ko siya at hinug niya ako ng mahigpit na para na namang naiiyak.

"Mommy, huwag ka nga pong ganyan. 'Yan ka na naman po. Bawal po umiyak ngayon." Habang hinahagod ang kanyang likuran na agad ko namang naramdaman na basa na pala likod ko sa tulo ng luha niya.

Naririnig ko na ring humihikbi si Mommy, "Mom, tahan na po. Dapat 'di ba masaya tayo kasi birthday ko at another year for me again?" Pagpapakalma ko aky Mom. At du'n na humagulgol ng iyak si Mommy.

Wala akong magawa kundi pagaanin ang kanyang loob. Niyakap ko lang siya nang mahigpit na mahigpit at hinayaan ko na lang na umiyak siya. Hindi ko siya kayang harapin ng ganyan dahil lang sa akin.

"Mommy, I need to prepare. It's already five thirty. Please, don't cry na. Please?" Pagmamakaawa ko sa kanya. Any time maiiyak na rin ako. I need to be strong enough for them. Ayoko maging weak sa harapan nila. Ayoko ring kinakaawaan nila ako kahit na alam ko sa sarili ko na ganu'n talaga sila sa akin ngayon.

"Sorry anak. Happy birthday baby Aeven ko. Mahal na mahal ka ni Mommy. Hay! Salamat sa pagiging palaban. Mag-ayos ka na ha? Hihintayin ka na lang namin sa baba." At hinalikan niya muli ako sa pisngi sabay yakap ng mahigpit.

"Nga pala, papapuntahin ko na rin dito 'yung mag-aayos sa'yo. Kaya maligo ka na para maayusan ka na agad." Tumayo na si Mommy at lumabas na sa aking kwarto.

After fifteen minutes, natapos din akong maligo at pinapasok na rin ni Mommy 'yung mag-aayos daw sa akin at 'yung isa pa niyang kasama na mag-aassist ata habang inaayusan ako.

"Umupo ka na dito iha para maayusan ka na namin." Sabi ni Ateng Beki. Pagkasabi niyang 'yon ay agad naman akong naupo at sinimulan na ang pagmamake-up sa akin.

Light colors lang 'yung mga pinili ko para 'di halata. Ayoko kasi ng mga sobrang halatado ang makeup. Like sobrang kapal. Nilagyan na ng foundation ang mukha ko. Tapos kaunting ahit sa kilay. Sunod naman ay blush on.

"Pikit ka iha." Sinunod ko naman agad siya kaya napapikit na lang ako.

Light make-up sa Eyelashes ko. Then pinapikit muli ako para sa mascara naman. Nang ididilat ko na sana uli ang mga mata ko, narinig ko na nagsalita uli si Ateng, "Huwag ka munang dumilat baka kumalat 'yang mascara mo." Kaya nama'y pumikit muli ako.

Halos limang minuto rin akong nakapikit. Sunod ang lipstick na napili kong kulay ay magenta. Tyaka niya kinulot ang hair ko.

Habang 'yung isang kasama niya ay natapos na rin sa pagmamanicure at pedicure sa nails ko. Dahil paborito ko ang pink, baby pink with silver shimmer ang napili kong kulay sa nails ko and I super love it.

Isang oras akong inayusan. Nakabihis na rin ako ng gown.

Pink tube with twinkling glitters and medyo may pagkaballoon type. Silver high heel shoes na mga three and half inches.

Heart shape necklace na bigay ni Mom.

Bracelet na may star, moon and heart na galing kay Kuya.

Earings silver na bigay naman ni Ate.

Wrist watch naman na galing kay Dad.

Sinadya ko talagang isuot lahat para makita nila na hanggang ngayon, nasa good conditions pa rin 'yung mga last year gifts nila sa akin.

Reality of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon