Chapter 23: The Dance Craze Moves

148 25 20
                                    

Chapter 23: The Dance Craze Moves

After ng paghaharana ni Vinz. Ay basta hinarana niya ako kahit hindi naman talaga. Assuming ba.

Ngayon lang naman iyon kaya pagbigyan na ninyo ako. So, ayun na nga. Pagkatapos ng paghaharana, andaming kung anu-ano na naman ang pinagsasabi ng emcee. Hindi ko na inabala ang sarili ko para makinig sa pinagsasabi niya. Basta masaya ako ngayon. Sobrang saya ko. Siksik, liglig at umaapaw sa kasiyahan.

At hindi na nagtagal ay kumain na rin kami ng dinner. Spaghetti, chicken, buko salad, graham, pizza, lasagna, shanghai at siomai ang kinain ko. Ang takaw ko 'diba? Parang wala ng bukas. Haha. Dejoke lang. tinikman tikman ko lang naman kasi mga 'yon. Ayaw kong magrice kaya ayan na lang 'yung kinain ko. Pikapika na lang tuloy ang ginawa ko.

"Ahem." Umubo ng kaunti ang emcee para siguro hindi siya pumiyok.

"Miss birthday celebrant, are you now ready to another surprises?" Pagkasabi niyang iyon ay tumango na lamang ako. Ano na naman kayang pakulo ang mga hindi ko pa alam? Surprises? So, marami pa silang sorpresa para sa akin.

Nakakapressure naman ito at maslalo na naman akong kinabahan. Hay.

"Let's welcome Mr. Jan Brett Ortiga for his special surprise number dedicated to Ms. Aileen Ven Lim." Pag-aanunsiyo ng emcee tyaka lumabas si Jb na nakapormahan.

Shock! Ang hot at gwapo niya ngayon. Omg!

Naka all black siya ngayon. Sleeveless shirt, Cap and sneakers.

"Wooh! Go, Jb!" Pangchecheer ni Rayne kay Jb, new recruite namin siya sa barkada.

"Wow Jb! Gumaganyan ka na pala. Go go go!" Sunod namang cheer ni Lenlen, isa pang recruite sa barkada. Sila 'yung tinutukoy ko na naging close friend namin kahit magkaklasmeyt na kami nu'ng first semester. Kaya nama'y ininvite ko na rin sila.

Dahil nga late kami ni Jazz nag-enroll nawalan kami ng slot sa block namin kaya nama'y naging International kami. I mean iba't-iba 'yung mga classmates naming dalawa sa mga minor subjects lang naman, four subjects na papasukan namin kasama ang iba't-ibang kurso. Si Jb? Ayun, sa three subjects lang namin siya classmate. Maaga siyang nag-enroll, eh.

"Jb!!! Galingan mo. 'Wag kang susuko, pre." Gatong naman ni Decem.

"Oo nga, Jb. Laban dapat." Pagsang-ayon naman ng kanyang kambal na si Novem. Sobrang supportive ng mga barkada namin. May nangyayari bang hindi ko alam? Wew.

Nagsimula nang tumugtog 'yung kanta.

Omg! Versace on the floor.

🎶 Let's take our time tonight, girl
Above us all the stars are watchin'
There's no place I'd rather be in this world
Your eyes are where I'm lost in
Underneath the chandelier
We're dancin' all alone
There's no reason to hide
What we're feelin' inside
Right now 🎶

"Wooah! Shemay ka, Jb. Ang hot mo." Hiyaw ni Jazz.

"Ang angas. Ang galing mo, Boy." Pasigaw naman na sabi ni Augustus at nagsisipagtilian na rin 'yung mga iba naming classmates at mga batchmates ko nu'ng highschool.

🎶 So, baby, let's just turn down the lights and close the door
Ooh, I love that dress, but you won't need it anymore
No, you won't need it no more
Let's just kiss 'til we're naked, baby 🎶

"Kyaaaah! Walang hiya. The moves talaga." Kilig na kilig na sabi ni Jana.

"OMG! Waah! Versace on the floor." Sunod na sabi naman ni Mara.

Reality of LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon