Special Chapter

13.1K 421 62
                                    

>> Halloween Special <<

Shace Isaac Alvarez POV

"Uyy! Shace! Ano tinitignan mo diyan?"

Inis na tanong ni Kazumi, agad akong napahawak sa kaniya ng nakita Kong gumalaw yung tinitignan ko

"Waaaahhh"

Agad akong nag tago sa likod ni Kazumi, pag kagalaw na pagkagalaw ng nilalang na yun

November 1, pa naman ngayun! Ngayon yung araw na lumalabas yung mga mumu!! Pa'no na yan? Baka atakehin ako Neto sa puso

"Ka-kazumi, m-may mumu diyan! Huhuhu"

"Yah! Anong mumu anong mumu?"

Inis na tanong niya at tumingin tingin sa paligid, Diba niya nakikita yung lalakeng nag lalakad na 'yun? Yung Zombie!!

"Wala naman ahh, tss... Imagination mo shace! Sinagad mo na yung limit!"

Natatawang ani niya at nag lakad na, sumunod naman ako sa kaniya at pumasok na nga kami sa loob ng bahay...

"Yan! Umupo ka Jan! At manood! For sure mawawala ang takot mo dito!"

Sabi niya at pli-nay ang isang film bago umalis at umakyat sa kwarto niya

Nanginginig Kong inabot ang isang unan at niyakap yun ng mahigpit

Tutok na tutok ako sa TV, pero sh*t wrong move! Kasi part na 'to na, lalabas na yung mumu...

Agad akong nagtago sa likod ng sofa at nag dasal

"Huhuhu in-ambush ako ni Kazumi, teka... Ambush nga ba? Hayyst! Baliw na ako.."

Natigil ako sa pag iisip ng may kumalabit sa akin...

Don't... D-don't tell me... 

"Waaaaahhhh!!! Mumu!!! Huhuhu"

Tatayo na sana ako ng hawakan niya ang balikat ko, at pinaharap sa kaniya, pero bago pa ako makatingin sa kaniya, everything went black

Dahan dahan Kong iminulat ang mata ko at bumungad sakin ang nag aalalang mukha ni kazumi...

"Anyare sayo? Bat ka hinimatay?"

"W-wala, h-hinimatay ba ko?"

"Ayy, ganun? Hinimatay kalang nag ka amnesia na? Ang galing"

Tumayo siya at pumunta sa kusina kaya inilibot ko ang tingin sa buong kwarto at nasa sala ako, naputol ang pag iisip ko ng may nag doorbell 

"Shace!!! Pakibukas ang pinto!!"

Sigaw ni Kazumi kaya agad akong napalunok At wala ng nagawa kundi ang tumayo at pag buksan ng pinto yung lalake

Pero, wrong move, isang zombie yung nag doorbell, waaaahhhh nag do-doorbell pala ang isang zombie???

Hindi pa ako nakakapagsalita ng himatayin ako pero bago pa ako mawalan ng Malay ay may narinig akong sinabi 'yung zombie 

"Trick or treat."

Babysitting the Childish hot jerkWhere stories live. Discover now