Chapter 22: [ Galawang Shace ]

9.4K 328 1
                                    

Shace Isaac Alvarez POV

Tapos na kaming kumain ni Kazumi and as usual nauna na naman siyang maglakad *pout* Diba siya marunong maghintay?

"Kazumi!!"

Tawag ko tumingin naman siya kaya napangiti agad akong lumapit sa kaniya at hinawakan ang kamay niya na ikinagulat niya at agad kinawala ang kamay niya sa kamay ko, pero dahil sa mas malakas ako sa kaniya ay Hindi niya yun nakalas at masamang tumingin na lang sakin 

"Shace... Isa!"

"Dalawa!"

"Arghhh!! Bwesit ka shace!! Di ako nakikipelosopohan sayo!"

'Ganyan ba pag nagdadalawang tao?'

"Epekto siguro yan ng pagdadalawa niyang tao"

Bulong ko na nadinig naman ni Kazumi kaya agad niya akong binatukan at nag salita 

"Hindi nga kasi ako buntis! Tss..."

Iling iling na sabi niya kaya napanguso ako bago inilagay ang Isa ko pang kamay sa balaikat niya, kaya ang posisyon namin ay nakaakbay ako sa kaniya habang nakahawak din ang kamay 

Para wala ng kawala! Akin lang siya, at sa kaniya lang ako, at sigurado akong walang makaka agaw sa kaniya sakin

"Shace!!! Wala kana ba talagang matinong gagawin? Pano ako makakagalaw Neto? Atsaka! Pinagtitinginan na tayo ng mga tao! Mahiya kanga!"

Inis na usal niya pero Hindi ako nakinig sa kaniya at dahan dahang ngumisi bago bumulong sa kaniya 

"Ba't ako mahihiya? They should know that you're my property, remember that you're mine, f*cking mine, I hate sharing my property so akin ka, at sayo ako, at pag nakita kitang may ibang kasamang lalake, baka makapatay ako Kazumi, so stay with me... Forever"

Nakita ko naman ang pamumula ng pisnge niya, I pinch her cheeks while saying "cute"

Kaya mas lalo siyang namula na ikinatawa ko, nang makarating kami kung Saan ko ipi-nark ang kotse ay pinagtitinginan kami ng mga lalakeng tambay sa kanto at dahan dahang lumapit kaya ipinulupot ko ang mga braso ko sa bewang ni Kazumi at mas lalo pa siyang inilapit sakin 

Ng makalapit na sila, ay agad nilang tinignan ang babaeng kasama ko at lalapitan na sana, ng ilayo ko si Kazumi sa kaniya at itinago sa Likod ko 

"Back off, pare, itong babaeng 'to *sabay turo Kay Kazumi* pag aari ko yan, asawa ko yan kaya pwede ba? Lumayo ka? Baka mapatay pa kita"

Nakangisi Kong ani, kaya napalunok naman ito bago sinenyasan silang umalis 

Nakangiti Kong hinarap sakin si Kazumi at niyakap ng mahigpit sabay bulong ng mga katagang matagal ko ng gustong sabihin sa kaniya 

"I love you..."

Babysitting the Childish hot jerkWhere stories live. Discover now