Prologue

19 1 0
                                    

Prologue






I wiped out my tears as I turn my cellphone off. "Damn that world". I murmured. T*angina! Bakit naman ganito kasakit.

Hindi ko mapigilan ang sunod sunod na pag agos ng luha ko habang naka tingin sa kisame ng aking kwarto. It's over, wala na. Natapos na ang pinaka maganda kong panaginip.

Wala akong magawa ngayon kundi pahidin ang sunod sunod na pag agos ng luha ko. Arghhh hindi kabaa mauubos?

"Bakit kelangan kong maramdaman to". I cried. Hindi totoo ang lahat ng iyon, kasinungalingan lamang ang lahat. Pero bakit ang sakit sakit?

Tanging paghawak nalang sa aking dibdib ang aking nagawa nang maramdaman ko ang sobrang pag sikip nito.

"Ang sakit".

Agad kong kinuha ang unan sa tabi ko, at agad isiniksik ang muka ko dito. Tanging ingay lamang mula sa aking speaker ang naririnig sa buong kwarto pero naninigurado lang, baka marinig pa nila sa labas ang pag hikbi ko.

I don't understand why it hurts so bad. Hindi ko lubos akalain na galing sa mundong yun ang unang makakapanakit sa puso ko.

Tama sila. I smile bitterly. Na kapag tinotoo mo ang bagay na dapat kasinungalingan lang, talo ka.

Muli akong napatingin sa cellphone ko nang bigla itong umilaw.

"My baby". I whispered. Isang ngiti ang sumilay sa aking mga labi sa kabila ng sunod sunod na pagpatak ng aking luha.

Agad kong binuksan ang cellphone ko upang mabasa ang mensahe galing sa kanya.

"I'm sorry, but I think we need to end this. I can't fight with you baby. Hindi ko kayang pantayan ang katapangan mo. Mas mabuti pang tapusin na natin, kesa naman mas mahirapan pa tayo kapag nag tagal pa 'to. I love you".

My Virtual World Where stories live. Discover now