Chapter 3-Seriously?

11 1 0
                                    

---------


Chapter 3



Saph's POV

"Arghhhhh!! Sino bang tawag nang tawag!". Padabog akong bumangon bago masamang tinitigan ang cellphone kong naka patong sa table.

Anong oras palang!? Pinaka ayoko sa lahat yung nagigising ako sa oras na hindi ko naman dapat gising.

For Pete's sake almost 6 am na ako nakauwi kanina!

"Naman ehh!". Wala akong nagawa kundi tumayo at kunin ang cellphone kong kanina pa tunog nang tunog.

Agad naman akong napahawak sa ulo ko. "Damn parang umiikot paligid".

"Hello! Sino ba to? Natutulog yung tao istorbo eh, alam mo ba kung anong oras palang? 11:30 am pal--".

"Hey Saph saph chill". Natatawang sagot ng nasa kabilang linya.

Parang familiar ako sa boses na yun. Damn that sapsap kelan pa ako naging isda?

Muli kong tinignan ang screen ng cellphone ko upang malaman kung sino ang tumatawag.

Ngunit number lamang ang naka lagay dito na nakapagpa dagdag lalo sa init ng ulo ko. Wala pa ako sa mood para mag isip

"Sino ba 'to!?". Inis na napahawi ako sa magulo kong buhok bago dali daling bumalik at umupo sa kama.

"It's Van, remember? Sa bar". Sobrang casual at natatawang sagot nya.

Mas lalo pa akong napangiwi sa sinabi nya.

"Oh the kabute man. Ano bang kailangan mo ha? Pano mo nakuha number ko?". Naiinis na tanong ko sa kanya.

"Nakalimutan mo na ba? Kailangan nating pumunta dito sa bar ngayon para tumulong sa pag aayos". Kalmadong sagot nya na para bang wala syang nasirang umaga. Nakakainis!

"At kelan pa naging Janitress ang trabaho ko ha? Waitress ako! Waitress!". Agad kong pinatay ang tawag at muling isiniksik ang muka sa unan.

Damn I need some rest. I want to rest. Mamayang gabi ang ika limang araw palang ang nakaka lipas magmula nung mag trabaho ako pero pakiramdam ko isang taon na.

Sabi naman ni itsu masasanay din ako pero kelan pa. I want to sleep.

Dapat na yata akong magdasal na namp prank na naman yung lokong yun.

Ngunit wala pang isang minuto ay tumunog na naman cellphone ko. Arghhhhhh!!

"What again Van!? If you're planning again to ruin my day well congrats! Sirang sira na. Hindi ako pupunta dahil hindi ako Janitr--".

"You'll come here or I'll fire you? You Choose Hailstone".

Wtf! Agad nanlaki ang antok na antok kong mata ng marinig ang boses sa kabilang linya.

Isang beses ko palang narinig ang boses nya pero alam ko na kung sino ang nagsalita!

Omayghad I'm dead!

"S-sir R-rafa, heyy good morning!". Nauutal man ay pinilit kong lagyan ng energy ang boses ko.

Nawala yata lahat ng antok ko sa katawan. Nakakainis talaga! Wala naman akong na receive na email or text or chat sa kahit sino na kailangan mag punta ngayon.

My Virtual World Where stories live. Discover now