12

796 27 20
                                    

Lea

Pagpasok ko sa practice room ay binati ko silang lahat, like I always do. Tinignan nila ako at parang hinahanap nila si Seungmin.

"Asan si Seungmin oppa?" tanong nung isang babae sa akin. I just shrugged my shoulders because I literally don't know where he is. She just pouted.

"Ba't di mo sya kasama?"

Paglingon ko ay nakita ko si Eunwoo. I sighed.

"Eh sabi nya di daw sya makakasama so ayun."

Sabi ko. Bigla naman syang napangiti na ikinataka ko.

"Cool."

"Anong cool dun?"

Nagtataka kong tanong. He suddenly smirked and put his arms around me.

"Pwede na kitang makausap."

"D-dun ka nga!"

Sabi ko at tinulak sya dahil sobrang lapit nya sa akin at baka magwala tong puso ko ng wala sa oras. Tumawa naman sya at napailing-iling nalang ako.

Di na kami nagsayang ng oras pa at sinimulan na kaagad ang practice.

• • •

"Okay guys, good job! Same time ulit tomorrow. Sige umuwi na kayo."

Sabi ni Eunwoo na ikinatuwa naman ng lahat. Lahat ay nagsilabasan na. Lalabas na sana ako ng bigla akong tawagin ni Eunwoo.

"Lea!"

Paglingon ko sa kanya ay nakita kong nakahiga sya dun sa platform na pinagsasayawan namin. Naglakad ako papalapit sa kanya.

"Oh?"

"Samahan mo muna ako. Please?"

Sabi nya at nagpuppy eyes pa sya sa akin. Leche ba't ba ang cute nya?! Pero mas cute si Seungmin...wait what?

"May lakad ba kayo ni Seungmin?"

"Hm. Wala naman. Aish, sige na nga."

Sabi ko at napangiti naman sya ng malapad. Nilapag ko na muna gamit ko sa tabi at umupo sa tabi nya.

"Pft. Humiga ka rin."

"Ayoko–" naputol sasabihin ko ng bigla nyang hawakan tong balikat ko at buong pwersa ako hinila pahiga. Akala ko tatama yung ulo ko sa platform pero sinalo nya naman agad ako gamit braso nya. So, ginawa nyang unan ko yung braso nya. Naramdaman ko ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso ko.

Fucc! Fucc!

Saglit na nagkaron ng katahimikan habang parehas kami nakatitig sa ceiling. Di pa rin humihinahon tong puso ko lalo na't nakapatong tong ulo ko sa braso nya at sobrang lapit pa namin sa isa't isa.

"Lea, naalala mo yung una tayong nagkakilala?"

Bigla nyang tanong sa akin, breaking the silence that filled the air. Saglit ko naman inalala yung araw na yun kung san una kaming nagkakilala.

"Diba parehas tayo nasa dance club nun tapos diba nagpaturo ako sayo dahil di ko magawa ng maayos yung step na tinuturo sa atin.."

"Oo. Paiyak ka na nga nun eh dahil di mo magawa-gawa."

Sabi ko at parehas kaming natawa. After that it became silent again. I glanced at Eunwoo and stared at his sideview profile. His eyes are very angelic. His nose and lips looks cute too. Ang perfect nyang nilalang.

Maya-maya ay naisipan na naming umuwi. He help me stand up. At parang may mga kuryente na dumaloy sa buong katawan ko ng hawakan nya ang aking kamay. I tried so hard to hide my smile. Fucc!

"Thank you nga pala dahil sinamahan mo ako."

Sabi nya. Napangiti ako at magsasalita na sana ng bigla namin narinig tumunog cellphone nya. Kinuha nya iyon mula sa bulsa nya at tinignan kung ano meron. Pagtapos ay muli syang napatingin sa akin.

"Hey, kailangan ko na palang umalis. Hinihintay na ako ng girlfriend ko."

Sabi nya. Ng marinig ko yung salitang 'girlfriend' mula sa kanya ay parang biglang tumigil tong pag-ikot ng mundo ko. G-girlfriend? M-may girlfriend na si Eunwoo?

"Bye! See you tomorrow!"

He said as he ruffled my hair. Pagtapos ay tumakbo na sya paalis. Leaving me all alone here. Unti-unting nawawasak tong puso ko.

D-di ako makapaniwala na...may girlfriend na sya...

SWEET SCENT. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon