16k Special

578 20 23
                                    

Lea

1 month. It's been 1 month since we had our last conversation. So far, sa loob ng 1 month na yun, di ko mapigilan mamiss sya. Pero wala akong magagawa. Parehas namin na desisyon to and we both needed space. Sadyang dadating talaga yung araw kung saan di kami magkakatugmaan. But I know it's all for the best. Mahal ko pa rin sya. Pero I guess we also needed a time out.

"Lea?"

Natauhan ako ng biglang tapikin tong balikat ko. Pagtingala ko ay akala ko kung sino pero si Eunwoo lang pala.

"Nakatulala ka nanaman."

"Sorry, may iniisip lang ako."

Sabi ko at napabuntongh hininga. Sinarado naman ni Eunwoo yung librong binabasa nya at tinignan ako diretso sa aking mata.

"Si Seungmin ba iniisip mo?"

Tanong nya at sa pagbanggit palang ng pangalan nya ay di ako makapagsalita. Parang may nabara dito sa lalamunan ko. Napahinga naman si Eunwoo habang nakatingin sa akin.

"Magiging maayos rin ang lahat, Lea. Hintayin mo lang."

Sabi nya at ngumiti sa akin. Medyo gumaan naman pakiramdam ko at ngumiti ng bahagya sa kanya. Pagtapos ay nagpatuloy na sya sa pagbabasa at naalala ko na may kailangan pa pala akong tapusin na assignment. Pagkahawak ko ng ballpen ay sisimulan ko na sana magsulat kaso napatigil ako ng mapatingala ako at makita si Seungmin. Naramdaman ko naman ang pagbilis ng tibok ng puso ko. Di naman nya ako napansin at tuloy-tuloy lang sa paghahanap ng kanyang mauupuan. Sa mga oras na yun bigla kong naalala yung huli namin pag-uusap...

"Parehas tayong maraming ginagawa, Lea. Kaya wag mong sabihin na napapagod ka na dahil maski ako napapagod rin! Don't be so selfish!"

Pasigaw nyang sabi sa akin. May kung anong kumirot sa aking puso ng marinig ko ang mga sinabi nya. Umabot nanaman kami sa punto na magkakatampuhan kami. Di katulad nung mga nakaraang araw, mas malala ngayon. Lalo na't parehas kaming napapagod at sunod-sunod mga gawain namin.

"Oo na! Ako na selfish! Wala ng lumalabas na mabuti dyan sa bibig mo!"

"Lea, hindi ko yun sinasadya. All I'm trying to say is, napapagod na rin ako. I can't handle all the works given to me. Despite all that, I still have to make time para makasama kita!"

Sabi nya at naramdaman kong may namumuong luha na sa gilid ng aking mata. Naisara ko tong palad ko dahil sa inis.

"Kung patuloy man tayo magkakaganto, pwede bang tumigil na muna tayo?"

Sabi ko kahit na medyo labag sa kalooban ko iyon. Napansin ko naman ang pagkagulat ni Seungmin ng dahil dun sa sinabi ko. Huminga ako ng malalim at pinigilan wag tumulo itong luha sa aking mata. But, it's too late. Tears came falling down my cheeks.

"Masyado tayong nagmadali, Seungmin. Ni hindi man lang natin naisip ang mga gantong bagay na mangyayari. Parehas tayo may ginagawa at parehas tayo tambak sa mga gawain. At kung paulit-ulit man tayo magkakaganto, mas mabuti ng tumigil na muna tayo."

Sabi ko habang walang awat ang pagbuhos ng luha sa aking mata. Napatingin ako kay Seungmin at nakitang may mga luha na ring tumutulo mula sa kanyang mata. Gusto ko syang yakapin. Alam ko parehas kaming nasasaktan sa sitwasyon namin ngayon. Pero kailangan namin ng oras at pag naging maayos na ang lahat, pwede na ulit. Napayuko naman si Seungmin at pinunasan ang mga luha sa kanyang mata. Pagtapos ay muli syang tumingin sa akin.

SWEET SCENT. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon