Heat

2.8K 79 38
                                    

KAHAPON ang party ng mga matatanda

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

KAHAPON ang party ng mga matatanda. Sa sumunod na araw ay mga kaibigan at batch mate ni Margot ang bumisita sa mansion. Ang ipinagkaiba nga lang ay day at wet party. Nagkalat sila sa beach front kaya abala na naman ang mga kasambahay.

Sinulyapan ko ang katabing surfing board at penacolada sa aking gilid, bago si Sander na ngayon ay palapit sa gawi ko. Base sa ngiti niyang gagawa ng kalokohan ay nakakakutob akong may masamang plano na naman ito. Gaya nalang kagabi, tinukso niya ako sa anak na bunso ng Augustus na si Clifford. Bagong model ito ng Swizz at pinapasok na rin ang karera ng pag-aartista. He is pretty boy. Curled brown hair. Had a striking smile that surely millennials would grab and won't resist, but not with me.

"She is asking your name, dude!" basa ko sa buka ng bibig ni Sander. Nilapitan ako ng binata at personal na nagpakilala matapos noon. Nagawa pang kuhanin ang number ko. Nag-follow din daw siya sa Instagram ko. Hindi ko siya maiwasan na kausapin dahil nagpalit sila ng upuan ni Sander. Naubos ang oras ko sa pakikinig ng kuwento nito, kahit pa gusto ko nalang sana ang matulog.

Tuloy hanggang ngayon ay text nang text si Clifford. Iniwan ko nalang sa kuwarto nang matigil.

Inisang higop ko ang penacolada. Dinampot ang surfing board.

"Saan ka pupunta?"

"Wala ka bang mata. Surfing." Pinakita ko pa sa kanya ang hawak ko!

"Uh! Marunong ka pala mag-surfing."

Bakit tunog nang-aasar ang tinig niya? Pero may punto siya. Hindi nga ako sanay. Sinuot ko ang aviator ko bago bumaba sa kahoy. Dumiretso ako kung saan napansin kong pinagkakaguluhan ng mga kababaihan. Nakita ko rin sa grupo nila si Margot na nakapulang two-piece pa.

"There is a hot guy right there!"

Lumagpas sa akin itong tatlong babae upang makiusyoso banda roon.

There is this guy leaning on the coconut tree. Well, he is impeccably hot on his summer short and exposed firm hmmm... was that abs? The way he leaned his one arm on the tree, GQ models would be ashamed with him. But I know someone who can defeat him, and that person is secret.  Hindi ko siya maaninag nang mabuti dahil nasa likod na ako banda. Ang likot pa ng mga nasa harapan. Parang binudburan ng asin ang mga kepay ng mga kaibigan ni Margot.

Umalis ako roon upang pumunta sa cottage.

Humingi ako ng panibagong juice at tacos. Nilapag ko sa sahig ang surfing board ko. Namataan sa dulo si Sander na palapit sa lalaking tinitingnan nila Margot. They fist bump and talked a little. I can't see his face, just enough a visual with his broad shoulder and tout waist.

May lumapit na foreigner sa kanila. Mukhang modelo sa tangkad at balingkinitan na katawan. Lumingkis iyon sa lalaki. Ang lalaki naman ay hawak sa balakang ang babae. Tinuro ng babae ang gawi ko kaya napalingon si Sander at ang kausap.

Instantly, my chest tightened and became heavy when I recognized who could be the hot guy. Dumadagundong ito lalo ng lumapit sila sa gawi ko. Yumuko ako at nagpanggap na abala sa aking surfing board, kahit pa wala namang interesante roon.

The UnnoticedWhere stories live. Discover now