Chapter 11: Second Boyfriend

243 21 1
                                    

Chapter 11: Second Boyfriend

•~•~•

Pumunta agad ako sa bahay ni Steph pagkatapos ng pagkikita namin ni Taehyung. Pagka-tapak ko pa lamang sa labas ng bahay niya ay bumungad na naman sa akin ang pusa niya at sininghalan na naman ako nito.

"Ano ba! Kagaya ka rin ni Taehyung! Tagal tagal ko na kayong kilala pero bakit di niyo ko magawang magustuhan!" Sabi ko sabay dabog ng paa ko habang paluha na ang mga mata ko.

"Ano ba ang ingay na yan— Crystal?"

Hindi na ako sumagot pa at niyakap na lang si Steph. Di ko napigilang umiyak sa mga balikat niya.

"Anong nanyari Crystal? Okay ka lang ba?"

Humiwalay ako ng yakap at tumingin sakaniya,"Obvious ba?" Sarkastiko kong tanong habang sumisinghot.

"Ano ba yan, ang dugyot mo! Ano ba kasi nangyari?" Inis na tanong niya sa akin at inanyayahan akong umupo sa tabi niya.

"S-si Taehyung at si Yui.." hindi ko maituloy yung sasabihin ko at umiyak na lang uli.

"Oh, so nalaman mo na rin pala ang balita na yun."

"Hindi ko nalaman! Si Taehyung mismo ang nagimbita sa akin!" Sigaw ko sabay tuloy pa rin ako sa pag-iyak.

"Tsk, what a jerk. Pwede ka naman niyang bigyan na lang ng imbitasyon. Why did he tell you personally?"

Pinunasan ko ang luha ko at nagkibit-balikat,"I don't know. Hindi ko ba alam sakaniya, pakiramdam ko pinaglalaruan niya ako. May pahawak at halik pa siya sa kamay ko! Huhu."

"You know what? May Jimin ka na naman at sobrang tagal na ng relasyon nina Taehyung at Yui. Why don't you just move on? Walang mangyayari kung aasa ka pa kay Taehyung."

"Hindi sa naasa ako sakaniya. Hindi ko kasi aakalain na ang sakit pa rin pala. Tanggap ko na kasi, pero nasasaktan pa rin ako." Malungkot kong saad at pinunasan uli ang mga natitira kong luha.

"Hay nako beshywap, let's get you home."

•~•~•

Nagpasalamat ako kay Steph at Suckjin sa paghatid nila sa apartment ko. Napabuntong hinga na lang ako at pumasok na sa loob. Nakita si Jungkook na nanonood ng T.V sa salas at napatingin siya sa akin nang makagawa ako ng ingay.

"Oh, you're back!" Sabi ni Jungkook sabay ngiti sa akin. Ngumiti na lang ako ng peke pabalik habang tinatanggal ang sapatos at medyas ko. Naka-sneakers kasi ako tapos naka-overall na dress.

"Are you okay baby?"

"I'm fine. Asan nga pala si Jimin?"

"Well, he went out to get us some snacks. Natalo pati kasi siya sa pustahan namin kaya siya ang bumibili. Don't worry, he should be back before 6pm and hindi siya maliligaw dahil may GPS naman siya."

Tumango na lang ako at umupo sa single sofa katapat niya. Pinapanood niya lang ako sa bawat galaw ko pero hindi ko siya pinansin kasi ang bigat pa rin ng nararamdaman ko kahit naglabas na ako ng sama ng loob kay Steph at sinigawan ko si Taehyung kanina.

I'm so drained.

Naramdaman kong lumapit si Jungkook sa akin pero hindi ko siya tinapunan ng tingin dahil wala akong lakas at lutang na lutang ang isip ko.

"You're definitely not okay, baby. Sabi ko naman sayo e'. Isama mo kami—"

"Jungkook, wag mo muna ako sermunan." Sabi ko sakaniya ng malalim.

"I'm sorry. We're just worried. And ineexpect ko na ganito ang mangyayari sayo. Tama pala talaga naisip namin ni Jimin na bumili na rin ng ice cream. Ice cream is the main source of happiness!" Sabi niya sabay ngiti pero hindi ko siya pinansin at tinakpan lang ang mukha ko.

"Tell me Jungkook, am I the worst?"

"You are not."

"Bakit ganon? Kayo, kakakilala niyo pa lang sa akin ni Jimin yet nagpakita agad ako ng pagka-interesado sa akin. Pero bakit yung mga taong matagal mo na nakakasama, mapa-hirap man o ginhawa.. wala pa rin?" Nagsisimula na naman akong maiyak pero pinipigilan ko.

I have shed enough tears today. Sobrang pugto na ng mata ko at ayaw ko namang gumising bukas na para akong panda.

"Oh yeah right, because I really am not an interesting person. Hindi ako maganda. Hindi ako matalino. Hindi ako talented. Hindi ako.. hindi ako karapat dapat mabuhay. Na-gets ko na, kaya kayo ganiyan sa akin kasi android kayo and you are now alive kasi para magserve ng purpose sa isang tao. Mahalin sila at i-appreciate. Pero sana lahat na lang ng tao kagaya niyo. Pero hindi e', virtual lang kayo. Ginawa kayong perpekto at kahit anong oras.. pwede kayong mawala. I can't afford to lose someone na nagpapakita ng pake sa akin kahit alam kong trabaho lang nila yun. They're not doing those stuffs because they want to, it's because they need to do."

"And you know what? Loving someone is indeed a waste of time." Dagdag ko pa.

Hindi nagsalita si Jungkook at nagulat na lang ako nang bigla niya akong buhatin at siya ang umupo sa single sofa. Kaya ang pwesto namin ngayon ay nakakalong ako sakaniya.

"J-jungkook, baka dumating si Jimin—"

"Can you not think for Jimin just once? Kasi, boyfriend mo rin ako, Crystal. If loving and appreciating you is our only job, then I will do this job forever and won't retire. And if you think love is just a waste of time, then waste it on me."

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko ba alam kung kikiligin ako o aalis na sa pagkakakalong ko sakaniya. But I really feel secured around them. I feel comfort. And I feel loved.

"Pero masama ang dalawang boyfriend Jungkook. Ayoko maging two-timer—"

"Look, Crystal, I'm just your temporary.. second.. boyfriend. Pag nahanap natin yung owner ko, diba malilimutan na kita? And masosolo ka na ni Jimin. I just want to be with you in your darkest days hangga't nandito pa ang presensya ko. Pero hangga't di pa natin nakikita ang owner ko, tutuparin ko ang sinabi ko. I won't retire."

•~•~•

My Virtual BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon