Chapter 24: For The Last Time

230 17 1
                                    

Chapter 24: For The Last Time

•~•~•

"Does it have to take you for hours to get ready?" Rinig kong inis na sigaw ni Jungkook mula sa labas ng kwarto ko. Napairap ako sakaniya habang sinusuot ang kwintas.

Naiinip rin pala ang mga android? Kinuha ko ang purse ko at tsaka binuksan ang pinto. Nakita kong nakaayos na sila parehas at napanganga nang makita ako.

"This Jungkook, is the result of having a woman take her hours of getting ready." Natatawa kong sabi sakaniya at tsaka itinaas ang panga niya na nakanganga sa kakatitig sa akin.

"Shall we?" Aya ko sakanila. Sakto namang narinig ko ang busina ng van ni Suckjin sa labas. Ah, it's been months but I still call him that.

Binuksan ko na ang pinto at sabay sabay na kaming lumabas. Inabangan kami ni Suckjin at naka-tuxedo rin siya. Nakaayos ang buhok niya at halatang naglagay ng kaunting lip tint.

"Men needs to be pretty to." Natatawa niyang sabi. Nagulat ako nang naglabas siya ng rose mula sa coat niya at napatawa,"Look Suckjin, it isn't the Christmas Ball." Natatawa kong sabi sakaniya.

"E' nakasanayan na. So take it." Napakibit balikat na lang ako at tinanggap yun.

"Let's go to my pal's engagement party!" Pagwawala niya at tsaka sumunod sakaniya pasakay ng van niya.

Sumakay na kami at binati agad ako ni Steph na nakaupo sa passenger seat.

"Bakit mo sinama yang boyfriend mo?" Natatawa kong sabi kay Steph.

"Erase that beshywap, I'm the one na isinama niya."

Napataas ang kilay ko sa sinabi niya,"Aren't you invited?"

"I am pero kung hindi man, isasama pa rin ako nito. He is Taehyung's cousin anyways." Nanlaki ang mata ko sa gulat. What the heck? Sa tagal tagal na naming magkakilala ngayon ko lang nalaman yun?

"Para namang gulat na gulat ka, Crystal?"

Inirapan ko na lang si Suckjin at napagpasyahan nang paandarin ang sasakyan.

•~•~•

Pinagbuksan kami ni Suckjin ng pintuan at inalalayan naman ako ni Jimin bumaba. Nginitian ko siya bilang pagpapasalamat at ngumiti naman siya pabalik. Napatitig ako sa venue ng nasabing party, halatang engrande at mayayamang tao ang nakikita kong napasok.

Isa isa na kaming pumasok at agad na may bumungad sa aming waiter. Ni-lead niya kami sa naka-reserved naming upuan at nag-intay magstart ang party. Medyo marami na rin ang mga tao at karamihan dito ay hindi ko kilala.

"Ewan ko pero bakit nakaka-concious ang paligid?" Sabi ko sakanila.

"Ah, ngayon ka lang siguro nakapunta na puro mga business men at women ang bisita." Sabi ni Suckjin at ininom ang wine na inihanda para sa amin.

Business men at women?

"Are you sure na engagement party pinuntahan natin?" Takha kong tanong sakaniya. Pero imbes na sagutin ang tanong ko ay binigyan niya ako ng isang ngisi.

My Virtual BoyfriendTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang