Tatlong Persona ng Diyos

285 5 0
                                    


Hello,. Nandito ako para ilathala ang aking panaginip ukol sa tatlong persona ng Diyos. Kung papahintulutang mapost itong kwento ko, nawa'y salubungin natin ang bagong kabanata ng aking buhay. Ngunit bago ako magsimulang magbahagi ng aking karanasan at panaginip, nawa'y maging bukas po ang ating isipan sa paranormal na mundo. Hindi ko hinihikayat ang iba na maniwala sa aking panaginip, inuulit ko nandito ako para ibahagi lamang ang aking kakaibang panaginip.
May 05, 2018. Alas 6:17 ng umaga ng ako ay magising. Sinulat ko kaagad sa aking kwaderno ang petsa oras ang mensahe na aking nakita sa aking panaginip.
Base sa aking nakikita, ang tatlong persona ng Diyos ay narito sa mortal na mundo, nakikiramdam at nakikiobserba lamang sa ating lahat. Dinalaw nila ako sa aming tahanan at may mensahe silang nais ipabatid. Hindi malinaw ang kanilang mukha subalit may palatandaan silang iniwan. (Hindi kona, sasabihin kung anuman 'yon, dahil tago at lihim ang simbolong sinasabuhay nila). Kilala sila sa tawag na God the Father, God the Son, God the Spirit. May kanya-kanya silang sinasabuhay at sinisimbolo. Naparito sila sa mundo dahil nalalapit na raw ang wakas. Sinabi nilang ikaw ay napili upang malaman ang aming pagparito. 
Maraming mga anghel ang nagkatawang tao sa mundong ginagalawan mo, may mga demonyo ring nagkatawang ito. Nalalapit na ang labanan ng dalawang lahi kaya magsi handa kayo sa pagkat sa panahong iyon. Mangingibabaw ang kadiliman sa unang salang subalit batid nating ang pag-ibig at liwanag ng Diyos ang mangingibabaw sa huli. Ikaw ang aming naging mata dito sa mundo nyo. Babalik kami sa tamang panahon, huwag mong pagdudahan ang iyong nakalap na balita tungkol samin dahil nagsisimula ang pag-ibig ng Diyos sa iyong paniniwala. Lilisan na kami, gumising kana at ipamuhay mo ang salita ng Diyos. Sa hindi inaasahang pangyayari nagising ako. Hindi ko mawari kung ano ang nais nilang itumbok sa akin subalit naniniwala akong may katotohanan ang aking panaginip.

-Scheduler

November 26, 2018 at 7:10 PM

SPOOKIFY 2018✔Where stories live. Discover now