A

21 2 7
                                    

Naglalakad ako sa isang pasilyo dito sa eskwelahan. Nag-iisa, walang kasama, at nalulumbay dahil sa mga ala-ala na naglalaro sa aking isipan. Lagi kong natatanong sa aking sarili.
'Bakit nagka-ganito?' May nagawa ba akong mali para parusahan ng ganito katindi?

Sa isang sulok may narinig akong nag tatawanan. Tinanaw ko ito at doon nasilayan ang iyong mukhang masaya na matagal ko nang hindi napagmasdan at kasama mo ang iyong mga barkada. Habang nakatanaw, nakita ako ni Jayson na nakatayo at naka titig sa iyo. Isa sya sa iyong mga kasama.

Tinawag nya ako't kinawayan kaya napag desisyonan kong lumapit sa inyong pwesto sa kadahilanang nais kitang masilayan ng malapitan. Pagkahinto ko'y sya ring pagpihit mo paharap sa akin. Ang aking puso'y parang may nagkakarerang mga kabayo dahil sa lakas ng kabog nito. Ganito parin ang iyong epekto, ni walang pinag-bago.

Ngumiti ka nang malawak nang makita ako.
"It's you!" Tanging sambit mo nang makita ako. Ngumiti ako pero halatang pilit. Binati ako nang mga kasama mo kaya't nagtatakang binalingan mo sila nang tingin.
"You all know her?" Tanong mo at tumango sila. Tiningnan nila ako gamit ang nakaka-awang tingin subalit binigyan ko sila nang ngiting nagpaparating na ako'y ayos lang.

"Ba't hindi muna kayo mag-usap?" Sabi ni Jayson na sinang-ayunan naman nang iba.
Ngunit ang iyong sagot ang syang nagpangilid nang aking mga luha't nagpasakit sa aking damdamin.
"Ha? Bakit naman kami mag-uusap? Wala naman kaming dapat pag-usapan, at isa pa baka magalit si Renalyn lalo na at selosa yung babaeng yun." Sabi mo habang nakangiti nang binanggit mo ang kanyang pangalan. Nasaktan man sa iyong mga sinabi ay tumango na lamang ako't ngumiti nang pilit. Lumunok ako't pilit na tinatagan ang boses.
"H-hahaha oo naman! Wala naman kaming dapat pag-usapan. Kaya bakit pa kami mag-uusap diba Marvin?" Sagot ko at binalingan ka nang tingin.
"Oo nga. Atsaka malapit narin atang dumating si Renalyn." Bakit ba lagi mong binabanggit ang kanyang pangalan na dati-rati ay ang akin lamang? Lubos na akong nasasaktan bakit hindi mo man lang maramdaman? Ah! Oo nga pala bakit mo mararamdaman kung manhid ka nga at hindi mo man lang makita ang aking halaga?

"Sige na! Mag-usap nalang kayo. Kami na ang bahala sa kanya. Mabait naman sya pagdating kay Ashley eh." Pagpupumilit nila.
"Talaga? Kilala ka rin ni Renalyn? Pero paano?" Takang tanong mo. Syempre kilala nila ako, ikaw na nga lang ang hindi eh. Gusto kong isagot yan subalit napag-isipan kong huwag nalang dahil kahit anong gawin ko hindi mo na ako ma-aalala.

"Hay! Sige na nga. Basta kayo na ang bahala sa kanya ah? Kapag ako inaway nun lagot kayo sa akin." Pag payag mo rin sa kanilang pangungulit. At dahil dun ay umalis muna ang iyong mga barkada para tayo ay makapag-usap.

"Mga baliw talaga yung mga yun" sabi mo habang umiiling at tumatawa. Nakatitig lamang ako sayo. Gustong-gusto na kitang hagkan at yakapin. Miss na miss na kita pero bakit ikaw hindi?
"Uhm so Ashley pala ang pangalan mo? Haha diko man lang alam." Banggit mo. Paano mo nga naman malalaman eh ni hindi mo nga sinusubukang alalahanin ako.
"O-oo dika kasi nagtatanong eh hehe." Tangi kong naisagot. Nakakatawa dahil sa na uutal pa ako nang sinagot ko iyon.
"Ano palang ginagawa mo noon sa hospital?" Tanong mo. 'Nandoon ako kasi hinihintay ko ang paggising mo at nagbabaka sakaling ma-aalala mo pa ako' sabi ko sa aking isipan.

"W-wala naman. Actually, n-naging mag bestfriend tayo l-last two years ago. Ako yung lagi mong sinasabihan nang problema mo sa t'wing nag-aaway kayo ni Renalyn. Ang tangi mong sandalan at hinihingian ng payo kung paano mo sya susuyuin." Ang sagot ko kahit na wala iyong katotohanan.
"Talaga? Shit! Bakit kasi di kita maalala? Kaya pala nang makita kita sa hospital nun may kung ano sa parte ng isip at puso ko na nag sasabing napaka importante mo sa akin. Yun pala ay bestfriend kita?" Sabi mo at napangiti naman ako dahil sa importante pa pala ako sayo.

Sasagot na sana ako nang may tumawag sa pangalan mo.
"Marvin!" Tawag ni Renalyn kung kaya ang matamis na ngiti ay napalitan nang mapait dahil sa nandyan na sya.
Mukhang nagulat pa sya dahil sa nakita nya tayong nag-uusap.
"Oh my God! Ikaw pala ashley!! Sige mag-usap muna kayo!" Sabi nya habang nakangiti nang matamis sa akin. Ang alam nya siguro ay na aalala mo na ako. Pero ang totoo ay hindi pa.
"W-what? Babe bakit yan ang sinasabi mo? Dapat hihilain mo na ako palayo sa kanya! Diba yun naman talaga ang ginagawa mo?" Sabi nya. Ang sakit sobrang sakit.
"Wait. A-akala ko ba nakaka ala-----" pero pinutol ko na ang sinasabi ni Renalyn.
"Hindi pa" hindi ko na naitago ang pait at sakit sa aking boses nang sinabi ko iyon.

"Ha? Anong sinasabi nyong dalawa?"Sabi mo. 'Tama na please! Diko na kaya! Dati ako lang ang tinatawag mo na ganyan pero bakit ngayon hindi na?' Tanging sabi ko sa aking isip.
"Wala. Sige na punta kana kay Renalyn may pasok pa ako eh. Salamat nalang sa oras" sabi ko kahit ang sakit sakit na.
"P-pero." Magsasalita pa sana si Renalyn pero pinigilan ko na.
"Sige na Renalyn ok lang ako." Sabi ko at tinapunan sya nang tingin na nag mamakaawa para umalis na kayo dahil sa hindi ko na kaya at doon na tumango si Renalyn at tinawag ka.

Bago kayo makalayo ay tinignan ulit ako ni Renalyn na may nakaka-awa at nasasaktang tingin pero nginitian ko na lamang sya nang mapait. Nang hindi ko na kayo makita ay doon na tumulo ang aking mga luha at tuluyan na akong humagulgol at napa upo dahil sa sobrang sakit na aking nadarama.

Bakit sa atin pa nangyari to? May nagawa ba tayong mali? Sa dinami-dami nang iba na maaaksidente sa araw na yun bakit ikaw pa? At sa mismong anniversary pa natin? Bakit mo ako nagawang kalimutan kung ang mga kaibigan mo ay hindi? Ang dami kong tanong na naglalaro sa aking isipan na alam kong hindi na masasagot kahit kailan nang dahil lamang sa aksidenteng iyon.

Ang aksidenteng hinding-hindi ko makakalimutan dahil iyon ang naging dahilan kung bakit nawala sa iyong isipan ang ating mga ala-ala at mga pinag-samahan. Na pati ako at ang ating dalawang taong relasyon na ating pinaghirapan ay nabura sa iyong isipan. Mahal kita. At yan ang hinding-hindi magbabago kahit na may mahal ka nang iba.

Split   [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang