M

10 1 3
                                    

Dalawang buwan narin simula nang makalabas ako sa hospital. Masasabi kong masaya parin ako pagkatapos nang nangyari. Sa dalawang buwan na iyon ay maraming nangyari, mga pangyayaring hindi ko inaasahang darating. Gaya nang pagkawala nang aking mga ala-ala. Ngunit kahit ganun, wala naman ata akong dapat alalahanin pa.

Habang nakikipag-usap sa aking mga kaibigan, may biglang tinawag at kinawayan si Jayson, ang isa sa mga pinaka matalik kong kaibigan. Liningon ko kung sino ito at nakita ko ang pigura nang isang babae na naglalakad patungo sa kung saan kami naka pwesto.

Nang makalapit sya'y napag tanto kong pamilyar ang kanyang itsura at naalalang sya yung babae na nasa hospital paggising ko. Hindi ko pa nakakalimutan ang kanyang reaksyon nang makitang gising na ako at hindi maka alala.

Nangingilid ang mga luha, mababakas sa mga mata ang naghahalo-halong emosyon. Saya,pag-aalinlangan,lungkot,pighati, at higit sa lahat ay takot. Hindi ko alam kung bakit ganun ang kanyang mga reaksyon. Pero isa lamang ang nangingibabaw doon, iyon ay ang pagmamahal.

Noong una ko syang makita sa hospital ay may parte sa aking isipan na nag sasabing sobrang importante nya sa akin. Pero ipinag sawalang bahala ko lamang ito. Dahil ang tanging nasa isip ko na lamang ay si Renalyn, ang babaeng naaalala ko na aking kasintahan sa mga panahong iyon. Nung binanggit ko ang pangalan ni Renalyn nakita ko kung paano dumaan ang sakit sa mga mata nung babae. Hindi ko alam kung bakit. Gusto ko itong itanong subalit tumakbo na sya agad palabas sa inuukupado kong kwarto sa hospital. Simula noon.ay hindi ko na sya nakita pa, ngayon na lang.

"It's you!" Yan na lamang ang aking sinabi at ngumiti dahil sa nakakaramdam ako ng ilang sa pagitan natin at hindi ko alam kung bakit. At ngumiti ka lamang pero bakit parang pilit lamang ang mga iyon?

Binati ka rin nang aking mga kasamahan kaya't tinignan ko sila nang nagtataka.
"You all know her?" Tanong ko at tumango lamang sila.

Sinabi ni Jayson na mag-usap tayo ngunit tumanggi ako at sinabing wala naman tayong dapat pag-usapan kahit na sa loob-loob ko ay gusto na kitang tanungin kung ano ang ginagawa mo noon sa hospital ngunit pati ikaw ay tumanggi.

Subalit sadyang mapilit ang aking mga barkada kung kaya't pumayag na lamang ako tutal sabi nila na sila na ang bahala kay Renalyn.

Tinanong kita kung bakit kilala ka rin ng girlfriend ko pero di ka sumagot. Kaya nagbukas ulit ako nang mapag-uusapan at doon mo nasabi na mag bestfriend pala tayo at ikaw ang sandigan ko't hinihingian nang payo.

Bakit kita nakalimutan? Tanging tanong na naglalaro sa aking isipan. Ngunit nahinto tayo sa pag-uusap nang may tumawag sa akin at nakita kong nakatayo si Renalyn habang gulat na gulat na nakatingin sa atin.

'Akala ko ba sina Jayson na ang bahala sa kanya? Bakit sya nandito?' Sabi ko sa aking isip. Pero mas nagulat ako nang matuwa pa sya na nakakitang nag-uusap tayo. Ganon na lang ba kayo kalapit sa isa't-isa at pinapayagang makipag-usap sayo?

Ngunit tumanggi ka at sinabing may klase ka pa kaya't naglakad na kami paalis, at palayo sa kung nasaan ka. Pero napa-igtad ako nang bigla akong sinampal ni Renalyn.

"B-bakit mo ako sinampal?" Taka at gulat kong tanong.
"Gago! Bakit mo ba 'to ginagawa sa kanya ha?! Hindi ka ba naaawa? Mas lalo mo syang sinasaktan sa ginagawa mo! Bakit hindi mo nalang sabihin sakanya ang totoo na nakaka-alala kana talaga? Kung alam ko lang sana na mas lalo syang masasaktan sa ginagawa mo hindi na sana ako pumayag sa gusto mo!" Sermon nya sa akin.
"Naririnig mo yun ha? Dahil lahat yan sa kagaguhan mo!" Dagdag nya dahil sa dinig na dinig ang iyong hagulgol sa kung nasaan kami ngayon.

'Pasensya na mahal ko, kung sinasaktan kita nang ganyan katindi. Hindi ko alam na ang mga ginagawa ko ay mas lalo palang nakakasakit sayo' mga salitang nais kong bigkasin para sa'yo pero kahit anong gawin ko, alam kong wala nang makakaalis sa pighating nadarama mo ngayon.

"H-hindi ko alam ok? Hindi ko alam!" Nasabi ko sa kanya dahil sa wala na akong ibang maisip na sabihin dahil sa sakit na nararamdaman ko habang naririnig ang bawat pag-iyak mo.

Oo nakaka-alala na ako. Isang buwan ang nakakaraan, habang nag-aayos ako nang mga gamit sa aking kwarto, may nakita akong isang diary. Alam kong akin iyon dahil sa nakalagay doon ang aking buong pagkaka kilanlan. Alam ko rin ang aking sulat kamay kung kay't hindi na ako nagdalawang isip pa na basahin iyon. At sa loob nang aking diary ay nabasa ko ang lahat. Ang lahat kung paano at kailan tayo nagka kilala. Lahat nang ating masayang alala'y nakatala nang detalyado. Pagmamahalang walang kapantay ang aking nararamdaman habang ito'y binabasa.

Lalapitan na sana kita at ipaparating ang magandang balita subalit nakita kang kasama ang iyong manliligaw na naglalakad habang tumatawa. Doon na nabuo sa aking isipan na masaya kana kahit wala ako sa tabi mo.

Napagdesisyonan kong ilihim nalang sayo ang totoo at hayaang sumaya ka sa piling ng iba. Pero ang lingid sa aking kaalaman ay mas lalo ka palang nasasaktan. Doon ko naisip na mali ang aking desisyon, Desisyong palayain ka na labis kong pinag sisisihan.

Split   [COMPLETED]Where stories live. Discover now