Chapter 3:Drion

10.4K 314 4
                                    

Chapter 3:Drion

Drion Firo Hystin's P.O.V

Naglalakad lakad kami dito sa loob ng kaharian ng White light kingdom nang biglang nagyaya sina Agua at Flora na bisitahin ang Vanesse garden kung saan namin nakilala ang aming mga kababata.

"Nako papasok pa lang ng Vanesse garden ay sobrang higpit at maganda na,hmm....siguro mas maganda sa loob no?"excited na sabi ni Flora.

Tsk mga baliw talaga tong mga to idinamay pa ako sa pagpunta rito.Agad naman kaming napa hinto nang harangin kami ng mga nagbabantay dito sa Vanesse garden.

"Hanggang dyan lang kayo!!sagrado ang lugar na ito"maawtoridad na sabi ng isa sa mga tagabantay.

"Ah...may pahintulot ho kami na pumasok rito."magalang na sabi ni Agau at inabot ang kulay Rosas na sobre na galing pa sa reyna ng kahariang ito.

Agad na kinuha ito ng taga bantay at binasa,lumingon s'ya sa kanyang mga kasamahan at tumango,agad nila kaming binigyang daan para makapasok sa loob.

"Wow!"sabay sabay nilang sambit,kahit ako ay na mangha dahil sa taglay na kagandahan ng lugar na ito.

"It's still magical"nakangiting ani ni Areo na sinang ayunan naming lahat.

"Tignan n'yo mukhang may iba pang andito maliban sa'tin."ani ni Freezene sabay turo sa dereksyon ng isang babaeng nakatingala sa langit.

"Mukhang nakita ko na s'ya eh..."sabi naman ni agua."saan nga ba?"tanong n'ya at nilingon kaming apat,agad namang napa takip ng bibig si Flora.

"Diba s'ya yung nakabangga sayo kanina?"pabulong na ani ni Flora kay agua.

"S'ya nga yung nakabangga sa'kin kanina"pasigaw na sabi ni Agua kaya mukhang narinig ata s'ya ng babaeng naka upo,kaya agad itong inayos ang sarili at mukhang natataranta na s'ya.

"S'ya nga agua!!"pangalawa ni Flora.

Mukhang natakot s'ya sa sigaw ni flora dahil sa nanlalaki nitong mga mata,agad nitong kinuha ang mga gamit at ang mga puting rosas na galing siguro sa hardin na ito,nakita namin s'yang pumalakpak ng pangalawa at biglang naglaho.

"Ayan na wala nanaman sya" dismayadong ani ni Agua.

"Si Flora kasi eh..ang laki ng bunganga" sabi ni Areo na ikina tango naman nina Agua at Freezene.

"Natakot siguro s'ya satin sayang itatanong ko sana pangalan n'ya."malungkot na ani ni agua.

"Tsk bakit n'yo ba s'ya gustong makilala?"tanong ko.

"naramdaman ko kasing magaan ang loob ko sa kanya eh..."sagot ni Agua na ikinatango naman ni Flora.

"Tsk hindi n'yo naman kilala yun,kaya papano nagging  magaan ang loob n'yo sa kanya?"tanong ko at umupo sa damuhan na s'ya ding ginawa ng mga kasamahan ko.

"Ewan ko,basta nung makita ko ang mga asul n'yang mga Mata ay basta nalang gumaan ang aking loob sa kanya,she reminds me of someone."Sabi ni agua at tumingala sa kalangitan.

"Tsk blue eyes,madami namang asul ang mga Mata hindi lang ang babaeng yun"sabi ko at tumayo na upang makapaghanda para sa kaarawan ng prinsesa Aleissa mamaya.

"Saan ka pupunta Drion?"tanong ni Areo at tumayo na din kasabay nina Freezene,Agua at Flora.

"Maghahanda na para sa kaarawan ng prinsesa mamaya"sagot ko at nag lakad na palabas ng hardin.

"Aba si Drion maghahanda raw"pang aasar na sabi ni Freezene.

"Freezene wag ka ngang ganyan kay drion"suway ni agua na ipinag pasalamat ko naman"First love eh..... Kaya naghahanda ang lover boy natin" isa patong babaeng to eh....nagpapasalamat na nga ako na sinuway n'ya si Freezene yun pala dadagdag pa.

"Gusto nyo bang masunog yang mga buhok n'yo"nagaalab kong sabi.

"Chill ka lang Drion,hindi panga tayo sure kung makikita natin ang kababata natin diba?"pag- awat ni Areo.

"Tama si areo hindi pa tayo sure kung makikita natin s'ya."pag sangayon ni Flora na ikina tango ko.

"Tara na nga sa Royal house natin" pagpapasigla ni Agua sa amin.

Hmm...someday I will see you again Leisse.

"Tara na drion,masungit ka na nga malungkot kapa,ano nalang ang mangyayari sa kinabukasan mo?" Sabay akbay sa'kin ni Freezene na sinundan naman ni Areo.

"Tsk bitawan n'yo nga ako!"sabay tanggal ko sa mga brasong naka akbay sa akin.

"Grabe ka naman samin drion"ani ni areo at nagPout,shît mukha s'yang pato.

"Tigilan mo nga yang pout mo areo baka hindi ako maka pag pigil at susunugin kita dyan sa kina tatayuan mo!"banta ko sa kanya na ikinatakot naman n'ya.

"Ay...hindi effective"sabay kamot n'ya sa batok n'ya.

"Bakit mo ba naisip gawin yun tukmol"sabay batok ni Flora kay areo.

"Eh...nakita kasi kitang nag pa-pout kapag may hinihiling o gusto kang gawin tapos nakikita ko namang umiipekto kaya ginaya kita."pag papaliwanag ni Areo,na ikinatawa naming apat.

"Baliw ka talaga areo hahaha...." tawang tawang ani ni Agua.

"Hahaha...ang pangit mo kanina bro" ani ni Freezene.

"Hahaha....pag ako ang gumawa nun laging umiipekto pero pag dating sayo Pfft.mukhang mas naiinis pa sila sayo whahaha...." tawang tawang ani ni Flora.

"Tsk tama na ngayan at mag fa-five o'clock na"ani ko at tumalikod kasabay  ng pag lakad ko paalis.

I HOPE I'LL SEE YOU THIS TIME....

~
Enjoy and keep reading....

AJA!!!

👇★

The Red Hoodie Princess (Majestic Academy)Where stories live. Discover now