Chapter 25:Gosh so close

6.5K 245 1
                                    

Chapter 25:Gosh so close

Zyrus's P.O.V

Napabalikwas ako sa aking pagkakaupo nang marinig ko ang sigaw ng Prinsesa aleissa,agad akong lumabas sa aking silid at nilingon ang kanang bahagi nito kung saan ang silid ng Prinsesa na itinuring na naming kapatid.

Napasinghap ako nang makitang walang protection ang kanyang buhok at mukha kaya agad akong tumakbo at binuhat s'ya papasok sa kanyang silid,akmang bubuksan ko na ang pinto ng.....

"Zyrus anong nangyayari?"na pako ako sa aking kinatatayuan ng marinig ang boses ni Agua,Patay.....paano na ito?

"Zy,what is happening?"tanong naman ni Flora,Vix I really need your help right now!!

"Ahmm....."anong sasabihin ko?
"n-narinig ko kasing nagsisigaw ang kapatid ko k-kaya agad akong nagtungo rito..."napa hinto ako ng maramdaman ang papalapit na aura nina Drion at Areo,pero ipinag patuloy ko pa rin ang pagsasalita,"at nakita kong nakahandusay at wala ng malay ang aking kapatid, hinimatay lang siguro dahil sa pagod"

sigurado akong magtataka sila kung bakit hindi ko sila hinaharap ngunit mag-kamukhang mag-kamukha si Elissa at Aleissa at baka mapagkamalan panila ito,mag kaiba ngalang ang kulay ng buhok at ugali nila ngunit magkahawig ang magkapatid kaya,as long,na kaya ko itago si Aleissa ay gagawin ko tungkulin ko iyon bilang Bantay at Nakakatandang kapatid nito.

"Osya ipapasok ko na ang aking kapatid sa kanyang silid upang makapagpahinga na s'ya,"ani ko at pinihit ang pihitan ng pintuan at patagilid na pumasok, maaaring nagtataka sila sa aking galaw,kahit na pagdudahan nila ako ay hindi nila mababago na gusto kong protektahan ang Prinsesa na itinuring ko ng bunsong kapatid,alam kong wala kaming karapatan ng aking kakambal na si Vix na tawaging kapatid ang Prinsesa ng White light kingdom,dahil na rin sa kasama na namin ito sa paglaki ay itinuring na namin itong kapatid,bagay na ibinigay nang pahintulot ng hari at reyna.

Nang makapasok ay malalim akong napa buntong hininga at inihiga ang aming prinsesa sa kanyang kama,ipinalibot ko ang aking paningin nang mahagilap ko ang pulang kapa at ang itim na mask nito.

Agad ko itong kinuha at isinuot iyon kay aleissa,hayyy nako hindi talaga nag-iingat ang Prinsesang to.

____

THIRD PERSON'

Habang nagpapahinga si Aleissa sa kanyang silid,maigi namang nag-iisip ang apat na mag kakaibigan sa galaw ni Zyrus kanina habang buhat ang sa pagkakaalam nilang kapatid nitong si Vanesse.

"Nakakapagtaka talaga ang galaw ni Zyrus kanina,parang may tinatago s'ya sa'tin"ani ni areo na nagpakunot sa noo nina Drion,Agua at flora.

"I think their hiding something"
Malaking pagdududang ani ni Areo.

"I don't thi--"Hindi na naituloy pa ni Agua ang kanyang sasabihin nang biglang sumang ayon si drion.

"Yes their hiding something" pagsangayon ni Drion at tumayo sa kanyang pagkakaupo.
"And I will prove it"ani nito.

Agad na umakyat si drion sa ikalawang palapag ng Mansion upang puntahan at kausapin si zyrus.

"drion anong gagawin mo?" tanong ni Flora at sinundan ang kaibigan sumunod naman si Agua at Areo.

"Papa-aminin ko sila"walang emosyong sabi ni drion at  nagpatuloy hanggang sa makarating s'ya sa pinto ng silid ni Aleissa o mas kilala nila bilang si Vanesse.

Papasukin na sana n'ya ang silid nang marinig n'yang may kumakantang babae na sa pag-kakaalam n'ya ay si Vanesse,Malumanay at maganda itong pakinggan.

Kinakanta nito ang kantang ALL MY LIFE by REGINE VELASQUEZ bukod sa maganda ang boses nito kuhang kuha rin nito ang relaxing na tono,kaya hindi n'ya magawang pumasok at gawin ang naiisip n'ya na sa tingin n'ya ay maganda.

"Drion?"rinig n'yang tawag ni Agua,alam n'yang si agua ito dahil sa malumanay at mapag-intindi nitong Boses.

"Bakit ganon?narinig ko lang s'yang kumanta,agad na umurong ang aking dila at tila sinasabi ng aking utak na wag ko nang ituloy ang aking balak"na guguluhang sabi ni drion kay agua at mariin na napa pikit.

"Drion you don't wanna hurt her,that's it"ani ni agua at binigyan s'ya ng matamis na ngiti.

Hindi na iyon binigyang pansin ni drion at agad na itong bumalik sa kanyang silid at pasalampak na humiga sa kama,napa awang ang kanyang labi nang makita ang may takip na mukha ni Vanesse sa kanyang isipan.

Maigi s'yang nag-isip,gusto na n'yang makita ang kabuuan ng mukha ni Vanesse,kalahati ng kanyang pagkatao ay gustong gusto na makita ang mukha ng dalaga ngunit ang kalahati naman nito ay pangamba.

Hindi matukoy ni drion ang kanyang nararamdaman ni minsan ay hindi pa s'ya dinadalaw ng larawan ng mga babae maliban sa kanyang Ina at sa espesyal nitong kaibigan.

Habang nagmumunimuni si drion sa kanyang silid si Vanesse naman ay busy sa pagkanta nang magising s'ya mula sa kanyang misarableng tulog.

Masakit pa rin ang kanyang ulo ngunit kailangan n'ya itong tiisin naroon ang kanyang saryo Zyrus na inutusan s'yang libangin ang kanyang sarili bago ito lumabas sa kanyang silid ay pinagbilinang s'yang huwag na huwag tatanggalin ang proteksyon sa kanyang mukha.

Naikwento rin ni Zyrus sa kanya ang nangyari ilang oras lang ang nakalipas simula nung mawalan s'ya ng malay.

Biglang dumalaw sa kanyang isipan ang mala impyerno n'yang panaginip.

Nakita nitong sinasaktan ang kanyang minamahal na kapatid,sigaw at hagulgol lamang ang kanyang nagawa nang makita n'ya ito sa kanyang panaginip.

Sa kanyang paggising ay ramdam na ramdam n'ya ang kirot at pangungulila sa kanyang minamahal na kapatid.

Kita n'ya ang pagpapahirap sa kanyang kapatid......

At wala s'yang nagawa....

Gusto n'ya itong tulungan ngunit hindi n'ya nagawang iligtas ito.......

"Minamahal kong kapatid magkikita rin tayo balang araw,maghintay ka lang"ani ni Aleissa habang naka tingin sa madilim na kalangitan.


~
Bitin much?

Enjoy and keep reading.....

AJA!!!

👇★

The Red Hoodie Princess (Majestic Academy)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora