Pangalawa

674 31 7
                                    

ENR

Pagkamulat ng aking mga mata, medyo malabo ang aking paningin. Napansin ko na parang nasa ibang lugar ako dahil sa kayumangging kisame na parang gawa sa kahoy ang nakikita ko at may isang lalaki na nagbabantay. Kinusot ko ang aking  mata baka sakaling luminaw ang paningin ko. Ang huling naalala ko lang ay nagmamasid lang ako sa dagat at nagmumuni-muni lamang ako at nang mag nagtapik sa akin ay nanilim na lang paligid ko at hindi ko alam kung ano na ang sumunod. Bigla ko na lamang napansin  na nakahiga ako sa kama ng iba. Nang magising na ako nang maayos, nakita ko ang lalaking chinitong moreno na matangkad na nakatingin at nakangiti sa akin.

"Gising ka na pala," pambungad na pagbati ng estrangherong lalaki sa akin.

Nagdadalawang-isip kung sasagot ba ako dahil hindi ko alam kung mapagkakatiwalaan ba siya o hindi. Mahirap nang magtiwala sa ngayon at baka isa pala siyang kriminal.

"Hinimatay ka kasi no'ng tinapik kita sa balikat," sabi niya. "By the way, I'm Igo," pakilala nito at biglang ngumiti.

"Enr," matipid kong tugon na medyo walang ideya kung paano nangyari na hinimatay na lang ako bigla.

"What a nice name for an innocent baby faced meztiso guy," puri niya sa akin at sabay ngumisi siya.

Medyo nailang ako sa sinabi niya. Umurong ako ng kaunti sa sobrang kaba dahil baka mamaya ay may gawin siya sa akin.

"Easy ka lang, wala naman akong ginawa sa 'yo," sabi niya at sabay humalakhak. "Anyway, okay ka na ba? Hatid na kita sa inyo," may pagaalalang tanong nito.

Tumango na lang ako dahil hindi pa ako ganoon ka-pamilyar sa lugar na ito. Inalok niya ang kanyang kamay para  para makatayo.  "Siguraduhin mo lang na wala kang ginawa."

Ngumiti lang siya. "Gusto mo bang i-hatid kita sa inyo?" Alok niya habang inaalalayan pa rin makatayo.

"No thanks," malamig na tugon ko sa kanya.

Tinitigan niya ako nang parang wala siyang tiwala sa 'kin. "Alam ko na bago ka pa lang dito sa amin, ihahatid na kita sa inyo at ituro mo na lang kung saan ka nakatira," pagpupumilit niya.

Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya. "O sige na, ihatid mo na ako," mala-awtoritadong sagot ko sa kanya.

Wala naman na akong magagawa dahil bago pa lang naman ako sa lugar na 'to. Kaya napagisipan ko na lang na ihatid na lang niya ako at baka maligaw pa 'ko sa daan.

Inalok niya ang kanyang kamay at sabay hinawakan ko iyon para makatayo ako sa kama. Nang makatayo ako, agad kong binitawan ang kanyang kamay.

Tinignan ko ang orasan na malapit sa computer table at bigla na lang akong nanginig sa kaba dahil alas-sais y media na pala ng hapon. Agad akong nagmadaling tumakbo papalabas at mukhang hinahanap na yata ako ng mga tao sa bahay. 

Nang makaalis ako sa bahay nila, napansin ko na may sumusunod sa likod ko. Napatigil ako saglit at lumingon sa likod ko. Si Igo pala. Iyon.

"Bakit mo 'ko sinusundan?" Inis na turan ko sa kanya.

Napa-ismid siya na may halong mahinang tawa. "Sabi mo diba, susunduin kita sa inyo?"

Napakunot ang ulo ko. "Sinabi ko ba' yon kanina?" pasarkastikong tanong ko sa kanya.

Tumango siya bilang tugon. Wala na akong magagawa kundi isama na lang siya papunta sa amin. Nang makarating ako sa bago naming bahay, sinalubong ako ni Mommy at bigla na lang akong niyakap nito.

"Enrico Rojo, akala ko nawala ka na," nagaalalang sabi nito habang niyayakap ako nang mahigpit. "Saan ka ba galing anak?" tanong nito na may halong kaba sa sobrang pag-aalala.

Dito Ka Lang (BxB)Where stories live. Discover now