Panlabing-walo

260 13 1
                                    

ENR

Naalala ko ang usapan naming ni Kuya tungkol sa pagkalito ko kina Kah at Igo na kailangan ko nang pumili sa kanilang dalawa. Hindi ko talaga mawari sa isip ko na darating ang araw na kailangan ko talagang mamili sa isang tao kung ano ba talaga ang sulit para sa puso ko. Hindi pa rin ako makatulog for the past few days dahil sa kanilang dalawa, dahil hindi pareho na silang naging importante sa buhay ko. Alam kong mahirap, pero kailangan ko na talagang mamili kung sino ba talaga ang karapat-dapat para sa 'kin.

Kah is my first boyfriend and everything - maliban lang sa first kiss at love making. Everytime na magkakalambingan lang kami noon, hanggang hugs lang dahil naniniwala kasi ako na ang first kiss ay binibigay lang sa taong handa mo nang pakasalan habambuhay. Masyado pa 'kong bata para ibigay ang first kiss ko sa kanya kaya wala rin siyang nakuha sa 'kin hanggang sa nag-break kami. Naalala ko no'ng acquaintance party namin, he tried na akitin ako sa CR na may gawin kaming kababalaghan dalawa, pero no'ng isang pulgada na lang ang pagitan ng kanyang labi sa aking mga labi, tinulak ko siya papalayo at umalis na lamang.

Laging nagtetext o tumatawag si Kah sa akin, pero hindi ko na 'to nagagawang sagutin simula no'ng nagtalo kaming dalawa dahil kay Igo. Nawalan na rin kasi ako ng mood sa kanya noong mga nakaraang araw simula rin no'ng umamin si Igo ng kanyang nararamdaman. Kapag nasasagot ko ang mga tawag niya nang hindi sinasadya, lagi ko na lang na pinapalusot na may hinihintay akong tawag sa kaklase para sa project namin. Minsan, nagrereply na lang ako sa kanya na huwag na niya rin muna 'kong kausapin kung lagi na lang niyang pagseselosan si Igo. Sa tuwing mag-uusap kasi kami at magse-share ako tungkol kay Igo, laging pinagseselosan na lang niya ito, at gustong-gusto niya na layuan ko na siya dahil hindi daw maganda ang nararamdaman niya tungkol sa kanya.

On the other hand, si Igo na naging close friend and eventually bestfriend noong lumipat ako rito sa bago naming tinitirahan. Mabait, maalalahanin at higit sa lahat, siya ang taong kayang magpalabas ng kakayahan mo na akala mo'y hindi mo kayang gawin - natanggal niya ang hiya ko sa pagsali sa isang org, ang maging parte ng isang singing group na kahit kalian ay hindi ko nagawa noon na nagawa ko nang dahil sa kanya. Siya naman ang kumuha ng unang halik ko noong umamin siya ng kanyang nararamdaman para sa 'kin sa dalampasigan kung saan ko siya unang nakilala.

Sa halik niyang iyon, doon ako mas nalito sa nararamdaman ko kung siya ba o si Kah ba talaga ang talagang mahal ko. Noon pa man, may nararadaman na talaga akong kakaiba kay Igo sa tuwing magkasama kaming dalawa. Sa tuwing kasama ko siya, ang saya-saya ko at walang dead air moments akong nararanasan sa kanya. Naalala ko noon pag sa tuwing nagkakatitigan kaming dalawa, parang tumitigil ang mundo ko at parang ayaw kong matigil ang sitwasyon naming iyon. Minsan, napagkakamalan pa kaming magkasintahan kapag inaakbayan niya ko habang naglalakad mapa-plaza man'yan o kaya sa school na halos pagtinginan kami na parang kami na.

Habang gumagawa ako ng report ko sa Mini Forest, napatigil ako saglit nang marinig ko ang boses ni Igo na may kaharutang iba. Iginala ko ang aking mga mata para hanapin kung nasaan siya, hanggang sa nakita ko na kasama niya ang isa sa mga ka-orgmate naming si Alden - ang bakla na magaling bumirit na taga-College of Social Science - na nakapwesto dalawang mesa lang ang pagitan mula sa akin. Patay na patay siya kay Igo noon pa man, halos i-lingkis niya ang kanyang sarili sa katawan ni Igo dahil panay yakap siya rito habang magkausap silang dalawa. Hindi ko alam at bigla na lang uminit ang ulo ko sa sobrang inis. Iniligpit ko agad ang mga gamit ko sa bag at agad akong umalis dahil hindi ko kayang makita silang dalawa roon sa ganoong sitwasyon.

Siguro, tama nga si Kuya at baka nahuhulog na talaga ako kay Igo at lagi ko lang itong itinatanggi sa sarili ko. Ewan ko ba, parang kasi ang init talaga ng ulo ko sa tuwing nakikita ko siya na laging kasama niya si Alden kahit saan. Simula kasi noong hindi na kami nagpansinan, siya na lang lagi ang kasama niya mula break naming hanggang sa mag-practice kami sa sessionistas. At kapag nagkakasalubong kami sa school o kaya sa sakayan ng trycicle, hanggang titigan na lang ang nangyayari sa amin ni Igo hanggang sa magkalayo ang landas naming dalawa.

Habang naglalakad ako sa quadrangle, nag-ring ang cellphone ko mula sa 'king bulsa at agad ko 'tong sinagot. Hindi ko namalayan na si Kah pala ang tumatawag. Napansin ko ang kanyang boses na parang umiiyak at nagmamakaawa na kausapin ko siya kahit ngayon lang. Wala na 'kong nagawa kundi pumayag na rin ako dahil hindi ko rin kaya na umiiyak siya

"Enr, huwag mo naman ibaba o? Gusto ko lang mag-sorry sa 'yo tungkol sa nangyari last time," pagmamaawa niya habang naiiyak siya.

"Sige," maikling tugon ko. "'Yun lang ba ang gusto mo?" tanong ko sa kanya habang patuloy na naglalakad.

"Gusto ko sana malaman kung babalikan mo na rin ba 'ko?" tanong niya. "I want your answer now, dahil I want you to go back to me so bad," pagmamakaawa niya.

Napatigil ako sa paglalakad at napaisip ako bigla sa tanong niyang iyon. Siguro, ito na rin ang tamang panahon para makapag-desisyon na 'ko kung ano ba talaga ang gusto kong mangyari. "Wait lang, huwag mong ibaba at maghahanap lang ako nang mauupuan saglit," sabi ko sa kanya.

Naghanap ako ng pwesto dahil medyo nabibigatan ako sa dala kong bag na may laptop at maraming libro, at kailangan ko ring umupo para makapag-usap kami nang masinsinan. Buti na lang, nakahanap ako ng upuan sa canteen at madali na lang sa 'kin na makipag-usap kay Kah sa phone.

"Sorry, medyo natagalan ako sa paghahanap ng upuan. Ayun, pwede bang pag-isipan ko muna? Masyado mo naman akong minamadali 'eh."

Nainis si Kah bigla sa sinabi kong 'yon. "Hindi ko na kayang mag-hintay pa, Enr. Please, I want your answer now!" pa-awtoritadong pagsusumamo niya habang patuloy pa rin ang paghahagulgol niya.

Napa-buntong hininga ako roon napatahimik para makapag-isip kung ano ba talaga ang dapat kong sabihin sa kanya. Hindi ko naman akalain na ganoon na pala siyang ka-desperadong makuha ang "oo" ko para balikan siya. Patuloy niya pa rin akong pinipilit sa sagot ko, dahil hindi niya raw ibaba ang linya hanggang sa mabigay ko na ang sagot na hinihintay niya.

Heto na yata ang sinasabi ni Kuya Kaz, kailangan ko nang ibigay ang desisyon ko hangga't maaga pa. Basta, kailangan maging bukal sa pagpili para hindi ko pagsisihan sa bandang huli.

Napapikit ako saglit, at humiling sa itaas kung ano ba ang dapat kong sagutin sa kanya. Napa-dilat ang mga mata ko at hindi ko inasahan ang sagot ko sa kanya.

"Itigil na natin 'to. Ayoko nang mahirapan tayong dalawa kung itutuloy pa natin uli ang relasyon nating dalawa. Tama nang minsan na iniwan mo 'ko dahil naduwag ka na hindi mo kayang mahalin ako kahit malayo ako sa 'yo, at nagawa mo na rin akong ipagpalit noong iniwan mo 'ko. Tama na ang dalawang taon para sa 'ting dalawa, Kahel Patrick Morales. Naging masaya rin naman ako sa piling mo sa ganoong katagal na panahon. We're officially over, and hanggang magkaibigan na lang ang kaya kong sigurong ibigay sa 'yo. I just want to say that we're officially over, and you deserve someone better than me. Good bye."

Habang may sinasabi pa siya, agad kong ibinaba ang linya pagkatapos kong sabihin ang naging desisyon ko. Ayaw ko nang marinig pa kung ano pa ang gusto niyang sabhin. Napansin ko na nakahinga ako nang maluwag noong nasabi ko ang mga bagay na dapat kong sabihin kay Kah. Ramdam ko na tanggap ko na, tanggap ko na dahil gumuhit ang ngiti sa aking labi. Alam ko, makakahanap pa siya na mas hihigit pa sa 'kin at mas magiging masaya siya doon kaysa sa 'kin.

Sa tingin ko, kailangan ko na talagang habulin ang taong nagpatibok muli ng puso ko na siyang tunay na magpapaligaya sa 'kin - si Indigo Anthony Sandoval. Handa na 'kong mahalin siya pabalik, at gagawin ko ang lahat para pansinin niya ko uli.

Dito Ka Lang (BxB)Where stories live. Discover now