7. Sorry is hard to do

8K 185 4
                                    

Nagpupuyos ako sa inis nang makarating sa parking lot. Nakita ko siyang nakasandal sa itim na E-class Mercedes benz.

“get inside the car” madilim ang mukhang utos niya sa akin.

“why?” tanong ko. Tiningnan niya lang ako ng masama at parang sinasabi niyang huwag na akong matanong.

Hindi ko alam kung bakit, ngunit namalayan ko na lamang na sinusunod ko na ang utos niya. Pumasok na rin siya sa kotse at walang imik na nag-drive. Kita ko ang higpit ng hawak niya sa manibela kaya alam kong galit talaga siya. Pero wala akong pakialam sinira din niya ang sana ay moment ko kasama ang bestfriends ko.

 “Alam mo panira ka nang araw. Alam mo bang mga bestfriend ko yung kausap ko kanina. Yung isa dun kababalik lang galing Canada dapat nagbobonding kami ngayon tapos darating ka lang para utusan akong sumama sayo. Saan mo ba kasi ako dadalhin?” Reklamo ko sa kanya. Isa pa, kailangan ko rin magsalita.  Hindi ko na kasi kaya ang katahimikan  na namamagitan sa amin. Atsaka iniisip ko baka kung saan niya ako dalhin at ano ang gagawin niya sa akin.

“why Aludy?” hirap at may halong galit niyang wika.

“anong why?” nalilito kong tanong.

He gritted his teeth. “why do you have to lie and make up stories.”   He look at me. Galit pa rin siya.

Ito yung ayaw ko eh ang pag-usapan ang kasinungalingan ko kasi ako mismo sa sarili ko di ko ma-explain kung bakit ko nagawa yun. I bit my lips. “eehh.. kasi.. kayo kasi” tanging sagot ko.

I heard him sigh. “Akala ko iba ka. Pero pareho ka rin nila.” Nakita ko ang lungkot sa kanyang mukha pero saglit lang dahil agad din naman napalitan ng galit.

Napatingin ako sa kanya hindi ko kasi maintindihan ang sinasabi niya.   Tutok pa rin ang mata niya sa daan. “paki elaborate naman, hindi ko magets eh” tanong ko kasi hindi ko nga siya maintindihan. Pero hindi siya sumagot. Nagdaan na ang ilang minuto wala pa rin siyang isinagot. Maya-maya pa ay huminto kami sa isang hospital. Napakunot ang noo ko, tiningnan ko siya. “ano ang ginagawa natin dito?” tanong ko.

“Nasa loob si Rachel.” Sagot niya na hindi man lang ako tinitingnan.

“may sakit siya?” tanong ko out of curiosity. Tsk atsaka ano naman kung andiyan siya sa loob? pakialam ko naman di ba? 

“kaya nga nasa hospital kasi may sakit diba” pilosopo niyang sagot.

Tumaas naman ang kilay ko. “kung dadalawin mo lang siya sana hindi mo na ako sinama. Mas lalo lang siyang di gagaling pag nakita ako.” Nakasimangot kong sabi.

Marahas siyang bumaling sa akin. “oh yes baka nga mas since it’s your fault why she is inside” halata ang tinitimpi niyang inis.

I frowned,. Ako na naman? Pagdating talaga sa damuhong ito lagi nalang AKO, AKO ang may kasalanan. “At paano ko naman naging kasalanan ang pagkaka-hospital niya aber?” mataray kong tanong.

FREUNDE SERIES 2: Lost In Your Eyes (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon