The First Date

61 1 0
                                    

Saturday...

   Pinaghandaan ko talaga ng husto ang araw na ito. Nagpaparlor pa ako kahapon at bumili ng bagong dress.

   "Saan ang lakad mo?", tanong ni mama na tumabi sakin sa balkonahe."Saan ang fashion show? Ang taas pa ng heels mo".

   "Ma!", tinawag siya ni kuya," Si papa tumatawag".

   Tumayo si mama pero nakatingin parin sakin. Naghihintay ng isasagot ko.

   "May group activity lang si Hane. Wag mo na siyang alalahanin", tapos hinila na niya si mama papasok.

   Aba't himala pinagtakpan niya ko ngayon! Dati kase lagi ako niyan sinusumbong kapag may ginawang kalokohan.

   Maya-maya may humintong gray na sasakyan sa tapat ng bahay at bumusina. Masigla akong bumaba. Andyan na ang sundo ko.

   Admirations are on the eyes of Mike and Myco as they saw me. Uminit ang pisngi ko.

   "Good morning", bati ni Mike sakin.

   "Good morning", sagot ko sa irog ko.

   Pucha! Sa bawat araw na lumilipas lalo siyang gumagwapo.

   "Seat here", singit ni Myco na tinuro ang front seat sa tabi niya. Siya kase ang nagda drive. Nasa backseat si Mike kasama ang isang babae.

   Pamilyar sakin ang babaeng ito. Siya ang nanalong Ms. San Joaquin sa school kamakailan lang. Britney Cortex, with that lovely face, sexy body and poise everytime she walk and talk no wonder she is the most popular girl in school.

    Bagay na bagay sila ni Mike.

   Napasimangot ako dahil sa iniisip at padabog na naupo sa front seat.

   "Hey Mike where's your car? Bakit nakikisabay ka sakin ngayon", tanong ni Myco.

   Tumigil saglit si Mike sa pakikipaglandian kay Britney.

   "Nabangga ko nung isang gabi sa poste. Ayon nire-repair pa"

   "Stupid bastard. I bet you were drunk"

   Mike laughed and continued flirting with his girl.
   Di ko mapigilang pagmasdan ang dalawa sa likod ko. Kanina ko pa gustong dambahin ang babae at iitsa sa labas ng kotse.

   "Hane", tinawag ako ni Myco."Kanina ka pa nakatingin kila Mike. Naiinggit ka no? Don't worry later magpapakiss din ako pero sa cheeks lang. Conservative kase ako."

   Pinagtawanan tuloy ako ng lahat.

   Papasok na kami ng Star City pero di parin bumibitaw si Britney sa irog ko. Para paring lintang nakadikit. Mamaya papaliguan ko ng alcohol ang bebe ko. Nadikitan ng germs. Kakatingin ko sa dalawa di ko na namalayang huminto sa paglalakad ang naunang si Myco. Bumangga ako sa likod niya. Kunot-noo siyang lumingon sakin tapos walang salitang naglakad ulit.

   Napabulong tuloy ako ng "Gwapo ka sana talaga kaya lang lagi kang nakasimangot"

   Nagulat ako ng huminto siya tapos naglakad ulit pabalik sakin. Hala, narinig ba niya yung sinabi ko?

   Then without saying a word he come to me and gently grab my hand.

   I just rolled my eyes. Namimihasa na ito sa kakahawak at kakahila sakin.

   "Gusto ko dito", tapos tinuro ni Myco yung isang booth.

   "No way", napaatras ako pero dahil hawak niya ako hinila lang niya ulit ako pabalik.

   "Bakit natatakot ka?"

   Ang booth na tinutukoy niya ay ang "Gabi ng Lagim". Tiyak na samut-saring maligno lang ang makikita ko diyan. Ang yeah, I'm freaking scared.

   "Sabi ng friends ko na nagpunta dito dati panget daw diyan", luminga-linga ako."Sakay na lang tayo ng rides"

   Tumawa si Britney," Baby gusto ko try yung Gabi ng Lagim para may trill"

   Kahit ayaw ko tuloy hinila na ko nila Myco at Mike.

   Papasok pa lang may nanggulat na sa amin kaya napahigpit hawak ko kay Myco.

   Napalingon ako ng tumili si Britney.

   Ang haliparot todo yakap sa bebe ko. Halata namang nag iinarte lang. Mamaya ko na siya hahambalusin ng nakita kong kabaong.

   Habang papadilim ang paligid pilit kong hinihila braso ko na hawak ni Myco. Pero dahil malaki at mas malakas siya sakin unti unti niya lang akong natatangay.

   "Wag ka ng magpumilit. Baka mapilay pa braso mo"

   "Eh kase", nagpout na lang ako at yumakap sa likod niya. Pinikit ko rin ang mga mata ko.

   Dahan-dahan siyang naglakad habang hawak ang kamay kong nakapulupot sa kanya. Isa-isa niyang binabanggit kung ano-ano yung mga lamang lupa na nadadaanan namin. Di ko mawari kung nang-aasar ba siya. All I know is that his not helping me.

   Nakahinga ako ng maluwag ng malagpasan na ang booth na yun. At last!

   Pinagpawisan ako doon ah. Ang init kase sa loob. Pinunasan ko ang pawis gamit ang likod ng kamay.

   Inipit ni Myco ang takas kong buhok sa likod ng tenga. Kaya napatingin ako ng masama sa kanya.

   Namutla siya at napayuko.

   "Sorry"

   Na-awkward naman ako at narealize na masyado kami malapit sa isa't-isa kaya umatras ako ng isang beses.

   Luminga-linga ako pero bakit ganon  hindi parin lumalabas sila Mike. Lalapitan ko na sana ang booth ng hilahin ako ni Myco sa ibang direction.

    Oh no! This can't be happening. Kaming dalawa lang ng nerd na to! Hindi ito yung pinagplanuhan kong mangyare.

   "Di mo man lang ba hahanapin ang pinsan mo?"

   "Bakit? Mas gusto mo ba silang nakikita?", dinungaw niya ko habang nagsasalita.

   Oo kahit masakit. Sagot ng puso ko na di ko maisatinig.

My Own Ideal Man SERIES 1 [COMPLETED]Where stories live. Discover now