Chapter 26: Double Trouble

13.5K 163 50
                                    

 

July 17, 2010

 

Naomi’s POV

“Anong movie ba yung papanoorin natin?” Tanong ko kay Luis as we got on the escalator going up to the third floor of SM Megamall that Saturday afternoon.

Sumandig siya sa railing at napatingin sa akin.

“Ano bang gusto mong panoorin?” He asked nonchalantly.

I couldn’t help but cross my arms.

“Ewan ko. Hindi ko naman alam yung mga movies na showing ngayong buwan eh. Tsaka hindi ba’t ikaw yung nag-ayang manood ng sine in the first place? Ba’t ako yung tinatanong mo?” Paalala ko, sabay taas ng kilay.

He actually snorted.

“Edi tingnan na lang natin yung mga nakalista na ipapalabas ngayon. Problema ba talaga yun?” Grin niya. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming umalis sa escalator nang makarating na kami.

Agad kaming dumiretso sa Cinema na nasa tabi lang at tiningnan ang listahan ng mga movies na ipapalabas.

“Ikaw na ang bahalang pumili ng papanoorin natin.” Sabi niya sa akin. “Basta’t wag lang yung chick-flick ah.” Dagdag pa niya.

I scanned through the list, pondering on which one to choose. Still showing pa rin yung Eclipse, pati na rin yung Last Airbender. Mukhang patok rin yung Despicable Me, which already had a line on Cinema 6, na binubuo naman ng mga bata at ng mga magulang nila.

“What about this one?” Sabi ko, gesturing towards the list.

Tiningnan ni Luis ang listahan at nag-grin ulit.

“Sorcerer’s Apprentice? Sige ba.” Agad na sagot niya. He got out his wallet and handed me a crisp, one thousand peso bill. “Ikaw na yung bumili ng tickets ah. Ako na yung bahala sa pagkain natin. Kita na lang tayo sa Cinema 5.” Sabi niya.

Tumango ako at pumila sa ticket counter. Dumiretso naman siya sa snacks section. After about ten minutes, pumunta na ako sa Cinema 5 at hinintay siya dun. The third showing will start in twenty minutes. Mukhang saktong-sakto lang yung pagdating namin dito.

Pagkalipas ng ilang minuto ng paghihintay ay may biglang tumapik sa balikat ko. I turned around to see if it was Luis, pero nagulat na lang ako nang makita ko si Sabrina, who was holding hands with none other than Adrian, their hands intertwined together.

“I knew it. Ikaw nga talaga ang nakita ko kanina Naomi.” Ngiti niya. “Are you and Luis also on a date?” She asked conversationally.

Pilit akong ngumiti at nagkunwaring hindi apektado na makita silang magkasama.

“Yeah. Manonood kami ng Sorcerer’s Apprentice. Yun din ba yung papanoorin niyo?” Tanong ko.

Tumango siya at pinakita yung tickets nila sa akin. Saktong-sakto, dumating naman si Luis, na may dala-dalang popcorn, hotdogs at drinks.

“Oh, Rian, Sabrina. What a coincidence to see you guys here.” Bati niya.

Adrian nodded in acknowledgement. Napangiti naman si Sabrina.

“Oo nga eh. Hindi ko talaga ineexpect na magkikita-kita tayo dito.” Tawa niya. “Teka, why don’t we guys just join together? Mas masaya kung ganun na lang diba? Magdouble date na lang tayo!” Ang agarang pagyaya niya.

Napangiti na rin si Luis.

“Sige ba, fine by me.” Sabi niya. Napatingin siya sa akin. “Okay lang naman sa’yo yun diba Naomi?” Tanong niya.

My Sweet RevengeWhere stories live. Discover now