13

300 13 0
                                    

Se Ju's POV

Sobrang sakit ng ulo ko pagkagising.

I looked at the time and it was already 1:00 in the afternoon. Grabe pati mukha at katawan ko ang sakit. Teka, paano ako nakauwi ng bahay?

Pilit kong inalala ang mga nangyari kagabi sa club ni Sehun. Nad from what I can remember, kainuman namin ni Sehun si Cassey, isa sa mga ex ko. Nang magpaalam si Sehun saglit at nang kami nalang naiwan ni Cassey, siya namang sulpot ni Drew.

"Balita ko ka-live in mo ang anak ng may-ari ng MERC ah. Bilib na talaga ko sayo Se Ju, ibang klase ka rin." maangas na wika nito bago umupo sa table namin.

Ano pinagsasabi netong g*gong 'to?

"Sej? May ka-live in ka na ulit?" tanong ni Cassey, but I ignored her.

"Mautak ka rin noh? Binahay mo na para walang kawala. Ikakasal na yun diba? Si Ziadra Miller? Maganda ba sa personal? Nakikita ko lang siya sa internet eh, mukhang masarap pare! Arbor na lang kapag nagsawa ka na ah." pag-iinsulto ni Drew sabay tapik sa braso ko.

Nagdilim na ang aking paningin. Hinampas ko sa ulo niya yung hawak kong bote at pinagsusuntok ito. May mga kasama pala si Drew at sila ang humawak sa akin para malaya akong mabugbog ng mga ito. After that, wala na akong maalala.

"Gising ka na pala. Humigop ka muna ng sabaw at inumin 'tong pain reliever." napalingon ako kay Zia na may dalang tray.

Linapag niya ito sa center table ng living room at umupo sa bakanteng sofa sa tapat ko.

Kinain ko yung binigay niya, hoping na wala itong lason. Naalala ko ang sinabi ni Drew na si Zia ay nakatkdang ikasal.

"Ano bang nangyari sayo kagabi?" tanong nito.

I didn't answer and just kept on ignoring her.

"Ano, wala ka manlang ba sasabihin o paliwanag?" dagdag pa nito.

Huminto akong kumain at binagsak ang kutsara.

"Can you please shut up?! Lalo sumasakit ulo ko sa kaka-ngawngaw mo eh! You're not even my girlfriend! So stop acting like one!" iritableng tinaasan ko siya ng boses.

Natigil ito at tinitigan ako. I stood up and quickly went upstairs to my room, leaving her staring blankly.

Pagkapasok sa kwarto, humiga ako sa kama at muling binalikan ang mga pagsisiwalat ni Drew sa akin.

"Ikakasal na pala siya, eh ano pang ginagawa nito dito?" tanong ko sa sarili habang nakahiga.

___________________________
Zia's POV

Hindi ko mapigilan maluha pagtapos ako sigawan ni Se Ju.

"Impaktong yun! Pagkatapos ko siya alagaan at bantayan, ganyan iaasal niya?!!" sambit ko habang pinupunasan ang mga luhang pumapatak saking pisngi.

Pilit kong pinigilan ang sarili na umiyak. I composed myself and stood up. Kinuha ko ang pinagkainan niya at linigpit saka nagkulong sa aking kwarto.

Nagcheck nalang ako ng emails ko para mawala ang aking isip sa demonyong yun. Most of them were from my assistant in New York, sending me the sales report.

Pero may isang nag-email sakin na kinatatakutan kong matanggap. It was from my dad.

Though I was having second thoughts, inopen ko parin yung email ni dad.
..........
To: zkmiller@merc.com
From: heraldsimonmiller@merc.com
Subject: Zia, please come home
Message:
Zia,
Please come home sweetie. I know it's hard for you to understand our decision but this is for your own good. Your mom and I are so worried. Please dear, at least let us know your whereabouts. All we know is that you're in Korea right now. We can postpone the wedding until you and Kent are ready. Both of you can take your time to get to know each other. I hope you read this dear. And we hope to talk to you as soon as possible.

From,
Your loving Dad
..........

Naiyak ako habang binabasa ang email ni dad sakin. Sobrang namimiss ko na sila. Kahit wala pang one month, biglang nakaramdam ako ng pagka-homesick.

Haaay... namimiss ko na ang buhay sa New York. Bigla tuloy akong napaisip kung tama ba ang desisyon kong lumayas. Hindi kaya, nagpadalos-dalos ako sa ginawa ko?

Nagtype ako ng irereply kay dad.
..........
To: heraldsimonmiller@merc.com
From:zkmiller@merc.com
Subject: I miss you dad and mom
Message:
Hi Dad,
I'm sory for leaving you guys but you just won't listen to me. Even if you postpone the wedding, I still don't want to get married to that Kent. I wish you'll respect my decision dad. Also, don't worry to much about me. I'm a big girl now. Haha! I miss you dad and mom. Take care always!
Love,
Zia
..........

Lalo akong umiyak pagkasend ng email kay dad. Kung bakit naman kasi umabot sa ganito ang lahat. Idagdag pa ang sitwasyon ko ngayon sa bahay na ito.

Haaaay...

Sumunod na araw, hindi pa rin lumalabas si Se Ju sa kwarto niya. Medyo nag-aalala na rin ako dahil di ko alam kung kumain na ba yung impakto. Pero kahit gusto ko sana siya silipin, hindi ko ginawa. Aba, baka mag-assume pa yun ng kung ano.

Gabi na nung may narinig akong komosyon sa kusina. Siguro nagutom siya kaya bumaba? Lumabas ako at linapitan si Se Ju. Nang akmang magsasalita pa lang sana ako, para itong walang nakita. Dinaanan lang niya ako sabay diretsong lumabas sa main door.

Ano ba problema nun?

Wala naman ako matandaan na ginawang masama sa kanya ah. Siya pa nga itong nambulyaw kahapon eh!

Ang hirap naman niyang pakisamahan, juskooo!

Don't Fall Inlove With A Bad Guy #Wattys2019Où les histoires vivent. Découvrez maintenant