35

261 9 0
                                    

••Se Ju's POV••

I have decided already.

Alam kong unfair to kay Zia, pero wala na kong nakikitang ibang option for us.

Kung itatakas ko siya, paano naman ang kumpanya nila? At malamang ibabaling ni papa ang galit nito sa pamilya ni Zia.

As much as I wanted to run away with the one I love, it would be impossible. She'll be heartbroken if something happens to her parents and their company. Mas mahalaga ang pamilya niya. And I can't selfishly take that away from her.

That's why I have to do this.

Di bale ng magmukha akong masama sa paningin ni Zia. Tatanggapin ko nalang lahat ng galit niya.

I will once again, be the 'bad guy'.

And now andito ako sa airport, hinihintay ang pagdating ng babaeng nakatakdang ipakasal sakin, si Tiffany Delevingne.

Anak ito ng isang politician at isa siyang sikat na actress. Balita ang pagiging maldita nito at maarte. I've also seen her photos sa social media and well, mas maganda parin ang princess Zia ko.

Napangiti ako nang maalala ang maamong mukha ni Zia.

"You seemed happy to see me, my soon to be husband."

Nagulat ako at napatingin sa nagsalita.

And viola!

The she-devil has arrived.

"That smile wasn't meant for you." pambabara ko sa kanya.

"Whatever. Anyways, go get my luggages. They're kinda heavy. And please, take extra care of my Gucci bag? Mas mahal pa yan sa buhay mo." mataray na sambit nito.

Nagbaba muna ito ng sunglasses and pinasadahan ako ng tingin from head to toe bago ito tumalikod at naunang naglakad.

Napapailing nalang ako habang tulak ang cart na naglalaman ng sangkaterba nitong bagahe.

King inang buhay 'to oh. Kung ganito ba naman makakasama mo ang sarap nalang talaga patiwakal.....

Nang makarating sa sasakyan, sumakay ito sa likod at ako naman, balagbag kong pinaglalagay mga bagahe niya sa compartment. Yung Gucci-Gucci bag niya? Syempre hinayaan ko lang madaganan ng mga maleta nya. 😏

"Listen. You're not my type, but I don't have a choice. So you'd better not think about going to the next level and KEEP your grimmy paws off me." babala ni Tiffany pagkasakay ko ng kotse.

Napanganga ko sa pinagsasabi ng babaeng to. Di rin makapal mukha neto noh?

"At bakit? Ano bang inaakala mo? Ginusto ko tong sitwasyon ngayon? If it were for me, I would've jump on a cliff rather than getting married to a b*tch like you." I retorted and smirked at her.

"Exxxx...cuuuseeee me??? I'm a.... what???" singhal nito, "The feeling is mutual then. Wala pala tayo magiging problema, then." mataray na dagdag niya.

At wala ng nagsalita samin hanggang maihatid ko ito sa kanila.

Hinanap agad ni Tiffany ang Gucci bag niya pagbaba ng sasakyan. At nang makita niyang natabunan ito, galit na galit akong sinagawan.

"I told you to take extra care sa bag ko diba?!! LOOK WHAT YOU DID!!!" she shrieked habang hawak-hawak niya ang bag at maingat niyang pinupunasan ito.

Kinuha ko sa pitaka ang VIP card na binigay ni papa sakin kagabi at hinagis sa paanan niya.

"Go buy yourself a new one." I said with a smug on my face before I turned around at sumakay sa sasakyan.

"Hoy! Ano iiwan mo lang ako dito hah?!!! Yung mga luggages ko ipasok mo muna sa bahay!!! Heyyy!!! Stupid jerk!!!" sigaw nito habang hinahampas ang bintana ng kotse ko.

Di ko siya tinapunan ng tingin. Hinayaan ko ito magwala sa galit at pangiti-ngiti lang ako sa loob ng sasakyan.

Tinapakan ko na ang silinyador at iniwan siya sa labas ng bahay nila na parang tangang nag-ngingitngit sa galit.

Habang nagd-drive, may namuong plano sa isip ko.

Ngayon alam ko na ang gagawin. I'll just have to make sure na itong Tiffany mismo ang magback out sa kasal namin.

"I'll make her life a living hell. Hahaha!"

______________
••Zia's POV••

Eto na naman si Se Ju. Two days na siyang di umuuwi o nagpaparamdam.

Mabaliw baliw na naman ako. Hindi ko alam paano siya hahanapin. Nasakin ang phone niya kaya di ko rin siya matatawagan.

Ang mas lalong pinangangamba ko eh kung may nangyari ba dito na hindi maganda.

Hindi kaya kinuha siya nung lalakeng nakita ko nakaraang madaling araw?

"Jusko Se Ju bakit ba nawala ka na naman!" mangiyak-iyak kong sambit.

"Ma'am? Pasensya na po sa storbo. Nasa labas si Ms. Ji Won, may meeting daw po kayo?" silip ni Jane sa office ko.

"Sige papasukin mo siya." sagot ko dito.

Kahit mabigat ang loob ko nitong mga nagdaang araw, wala akong choice kundi magtrabaho pa rin. Hindi ko naman pwede pabayaan ang boutique dahil maraming umaasa sakin.

"Hi Ziandra! Kamusta ka na?!" bati ni Ji Won pagkapasok sa opisina ko.

Isa sa mga regular clients ko si Ji Won. Tanyag na aktres ito dito sa South Korea. And madalas sakin siya nagpapagawa ng mga evening gowns na sinusuot nito kapag nag-aattend ito ng awards night.

"Hey pretty lady! I'm somehow ok. Ikaw? How are you?" lumapit agad ako sa kanya para makipagbeso-beso.

"Eto maganda pa rin. Hahaha!" aniya bago umupo sa silyang nasa harap ng desk ko.

"Anyway, what brought you here?" nakangiti kong tanong sa kanya.

"Kasi I have this friend of mine, actress rin. She's getting married and her engagement party will be on Sunday. Ako muna nagpunta dito para itanong personally sayo if it's possible na magawan siya ng gown for Sunday? I know it's rush and all but I'm hoping you can do it." pakiusap ni Ji Won sakin.

Gusto ko sana siya tanggihan lalo na distracted ako kakaisip kay Se Ju.

Pero sayang naman, new client rin yun and an opportunity. Kung sakaling magustuhan niya ang gown baka sakin na rin sila magpatahi ng para sa wedding nila.

"Sure why not? Pero kailangan ko siya mameet by tomorrow at the latest. I need to get her measurements and syempre kung anong design ang gusto niya." I explained with a smile on my face.

"Great! You're the best talaga, Ziandra. I'll bring her here tomorrow para makilala si Tiff." masayang sabi ni Ji Won.

Di na rin ito nagtagal at may taping pa daw siya.

Nang makapagpaalam na ito, bumalik na naman ako sa pagtulala sa kawalan.

Nasaan ka na ba Se Ju? Umuwi ka na please....

Don't Fall Inlove With A Bad Guy #Wattys2019Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon