#7♡

808 6 1
                                    

(A/N: Hiii, sorry for not updating. I took a looong break and was also lacking inspiration. Anyway, this is in Filipino.)

'Nasaan ako? Hindi ko alam kung paano ako napunta dito. Ang paligid ko ay nababalot ng yelo. Oo, puro snow. Ang lamig lamig at napakadilim. Mag-isa pa ako. Nasaan na ba ang mga kaibigan ko? Iniwan na nila ako? Hindi ko alam... Hindi ko na alam ang gagawin ko! Nababaliw na ako! Tulungan niyo ako, pakiusap..'

Umiiyak na ako sa lagay na 'yon.

'Someone help me, please... Ayoko na.. Ayoko nang mag-isa!'

Sa oras na 'yon, biglang lumiwanag ang paligid ko. Echoing footsteps lang ang naririnig ng mga tainga ko. Sa kabila ng nakakabulag na liwanag, unti-unti kong inimulat ang mga mata ko.

May nakita akong fancy shoes at nung pag-akyat ng mata ko, para siyang naka semi-formal na parang tuxedo. 'Yung buhok niya medyo mahaba, shoulder length.

Iniabot niya ang kamay niya sa akin. Hindi ko man siya kilala, hindi man siya nagsasalita, hindi ko man makita ng maayos ang mukha niya, pero alam ko agad na mapagkakatiwalaan siya.

Kinuha ko ang kamay niya without hesitation. Hindi ko maipaliwanag ang biglang saya na naramdaman ng puso ko. Agad ko siyang niyakap sa leeg habang nakangiti ng malaki. Parang nakaramdam agad ako ng instant connection.

Moments later, nagkukwento lang ako sa kaniya ng kung ano ano sa ilalim ng isang snow decoration. Then, nabanggit ko sa kaniya na wala akong pangarap sa buhay. Tapos parang sinabi niya sakin na meron, at pinaalala niya nga sa akin.

Tumayo ako at naglakad sa labas. Sinlide ko yung daliri ko sa mga moist windows hanggang sa nakadrawing ako ng isang line. Napangiti ako dun. Oo nga pala, mahilig ako magdrawing. Pangarap ko maging isang magaling na tao sa pagdrawing. Tumingin ako sa kamiya at ngumiti ng malaki.

.....

The next thing I know, nasa eskwelahan na ako, kasama mga kaibigan ko. Hindi ko alam pero nandoon na naman ako sa breaking point ko. Parang iiyak na naman ako anytime soon. Sa may hagdan, may nahagilap ang gilid ng mata ko na isang pamilyar na lalaki. Pero siguro guni-guni ko lang 'yon.

Nadagdagan ang mga kasama kong kaibigan at naglakad lang kami sa kung saan habang nag-uusap ng kung ano ano. Nakaramdam na naman ako ng kaunting kasiyahan kasama sila.

Habang kasama ko sila, unti-unti ko nang nakalimutan ang mga kalungkutan sa puso ko. Ang mga malulungkot kong nakaraan. My gloomy days. Unti-unti na akong ngumingiti.

Hanggang sa napunta ulit kami sa snow. For a moment, hindi ko pa naalala yung lungkot ko, thanks to my friends. Nagmumuni-muni kami sa mga ice decorations.

"Wow! Ang gaganda, ang unique nila oh. Ano kaya tawag dito..?"

Ngumiti ako sa mga kaibigan ko. Tumitingin kami sa mga ice sculptures, meron pa ngang parang malaking apple na kinagat. Kasing laki ng puno! Nagulat ako at namangha. Natutuwa ako sa mga nakikita ko. Ang daming mga magagandang gamit at tanawin!

Pero tila biglang nakaramdam na naman ang puso ko ng kakulangan. Parang hindi ako makuntento, parang may butas. Sumimangot ako then I looked ahead.

"Wag... Wag niyo akong iwan.. Wag!"

Ang mga kaibigan ko papalayo ng papalayo sa akin. Nagfafade na sila at wala akong magawa doon. Kahit ilang beses ko silang tawagin, kahit ilang beses ako umiyak at sumigaw, kahit gaano kabilis ako tumakbo.. Wala. Walang silbi.

Napaupo nalang ako sa napakalamig na yelo at umiiyak. Then sa kabila ng blurry eyes ko, nakita ko na naman ang familiar figure ng isang lalaki.

Walang ano-ano ay tumakbo agad ako papunta sa kaniya at niyakap. Lalo lang tumulo ang mga luha ko nang maramdaman ko ang warm presence niya.

Kahit na hindi kami nag-uusap, naramdaman ko ang gentleness ng mga kamay niya at ng mga tingin niya.

Medyo nagulat ako nang kinuha niya ang mga kamay ko. He interwined our hands then we started dancing slowly, kahit na walang music.

"Hindi ako marunung sumayaw.." Bulong ko sa kaniya.

Ngumiti lang siya sa akin na parang sinasabi niya na, 'Okey lang yun.' Pakiramdam ko matutunaw ako sa gentle smile niya na yun. So sumunod nalang ako sa mga steps niya. Tinitingnan ko yung mga paa ko kasi baka matapakan ko siya.

Naging aware ako sa closeness namin and sa warmth ng gloved hands niya. Hindi man ganun kahigpit yung pagkatwine ng fingers namin pero I feel secure enough.

I feel like boyfriend ko siya. Ever since that day, naging dependent na ako sa kaniya. Tuwing malungkot ako at umiiyak, parang boom magic nandyan na agad siya sa harapan ko, ready to offer his warmth and gentleness. Parati niya ako sinusundan kahit saan ako magpunta. And I felt happiness... Pure happiness pag nandyan siya.

Nasa school na naman kami ng mga kaibigan ko, dun ulit sa may hagdan. Parang hindi na ako nag-aalala sa kung ano man mangyayari dahil alam kong nandyan lang siya, nakabantay sa akin.

Itinuturing namin ang isa't isa bilang magboyfriend at mag-girlfriend. Ewan ko pero parang natural na yun sa amin. Pero...

Feeling ko rin ang distant niya. Nang madaanan na naman namin siya sa hagdan, tumakbo muli ako at niyakap siya. Kaya lang parang ako lang ang nakakakita sa kaniya. Hindi kami pinapansin ng mga kaibigan ko parati. Bakit ganun? Invisible ba siya?

Pero wala sa akin yon. Ang importante sakin, masaya ako kasama siya. Siya lang ang nagpapasaya sa akin. As long as nararamdaman ko ang warmth ng kaniyang mga yakap, at ang mga gentle eyes and smile niya.... Masaya at kuntento na ako.

Hanggang sa nagising ako sa katotohanan. Oo, sa tunay na mundo. Hindi ako agad bumangon sa kama ko dahil pinagiisipan ko pa yung panaginip kong iyon.

'Bakit ako nagkaroon ng ganung dream? Baka kasi gusto ko nang magkaroon ng boyfriend? Anu ba yan. Hirap maging no boyfriend since birth.'

Napaupo na ako sa kama ko. Ngayon lang ako nagkaroon ng ganung panaginip. Pero salamat, Lord. At least naranasan ko man lang magkaroon ng mabait na boyfriend kahit sa panaginip man lang.

Pero hindi tuloy siya mawala sa isip ko. Parang gusto ko talaga siya makita. Kahit diyan lang sa labas ng kwarto ko. Kahit na parang multo siya at ako lang nakakakita... Yayakapin ko siya, katulad ng sa panaginip ko. Grabe noh? Yung iba ayaw makakita ng ganun pero ako gustong gusto ko, ahahahah.

...In the end, hindi ko nga siya nakita. Pero sana ngayong gabi, makita ko naman ulit siya sa panaginip ko. Please..

..Kinabukasan..

*Sigh*.. Hindi ko siya napanaginipan... Hayaan mo na. Baka someday in the future ulit, magkikita muli kami. Pero ano kaya ibig sabihin ng panaginip kong yon? Only time will tell.

#*#*#*#*#*#*#*#*#*

(A/N: I'm sorry kung 'di 'to maganda... Kasiii lahat ng nakasulat dito ay totoong nangyari. Napanaginipan ko ito kahapon. Parati kasi ako nananaginip. And gusto ko lang isulat ito kasi ayoko makalimutan. Btw, yung pic jan sa taas ay ang quick sketch ko sa kanya, kahit na di ko makita ng malinaw face niya, alam ko lang sobrang gentle niya. <3 So yun lang po hehe, word check, 1215 words.

P.S.: I you're interested, would you mind following my new Instagram account?  It'll mean a lot to me. Thanks! @zellecreationz is my username BTW.)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 29, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Random Romantic Scenarios (ONE SHOTS)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon