Chapter Thirty-Two

663 66 16
                                    


"Mga kasama! Gumusing kayo!"

Ang gulat na gulat na sigaw na iyan ang gumising sa aking dugo. Alerto kong ibinukas ang aking mata at agad na lumabas sa aking Tent.

Ngunit bago ako makalabas ay mayroon agad akong napansing kahinahinala.

Ang espasyo. Tila napaka-luwang ng aking kinalalagyan. At sa paglibot ng aking mga mata,natanto kong wala na ang aking bag.

Malaking gulat ang bumalot sa aking mukha hanggang sa ilang samut saring bulyaw na ang umusbong mula sa aking mga kasama.

Tuluyan akong lumabas. At sa madilim na umaga ay bumungad sa akin ang gising na hugis ng aking mga kasama.

"Dawn!" Lumingon ako kay Aurora, ngunit bago pa ako makapagtanong ay agad na siyang nagsalita. "Ang mga gamit natin, nawawala."

"Ano?!" Agad kong naalala ang aking bag. "P-paano?" Iyon marahil ang dahilan sa pagka-aggresibo ng lahat sa ngayon. Lahat ay galit kasabay ng kanilang gulat. At maging ako'y hindi na rin nagawang makapagpigil.

"Hindi ko alam," balisang tugon ni Aurora. "Pag gising ko, wala na ang mga gamit ko."

Mabilis na nagdilim ang paningin ko at agad na tinugis sina Callix at Knox sa aking paningin. At sa ilang metrong layo sa kumpol ng ilang tao, tila natatanaw ko si Callix.

Walang pagaalinlangan akong naglakad papalit dito.

"Dawn, saan ka—"

Nagpatuloy lamang ako. Ang aking mga puso ay hindi na makapag-pigil sa galit, gusto ko nang ilabas. Dahil wala nang iba pang maaring magtaksil sa grupong ito kung hindi ang dalawang balat kayong iyon.

Hindi ko na sila papalampasin.

Namuo ang aking kamao at umanagat ang aking balikat sa tensyon.

Ngunit agad akong binangga ni Taran. Malakas muntik na akong matumba.

Agad siyang lumapit sa akin dala-dala ang seryosong mukha na tanaw ko na sa madilim na umagang ito. "Anong--"

"Huwag kang magpadalos-dalos. Walang kasiguraduhan ang nasa isip mo." Humigpit ang mga kamay niya sa aking braso, at hinila ako papalayo kay Callix na ilang hakbang na lamang ang layo.

"Wala nang iba pang makakagawa nito sa atin kung hindi s—"

"Meron!" Bulyaw niya. "Ang mga Engineered Species. Mga misteryo ng gubat."

Sandali akong napa-isip. "Paano ka nakakasigurado?"

"Hindi ko tiyak. Pero kagabi . . . may naramdaman akong kakaiba bago ako matulog. Mga yapak."

Ngunit akala ko'y panaginip ko lamang iyon. Mayroon akong naramdaman kagabi gaya na lamang ng nangyari kay Taran, pero hindi ako tiyak kung iyon ay totoo.

"Walang patutunguhan iyang pagiging agresibo mo," tuloy niya. "Kumalma ka."

"Paano?" Huminto kami nang makalayo na kami ng bahagya. "Sabihin nating hindi nga sina Cal—hindi sila. Pero paano ako kakalma sa mga nakikita ko?"

Ang lahat ay desmayado at kanya-kanyang daing ang lumalabas sa kanilang bibig.

"Bigyan natin ng panahon ang bawat isa. Maya-maya, kapag humupa na ang tensyon, isisiwalat natin ang ating mga hinala."

"Tama siya, Dawn," tugon ni Atlas na bigla na lamang sumulpot.

Nanlobo ang aking mga mata. "Maging ikaw?"

"Naramdaman ko rin iyon tulad ninyong dalawa, pero hindi ko tiyak."

At sa kalayuan ay umalingawngaw ang malakas na sigaw ni Cluster. "Tumahimik kayo!" At doon ay bahagyang humupa ang mala-alingawngaw ng mga langaw na ingay. "Walang kwenta ang galit ninyo at pagsisisi. Kailangan nating kumalma, isiping mabuti ang maaring maaring naging dahilan!"

Living Pawns (Wattys 2019 Winner) (Filipino Dystopian Novel)Where stories live. Discover now